Chapter 28: Wedding Bells

9 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa hotel nila Azra para sa bachelorette party na inihanda nila para sa kan'ya. Nakakainis nga dahil ang theme namin ay Euphoria kaya lahat kami ay sobrang revealing ang suot, but that's okay, today is a girls night out!
"Gosh, kahit buntis ako ang sexy ko pa rin, right?" tinignan namin si Verielle habang umiikot-ikot pa, it's true, she's hot kahit malaki na rin 'yung t'yan niya.

"Of course! walang nag-bago, pangit ka pa rin!" hinampas naman ni Verielle si Kiya kaya lumayo ito.

"Ewan ko sa'yo, bitch! anyway, excited na ba kayo? for sure matutuwa kayo sa hinanda kong party." Sa tawa pa lang ni Verielle ay halata na may ginawa itong kalokohan, may boys night out din sila Kuya kasama 'yung mga friends niyang boys, sa kabilang part lang sila ng Hotel nila Azra.

"Tara na! mag-start na tayo!" sigaw ni Aeiona habang sumasayaw sa dance floor, grabe wala pa nga ay mga bangag na sila. Kinakabahan pa naman ako kapag mamaya na lingerie shower na, shuks! bakit may gano'n pa kasi, eh.

"Congratulations, Azrameika!" nag-toss kaming lahat at ininom 'yung hard drink, tinignan naman namin si Aky habang may hawak-hawak itong cake na may design na private part ng guy, kaya tawa kami nang tawa.

"Gosh! ikaw ba nag-isip niyan, Verielle?" sabi ni Azra habang nakatingin kay Verielle na tawa pa rin nang tawa.

"Hindi, ah! it wasn't me, si Ambi 'yon!" nag-bangayan pa sila ro'n bago ihipan ni Azra 'yung cake niya, sumayaw-sayaw kami sa dance floor, hindi ko tuloy maiwasan isipin si Leal, ano na kayang nangyayari sa night out nila? Ugh! hindi ko dapat siya isipin, bahala siya riyan.

"Mag-lingerie na tayo then ipapakita ko na 'yung surprise ko!" sabi ni Verielle kaya kinuha na namin 'yung lingerie namin lahat kami ay pare-pareho dahil si Verielle nag-isip no'n, mas lalo siyang naging revealing since mas luwa na talaga 'yung dibdib namin, ewan ko ba rito kay Verielle kapag siya makita ni Ry na ganito lagot siya.

"Ang s-sexy ninyo gosh!" sabi ni Azra, ngumiti ako rito, at umupo na kaming lahat sa couch na sa gitna namin si Azra habang lahat kami ay may hawak na popcorn.

"Ano na naman kalokohan 'to Verielle? don't tell me manonood tayo ng horror?" sabi ni Chrys at binato pa si Verielle ng popcorn kaya natawa ako.

"Hindi horror kung hindi sex education!" tumaas ang kilay ko, pasalamat siya buntis siya kung hindi na hampas ko na ito.

"Fuck you, Verielle! nasaan na?" sabi ni Kiya na halatang naiinip na, pinindot ni Verielle 'yung remote kaya naging red room 'yon, OMY GHAD! seryoso ba siya na manonood kami ng movie?

"Ladies and girlies, introducing the viva max boys!" sigaw ni Verielle, nanlaki ang mata ko dahil biglang bumukas 'yung pintuan at may pumasok doon na mga lalake, marami-rami ito at may mask pa sila.

"Holy moly! what kind of surprise is this, Verielle!?" sabi ni Azra habang tumatawa, tinakpan ko 'yung mata ko dahil tinanggal na nila 'yung suot nilang tshirt at kitang-kita na rin 'yung mga abs nila, at nakasuot lang din sila ng boxer. Ghad! my virgin eyes!

"GHAD!" napapangiwi na lang ako habang sumisigaw 'yung mga kaibigan ko, hindi ko masyado maaninag 'yung mga sumasayaw dahil cover na cover 'yung mga mukha nila, na patingin ako sa isang guy na nakatitig saakin habang sumasayaw, ang hot ng mga movies niya OMY GHAD! pero no! hindi ko dapat 'yon tignan.
Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig, pakiramdam ko ay nag-iinit na ako sa loob, punyeta talaga 'yon si Verielle puro kalokohan ang iniisip!

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now