Chapter 11: Jelly

56 33 2
                                    

Umupo ako sa study table ko at inilabas ang libro ko mag-babasa muna ako ngayon dahil wala naman akong ginagawa. Kakauwi ko lang din galing kala Leal at nakakapagod din pala kahit wala naman akong ginawa doon kundi kunin lang yung gitara. Napatingin ako sa kanan ko kung saan nakalagay ang gitara ni Leal Kaya naalala ko na naman yung nangyari kanina.

"Huh, what did you just say?" tanong ko rito pero hindi siya sumagot.

"We're here." Napatingin ako sa bahay nila malaki yo'n, hindi naman na ako nagulat mayaman sila Leal, Papa nga niya si Mr. Veranto, eh.

"Ibigay mo na 'yung gitara, gusto ko nang umuwi! sigaw ko rito.

"Pfft, bakit ka ba nag-mamadali may date ba kayo ni Zild?" Sabi niya sa'kin kaya na pataas ako ng kilay gago ba siya, anong date pinagsasabi nito?

"Ano ba 'yang sinasabi mo? kung ibigay mo na lang saakin kaagad, edi tapos na!" Hindi na niya ako pinansin at sinundan ko na lang ito mag-lakad.

"Good afternoon, Sir." Bati ng maid nila sa kan'ya.

"Good afternoon, Where's Mom?" tanong ni Leal.

"Wala po ang mommy ninyo, sir. na sa meeting, ang daddy ninyo po kakauwi lang nandoon po siya ngayon sa kwarto niya." Sabi ng maid at tumingin saakin. "Girlfriend mo, sir? ang ganda naman po." Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Ah hindi po classm-" Napatingin ako kay Rhant dahil bigla niya akong inakbayan.

"Yes, she is. Let's go, babe" Nang laki ang mga mata ko sa sinabi niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko papasok sa isang kwarto.

"Ulol mo, kailan mo pa ako naging girlfriend? na sobrahan ka ata sa krimstick kaya sobra 'yang imagination mo!" sigaw ko rito.

"Kapag sinabi ko naman na classmate lang kita hindi sila maniniwala, so girlfriend na lang, ikaw pa lang kasi 'yung dinala ko rito sa bahay namin, so shut up." Sabi niya habang patungo siya sa kama niya.

"Well. I don't care, baka ano pa isipin nila." Tinarayan ko ito.

"Damn, can you please shut your mouth? you're so fucking loud!" He yelled. Hindi ko ito pinansin at nilubot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto niya.

"Akala ko ba ayaw mo sa SCRUBB, bakit ka may poster nila?" Tanong ko rito. Super dami kasi ng mga SCRUBB poster niya sa loob ng kwarto niya.

"Mind your own business." he said at kinuha 'yung guitar case niya. Naglakad ako papunta sa mga picture frames, natawa naman ako sa picture nung bata pa siya na umiiyak. Super taba ng cheeks niya and mukha siyang angel doon, ewan ko kung anong nangyari ngayon. Nalipat 'yung tingin ko sa isang picture frame kung saan na kaakbay siya sa babae, while the girl is holding his chest and nakahalik ito sa kan'ya. May kung anong kumirot sa dibdib ko pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Nagulat ako dahil natumba ko 'yung isang picture frame at inayos ko 'to. Napatigil ako dahil sa nakita ko. SCRUBB concert, kung saan na sama amo sa picture habang masayang nanonood.

"Bakit nandito ako?" Tanong ko kay Leal. Tumayo naman 'to at nag-lakad patungo sa'kin.

"Where?" sabi niya at tinignan 'yung hawak kong picture frame. "Pft... Assuming? hindi ikaw 'yung kinukuhaan ko niyan." Sabi niya at inagaw 'yung picture frame sa'kin. Super sungit, nagtatanong lang naman ako.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now