Chapter 27: Tiring

12 1 0
                                    

Now that I'm standing on the stage, holding my diploma. I couldn't help but not to think the journey that brought me here. As I looked out at my schoolmates, I know that each of us are embarking on our own paths. I find myself drifting back to that moment when we made our promise to graduate together, side by side, celebrating our achievements and dreams fulfilled together. Some promises are meant to be broken talaga  "Congratulations, Baby!" yumakap agad ako kay Mama at sinabit ang medal ko.

"Congrats, Little Angel!" niyakap ko rin si Kuya, at ginulo-gulo na naman niya ang buhok ko. "Uuwi ka na sa Pinas!" sigaw nito kaya natawa naman ako. "Picture!" nilabas ni Kuya 'yung cellphone niya at nag-picture kami.

"Wait lang, Kuya, pupuntahan ko lang 'yung friends ko." Tumango sila at nag-lakad ako papunta kala Nikki. "Congrats, guys!" bati ko sa kanila at nag-group hug kami.

"Congrats, Ainsley! iiwan mo na kami." Malungkot na sabi ni Sanzu, kaya binatukan naman siya ni Nikki. "Ouch!"

"Ang OA mo naman! babalik din naman tayo ng Pilipinas, and syempre mag-kikita pa rin tayo 'no." Sabi ni Kaze, nag-picture rin kami at may pinag-usapan pa bago ulit ako mag-lakad papunta kala Mama. Napatigil ako nang makita ko si Rhaegan, ang laki na niya at mas lalo siyang gumanda.

"Ate! I miss you so much..." Nagulat naman ako dahil niyakap niya ako wala na rin ako nagawa kung hindi yakapin siya pabalik. Alam kong alam niya na matagal na kaming break ng Kuya niya pero hindi ko rin alam kung bakit ako pa rin ang gusto niya para kay Leal. "How are you? I missed you, ate..." ngumiti ako sa kan'ya at inayos ko 'yung buhok niya.

"I miss you more, Rhae, I'm good! babalik na rin ako ng Philippines. How about you?"

"I'm good as well! tara, hinahanap ka ni Mom!" mag-sasalita na sana ako pero huli na ang lahat dahil hinila niya ako. Damn, nakakahiya alam na rin nila Tita, and Tito na wala na kami, hindi ko alam ang sasabihin ko sa harapan nila. Malayo pa lang ay natatanaw ko na siya, walang emosyon ang mukha niya nung nakita ako na kasama si Rhaegan. "Mom, Dad, ate Ainsley is here!" sigaw ni Rhaegan. Tinignan naman ako na Tita and Tito and ngumiti ito saakin.

"Congratulations, Ainsley! I am so proud of you, here's my gift!" sabi ni Tita at may inabot siya saakin, damn! deserve ko pa rin ba 'yung treatment nila? gano'n din si Tito na may inabot na gift saakin. "Do you want to come with u-"

"No, Mom, I think may lakad din sila." I looked at him at titig na titig lang ito sa'kin, ngumiti ako kay Tita para hindi mag-mukhang awkward.

"Uhm, yes, tita! may lakad po ako, actually ngayon na rin po 'yung flight namin nila Mama, mauna na po ako." Nag-bow ako sa kanila at humarap.

"Really? keep safe, Ainsley. Always remember that we're still here for you..." Napatigil ako sa sinabi ni Tito, niyakap ko sila parehas ni Tita at gano'n din kay Rhaegan. Nang humarap ako sa kan'ya ay wala pa rin emosyon sa mukha niya.

"Congrats..." I said and walked away. Dumiretso na agad ako kala Kuya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ko ba 'to nararamdaman? ang tagal na no'n! ilang taon na kaming hiwalay, I shouldn't felt this shit.  "Let's go?" hinawakan ko ang kamay ni Kuya at sabay kami nag-lakad papunta sa kotse.

Nang makarating na kami sa bahay sa Pinas ay dumiretso ako sa kwarto ko at naligo, damn! Namiss ko rito, ilang taon din akong hindi nakauwi rito dahil pagkarating ko sa Japan ay hindi na rin ako umuwi rito, hindi ko natupad ang promise ko na uuwi ako rito every holiday, pero naintindihan naman 'yon nila Mama at Kuya. Napahinto ako dahil nandoon pa 'yung mga picture frame namin ni Leal sa tabi ng kama ko, kaagad ko naman 'yon tinago. Marami pa ngang nakasabit sa wall, eh! "Can't move on?" nagulat ako dahil biglang sumulpot si Kuya kaya tinaasan ko ito ng kilay.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now