Chapter 15: Late Night Talks

60 33 2
                                    

"So, what's your plan?" Kiya asked, habang hawak-hawak 'yung bracelet, sinabi ko kasi sa kanila na nililigawan na ako ni Zild mukhang mas gulat pa nga sila saakin eh.

"Hindi ko alam, kahit hindi ako sumagot sa tanong niya he still gave this bracelet at hihintayin niya raw 'yung sagot ko." I said, totoo naman hindi ko alam kung anong gagawin ko, hays! ayoko pa rin naman umasa siya dahil kaibigan ko siya, bakit ba kasi ganito pa, bakit kailangan nila ako gustuhin, hindi ko naman sila masisi, eh.

"Sagutin mo na, babes! choosy ka pa, eh! Zildjian Brightlein na 'yan, oh! a-atras ka pa?" It was Verielle, kasama ko sila ni Kiya rito sa canteen, wala pa kasi 'yung mga kaibigan ko.

"Hindi naman kasi gano'nn kadali 'yon, Verielle, I want to make sure about my feelings first. Lalo't kaka-break pa lang nila ni Zaireliana paano kung sugudin na naman ako no'n?" I said, oo nga, bigla ko tuloy naalala ko Zaireliana, alam kaya niya?

"Yeah, that's right, Ainsley. Don't worry we're always here for you, kahit ano pa 'yung decision mo, nandito lang kami" Kiya said kaya ngumiti ako.

"Oh! hbu? kumusta kayo ni Adam?" I asked, free time ng section namin ngayon kaya wala masyadong tao rito sa cafeteria.

"I'm planning to talk to him later, kinakabahan nga ako, eh" she said. Ano kayang mangyayari? sasagutin kaya niya si Adam? ayoko naman siya tanungin about doon.

"Nandito lang din kami para sa'yo" nilabas ko 'yung invitation na binigay ni Leal sa'kin. "Anyway, ininvite tayo ni Leal sa birthday niya." Galit pa kaya siya saakin? gusto ko tuloy siya makausap, pero iniiwasan niya ako sa room, eh. Kakausapin lang kung about sa practice.

"Wow! panigurado sosyal 'yang party na 'yan tara shopping tayo!" Verielle said. Pumayag naman kami na mag-shopping kami bukas para kasama na rin namin 'yung ibang friends namin. Nang makapasok na kami sa classroom wala naman masyadong ginagawa kaya nag-basa na lang ako ng libro at gano'n pa rin, hindi talaga niha ako pinapansin, si Zild naman ngumingiti kapag tumitingin ako.

"Hoy! punta tayo kala Azra nag-aaya kumain." Sabi ni Verielle habang nag-aayos, biglaan ata? Nag-ayos na lang din ako at pumayag, wala naman kasi akong gagawin, eh. Hinatid kami ng driver nila Kiya sa condo ni Azra, nandoon din 'yung mga friends ko, nagulat naman ako dahil ang daming alak at foods sa table.

"Gago? akala kob a kakain lang bakit may mga alak dito?" Si Akiya, pumasok na kami sa loob ng condo niya.

"Iyon nga, eh! pag-pasok namin dito may mga alak din si Azra bumili niyan!" Sabi naman ni Aeiona habang na katingin kay Azra na kanina pa raw umiinom. Nilapitan ko ito para kunin 'yung baso niya pero hindi niya 'to binitawan.

"Please, let me do this, I can't take this pain anymore, ayoko na!" I looked at her, siguro dahil kay kuya kaya ganito siya? feel ko tuloy kasalanan ko rin kung bakit ganito 'yung nararamdaman niya.

"But, Azra, this is not right, you should stop it right now" sabi ni Aky at inagaw 'yon sa kan'ya, nagulat naman ako dahil siya naman 'yung uminom no'n, anong nangyayari?

"Wow! nag-salita kanina ka pa nga umiinom r'yan!" sabi Ambi. Ano bang nangyayari sa mga 'to? Tinignan ko si Verielle dahil nag-salin ito sa shot glass at mabilisang ininom 'yon. Parang wala lang sa kan'ya 'yung ininom niya dahil nag-salin muli ito.

"Please, ngayon lang mga ate ko, promise! shot din kayo." nag-salin siya at inabot niya sa'kin 'yung shot glass na may lamang Alfonso. Inabot niya 'to saakin at tinignan ko 'yon. "Ate, try mo dali!" hindi ko pa 'yon natitikman at hindi ako sure kung magugustuhan ko 'yon, lalo na sana ako pero biglaan kinuha 'yon ni Kiya at pinainom sa'kin, natulak ko tuloy siya dahil sobrang uminit 'yung lalamunan at t'yan ko, kaya uminom ako ng chaser na hawak ni Azra.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now