Chapter 9: Apocalypse

55 32 18
                                    

"Anak, bumili ka nga ng corn beef." Tumayo kaagad ako, dahil inutusan ako ni mama, kinuha ko na kaagad 'yung pera at sinuot ko 'yung jacket ko dahil malamig na sa labas dahil gabi na. Hindi naman masyadong madilim sa subdivision namin since bukas pa 'yung mga ilaw. Nag-madali pa rin akong pumuntang tindahan para makauwi kaagad. Nang makabili na ako ay agad na rin akong nag-lakad. Napatingin pa ako sa park, madadaanan ko kasi 'to bago ako makarating sa bahay, napatigil ako dahil may naaninag akong tao. Nag-lakad ako papunta ro'n at nagulat ako nang makilala s'ya.

"Why are you here? gabi na ha." I said, na patingin ako sa kan'ya dahil sobrang gulo ng buhok n'ya at nakaupo lang 'to sa lupa. Napatingin naman s'ya sa'kin, sobrang pula ng mga mata n'ya at halatang umiiyak 'to. "L-Leal, what happened?" tanong ko rito at inalalayan ko s'yang makatayo. He held my shoulder at hindi niya ako sinagot. "Please, mag-salita k-" na patigil ako dahil bigla n'ya akong hinalikan. Tinulak ko s'ya kaya napaatras 'to. "Leal! ano bang problema mo, bakit mo ginawa 'yon?" hinampas ko siya pero nakatitig lang 'to sa'kin.

"I-Im jealous, Ainsley" he said calmly, napatigil naman ako rito. I bit my lip at seryoso ko s'yang tinignan, "I'm fucki-" nagulat ako dahil bigla s'yang natumba kaya agad ko 'tong inalalayan.

"Leal!" I yelled, napatingin ako sa gilid n'ya dahil may bottle ng beer do'n, uminom siya? "Leal hoy, hindi kita kaya!" niyugyog ko s'ya pero hindi 'to magising. Kinuha ko 'yung phone ko at tinawagan ko si kuya pero hindi 'to sumasagot. "Leal please" napatingin ako sakanya at nanlaki ang mata ko dahil tumatawa pa 'to, he held my head and he suddenly kissed me.

"Hey, Ainsley, wake up!" nagising ako sa sigaw ni kuya kaya tinignan ko 'to, kinuha ko 'yung cellphone ko para tignan 'yung oras. Napabangon naman ako dahil late na akong nagising.

"Kuya, bakit ngayon mo lang ako ginising?" I asked him, kinuha ko 'yung towel ko at tinignan s'ya.

"Late ka umuwi last night, saan ka ba galing?" he asked, napaisip naman ako, bakit gano'n 'yung panaginip ko? parang totoo.

"What do you mean? pag-dating ko galing school, natulog kaagad ako." tama naman, diba? natulog kaagad ako, hays! ewan ko ba ang gulo ng utak ko ngayon, nakaraan umamin lang si Zild sa'kin, tapos mapapanaginipan ko na hinalikan ako ni Leal.

"You have amnesia, you forgot? sinundo kita sa bahay nila Kiya." he said, nag-taka naman ako, mag-tatanong sana ako pero bigla na s'yang lumabas ng kwarto ko. Paano ako napunta kala Kiya? Mabilis akong pumunta ng cr para maligo, and after that nag-bihis agad ako, and inayos ko 'yung hair ko, hindi na ako kumain dahil late na late na rin ako, nauna na si kuya sa school kaya nag-tricycle nalang ako. Nakakainis! iniwan n'ya ako, ang bagal ko raw kasi kumilos. Pag-pasok ko ng campus agad akong pumunta sa field dahil nando'n daw 'yung mga kaibigan ko, hindi naman ako nahirapan na hanapin sila dahil tanaw na tanaw ko na sila malayo pa lang. Tumabi naman ako kay Kiya at tinanong ko 'to.

"Kiya, sabi ni kuya sinundo n'ya raw ako sain'yo kagabi, can you please tell me what happened?" I asked. Halata naman na kinakabahan siya.

"Uhm... Nakalimutan mo?" she aske

"Mag-tatanong ba ako sa'yo kung alam ko?" sabi ko rito, tumawa naman 'to.

"HAHAHA, ano kasi..." seryoso ko lang 'to tinignan.

"Hoy! gawin na natin 'to, mamaya na kayo mag-chismisan." Sabi ni Ambi, na patingin naman ako sa kan'ya at inabot n'ya sa'min 'yung art materials.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now