BALA

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: QWERTY

Ang isyung panlipunan na kinasasangkutan ng bala ay mga panahon na marami ang nakaranas ng tiwaling Gawain ng gobyerno sa mga kapwa mamamayang Pilipino. Sa paggamit ng bala ay tila ginagamit ang kanilang mataas na posisyon upang magkaroon ng kapangyarihan laban sa mga ito. At may mga usapin tulad ng tanim-bala sa NAIA at "War on Drugs" na nangyari halos sa buong bansa. Hindi ito nabigyan ng pansin kung paano ang tamang proseso sa pagbaba ng utos na laban sa war on drugs at tanim-bala. Marami ang naapektuhan dito at nagbigay ng trauma sa mga tao.

Sa usapin tungkol sa tanim-bala na labis na nagbigay ng malaking problema para sa mga mamamayang nagtatrabaho sa ibang bansa o mga "OFW's". Sila ang mas nakaranas ng ganitong pangyayari dito sa ating bansa, nagkaroon sila ng takot na umuwi pa dito sa bansa. Mahalaga itong bigyan ng pansin ng pamahalaan na hindi na muli mangyari sa bansang Pilipinas. Hindi rin ito nakakatulong sa mga pamilya na ankaranas ng tanim-bala sapagkat sila ay nadamay lamang sa modus ng mga tiwaling pamamahala. Dahil sa tanim-bala ay nagbigay ito ng trauma sa mga tao na kung saan sa tuwing ipapa-check nila ang kanilang mga bagahe ay ginagamitan nila ng tape upang maprotektahan ang kanilang mga gamit laban sa tanim-bala.

Sa usapin naman tungkol sa war on drugs na laganap noong administrasyon ni Pangulong Duterte ay maraming inosenteng tao ang nadamay dito. May malaking epekto din ito sa mga pamilya na naiwan ng mga biktima ng war on drugs. At karamihan sa mga naiwang pamilya ay hindi man lang nakatanggap ng patas na hustisya na nangyari sa kanilang mahal sa buhay. At sa pagdaan ng panahon ay inantay pa ng gobyerno na dumami pa ang bilang ng mga nasawi sa war on drugs. At ang tanging kanilang rason ay nanlaban daw 'kuno" ang mga ito kaya bala ang nagging solusyon sa paglaganap ng patayan sa gitna ng gulo sa "war on drugs".

Ang paggamit ng bala ay hindi dapat basta-basta na lamang inuunahan ng emosyon, mahalaga na may sapat na kaalaman sa bagay na ito. Katulad na lamang sa pagtanggol sa mga nakakaranas ng masamang gawain ay sila sana nag makakuha ng sapat na suporta laban sa mga tiwaling gawain sa gobyerno. Marami pa rin sa mga Pilipino ang biktima ng bala na hindi nakakakuha ng patas na hustisya sapagkat sila ang pinaka target dahil wala silang kakayahan na ipagtanggol ang mga sarili nila. Sana ay magwakas na ang mga masasamang gawain gamit ang bala, hindi ito dapat i-normalize sa ating Lipunan lalo na sa mga pamilyang nagging biktima nito. Ang bala ay hindi solusyon sa anumang tagumapay na gusting makamit dahil sa pagiging mabuting mamamayan nag-uumpisa ang tagumpay ng bansa. 

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon