Child Labor (Ang maagang pagtratrabaho ng kabataan)

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Regarder

Madami nagsasabi na ang kabataan ang syang pag asa ng bayan.Ngunit sa napapanahong. Isyu na nangyayari tila ata nagbabago ang nangyayari.Dahil sa kahirapan na dinadanas ng mga kabataan maaga silang namumulat na maghanap buhay upang makabisan ang kahirapan na dinadanas. Ang isa pang dahilan ay ang walang sapat na kakayahan makapag aral dahil sa kahirapan na dinaranas ng mga ito. Mas nangingibabaw na lamang ang kanilang pagtratrabaho kesa makapag-aral.

Bakit nga ba maagang namumulat ang mga kabataan sa pagtratrabaho? maagang namumulat ang mga ito dahil nga sa kahirapan na nararanasan sa kanilang buhay. Mas pinipili na lamang ng mga kabataan na tumulong sa magulang maghanap buhay upang maka raos sa araw-araw na pangangailangan ng mga ito. Dahil sa hirap na dinadanas ng mga ito sa buhay maaga silang nagiging responsable sa mga bagay bagay. Ang isa pang dahilan ay ang kanilang bilang sa pamilya. kaya't mas nagiging malawak ang kanilang pagiisip bilang isang kabataan upang magtrabaho para sa kanilang pamilya at mairaos ang kahirapan sa buhay.

Pagdating naman sa kanilang pag aaral kahit na gustuhin nila makapag-aral hindi nila magawa. Dahil sa kahirapan na pinagdaanan nila mas ginugusto na lamang nila na magtrabaho muna kesa makapag-aral. Bilang isang kabataan na may pangarap din para sa kanilang mga sarili masakit para sa kanila na hindi muna makapagaral. Naging dahilan para sa kanila ang kahirapan sa buhay para hindi maituloy muna ang gustuhing makapag aral. Dahil ang mga kabataan na ito na nakakaranas ng matinding kahirapan sa buhay mas iniisp nila na tumulong na lamang muna sa magulang maghanap buhay para may pantawid gutom sa araw-araw.

Bilang isang mag aaral na nakakakita ng ganitong klase ng pamumuhay sa bansa. Ang tanging naiisip ko na paraan ay ang maging isang paraan upang matulungan sila ng nasa mataas na posisyon sa bansang kinabibilangan.Tulad na lamang na mabigyan sila ng sapat

na trabaho sa mga magulang ng kabataan na nakakaranas ng ganitong kahirapan sa buhay. Sa paarang ito magiging maalwan ang kanilang magiging pamumuhay.Pagdating naman sa edukasyon ng bawat kabataan maitaas din ito sana sa pagkakaroon ng libreng pag aaral para sa mga ito. At sana magkaroon din ng maayos na paaralan at sapat na gurong makakatulong upang sila ay maturuan ng sapat na kaalaman para sa magiging kinabukasan.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon