Mga Kakulangan sa Pangangailangan ng Mental Health sa Pilipinas

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Hotdogsaref

Ang isyu ng mental health sa Pilipinas ay isyung nararapat na mapagtuunanng pansin. Bunga ng kakulangan sa mga pangangailangan at kaalaman ukol sa mental health sa ating bansa, ay ang pagkabuo ng stigma sa mga taong nakararanas ng mental na kapansanan at sa usaping ito. Gayon din ang kahirapan na makatanggap ng tulong dahil sa limitadong pasilidad at iilang mga practitioner ng klinikal na sikolohiya, at ang patuloy na pagdami ng mga Pilipinong nakararanas ng mental disorders.

Ang kakulangan sa kaalaman sa usaping mental health ay ang dahilan kaya marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi ito lubos na maunawaan. Kaya rin patuloy ang pagkakaroon ng stigma sa mga dumaranas ng mental disorder at sa usaping mental health. Dahil sa stigma na ito ay nabubuo ang takot sa kanila upang humingi ng tulong at suporta mula sa iba lalo na sa mga propesyonal.

At ang kakulangan sa mga pasilidad at serbisyong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga taong nais ng tulong para sa kanilang mental na problema ay nagdudulot ng patuloy na pagtaas ng kaso nito sa bansa. At karamihan ay hindi nabibigyan ng lunas dahil sa pagkawala ng madali at libre o murang access sa mga serbisyong para sa mental health.

Sa kabuuan, ang mga hamon na bunga ng isyu ng mental health sa ating bansa ay nararapat na matugunan. At ito ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa mental health at pagbabahagi nito sa maraming Pilipino. Sa ganitong paraan ay magkakaroon sila ng pagkaunawa na siyang maaaring makapag-alis ng mga stigma nito sa lipunan. At ang pagkakaroon ng kooperasyon ng gobyerno at ng bawat Pilipino upang mapaunlad ang ating lipunan na mayroong access ang bawat isa para sa suporta at pangangalaga na kanilang kailangan para sa mental health. 

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon