Tubig sa Tag-init

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Euria

Nararamdaman na ba ng lahat ang init sa ating barangay, bayan, o bansa? Handa ba ang lahat sa pabago – bago ng ating klima? Sapat nga ba ang produksyon ng tubig ngayong tag-init sa ating bansa? Marahil tayo ay nangangamba sa ating nararanasan ngayon lalo na tuwing tirik na tirik ang araw at sobrang init nito sa ating sistema o katawan. Masusulusyonan kaya natin ang problemang ating hinaharap?

Napapanahon ngayon ang pagtaas na init ng temperatura sa ating bansa. Ngunit ang produksyon ng tubig sa ibat ibang lugar tulad ng Maynila, Laguna, at Cavite ay namomoblema dahil sa kawalan ng sapat na tubig sa kani-kanilang mga barangay. Sapagkat kung kailan maraming lugar ang nakakaranas ng nagbabagang init na panahon ay doon pa nagkaroon ng aberya sa ating produksyon ng tubig sa kanya kanyang tahanan. Isa pa sa mga naging problema ng mga taong nakararanas ng pagkawalan ng produksyon ng tubig ay ang hindi maayos na pagaanunsyo ng mga inatasan. Mas maayos at makakapaghanda sana ang mga nakararami kung ang mga inatasan maganunsyo ay nasabi ang pagkawalan ng produksyon ng tubig ng maaga. Dahil dito, kapag pinagpatuloy ng mga inatasan mag anunsyo ang huling o hindi pagpapaalam sa nakararami ng pagkakawalan ng produksyon ng tubig sa kanya kanyang tahanan ay maraming tao ang hindi magiging handa at marami ang mamomoblema sa pagkawalan ng tubig.

Sa init ng panahon ngayon, hindi na sapat ang pamaypay sa pagpawi o pag alis ng kainitan na nararamdaman. Iniiwasan rin ng mga nakararami ang paggamit ng bentilador upang mapababa ang pagkonsumo ng kuryente. Kaya't ang mabisang solusyon ay ang pagligo upang maibsan o mawala ang nararamdamang init sa katawan. Hindi lang ito nakakaginhawa sa pakiramdam, nakatutulong din ito sa pagpapababa ng ating dugo. Alam naman natin na isa sa mga dahilan ng matinding kainitan at pagbago ng ating klima ay ang pagkasira ng ating kapaligiran. Dahil sa pagkasira nito, nagbabago ang ating kapaligiran, maraming anyong tubig ang natutuyo kaya't kakaunti nalang ang mga lugar na mapagkukuhanan natin ng tubig. Sa pangyayaring ito, mas maraming mga tao ang namomoblema sa pagkukuhanan ng tubig sa hinaharap na tag-init na panahon.

Sa problemang kinahaharap ng ating bansa ngayon patungkol sa paghina ng produksyon ng tubig sa iba't ibang lugar sa ating bansa dala ng init ng panahon, sana'y lalong mabigyan natin ng pansin ito. 

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon