Saan Aabot ang Pananampalataya Mo?

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Capitana

Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa mga pinakarelihiyosong bansa sa buong mundo. Ang relihiyon, lalo na ang Kristyanismo, ay malalim na nakaugat sa kultura at araw-araw na buhay ng maraming Pilipino. Gayunpaman, sa kabila ng positibong impluwensya nito sa pagtukoy ng moralidad at pagkakaisa, may mga pagkakataon kung saan ang relihiyon ay maaaring magdulot ng gulo at pagkakahati sa mamamayan.

Isa sa pinakamalinaw na manipestasyon ng toxicity ay ang paggamit ng relihiyon bilang kasangkapan sa politika. Sa mga nakaraang dekada, ilang mga relihiyosong grupo, tulad ng Iglesia ni Cristo, ay kilala sa pag-endorso ng mga kandidato sa panahon ng eleksyon. Ang kanilang "bloc voting system" kung saan inaasahan na sundin lahat ng miyembro ng iisang pag-boto batay sa direkyon ng kanilang liderato, ay itinuturingna nagdudulot ng hindi healthy o maling pag-sanib ng relihiyon at gobyerno, kung saan ang relihiyosong pananaw ay may malaking impluwensya sa politikal na kapangyarihan. Sa ganitong paraan, ang relihiyon ay hindi lamang isang personal na pananampalataya kundi nagiging instrument na upang makamit ang kapangyarihan at impluwensya.

Ang isyu ng abortion sa Pilipinas ay isa pang masalimuot na aspeto kung saan ang impluwensya ng relihiyon sa mga patakaran at batas ng bansa. Ang Pilipinas, na may malakas na Katolikong impluwensya, ay may mahigpit na batas laban sa abortion. Dahil dito, ang mga biktima ng rape na nabuntis bilang resulta ng karahasan ay madalas na napipilitang ituloy ang pagkakabuntis lingid sa kanilang kagustuhan. Ang mga kababaihang ito ay madalas na nagiging biktima hindi lamang ng pisikal at emosyonal na trauma mula sa pang-aabuso, kundi pati n rin ng stigma at diskriminasyon mula sa Lipunan na maaaring tumingin sakanila ng panghuhusga.

Ang pagiging mapanghusga at eksklusibo rin ay isa pang negatibong aspeto ng relihiyon sa Pilipias. Sa ilang kaso, ang mga taong hindi sumunod sa "tamang" relihiyon at itinuturing na mababa o makasalanan. Ito ay lumilikha ng isang kultura ng pagkakahiwalat at stigma laban sa mga hindi kabilang sa dominanteng relihiyon o yaong mga nagpasyang iwan ang kanila pananampalataya, mga atheist o agnostic.

Makikita rin ang pagpapalaganap ng diskriminasyon at pagsasantabi sa mga minoridad ay ang ilang konserbatibong paniniwala na nagpaphirap sap ag-usad ng mga karapatan ng LGBTQ+ na komunidad. Noong 2015, nagpahayag ang isang sikat na boksingero at politika na labag sa kanyang pananampalatayang Kristyano ang pagsuporta sa mga Karapatan ng LGBTQ+, maraming miyembro ng komunidad ang nadama na ito ay isang halimbawa ng kung paano nagamit ang relihiyon para bigyang katwiran ang diskriminasyon at pagbubukod. Ang pagtutol sa same-sex marriage, pag-ampon ng mga LGBTQ+ couples, at pagkakaroon ng pantay na karapatan sa trabaho at edukasyon ay ilan lamang sa mga isyung madalas na hinaharangan ng doktrina ng relihiyon.

Ang toxicity ng relihiyon ay hindi rin maikakaila sa mga pangyayaring may kinalaman sa pang-aabuso sa kapangyarihan sa loob ng mga institusyong relihiyon. Ang mga sekswal na pang-aabuso at kurapsyon na kinasasangkutan ng mga lider na relihiyoso ay nagdulot ng malalim na tiwala ng maraming Pilipino. Noong 2017, ang isang relihiyosong lider sa Pilipinas ay naaresto at nasangkot sa mga paratang ng panggagahasa at iba pang sekswal na krimen sa mga miyembro ng kanyang simbahan.

Sa kabila ng mga negatibong aspeto, hindi maitatanggi ang positibong epekto ng relihiyon sa maraming Pilipino sa pagbibigay ng espiritwal na lakas at komunidad. Gayunpaman, kinakailangang masusing balanse at pagtuloy sa pagsusuri sa papel ng relihiyon sa lipunan upang matiyak na ang pananampalataya ay mananatiling isang mapagkukunan ng inspirasyon at hindi diskriminasyon. Ang pagkakaroon ng malakas na pananampalataya hindi kawangis ng pagiging mabuting tao. Huwag kalimutang maging makatao sa kabila ng pagiging maka-Diyos.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon