A Mother's Sacrifice (Pagsasakripisyo ng Isang Ina)

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Hephaestus 

Ang idelohiyang pagiging isang ina ay isang malaking paksang binibigyan diin ang pagsasakripisyo ng ina para sa kanilang mga anak. Sa kabila ng pagtaas sa social at pang ekonomiyang bahagi ng kababaihan, ang mga ina ay patuloy parin sa nakakaranas ng mag hidwaan sa pagitan ng pangarap sa buhay (career) at mga obligasyon sa pamilya. Nagkakaroon ito ng kobensyonal na ideya sa pagiging isang "mabuting ina." Madalas itong napapatanong, na lahat ba ng ina ay pinaprayoridad ang pangangailangan ng anak? At, lahat ba ng ina ay handing magsakripisyo para sa kanilang anak sa kabila nang kanilang sariling kasiyan? (Sanghag et al, 2022)

Ang ina ay isa sa pinakamahirap at may malaking responsibilidad. Dahil ang pagiging ina ay natatapos sa pagaalaga ng mga anak nito. Isa sa mga responsibilidad nito nagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng pangarap sa buhay o (career) at obligasyon sa pamilya. Maraming ina ang hindi nakamit ang kanilang mga pangarap sa buhay, dahil mas pinili nila ang obligasyon nila sa kanilang pamilya para matugunan ang pangangailangan ng mga anak sa

araw – araw. Sabi nga, "walang inang matitiis ang anak," kahitang isang pirasong tinapay na gusto niyang kainin, ibibigay niya sa kaniyang anak para lang maibsan ang gutom nito. Marahil, maraming ina ang inaabando ang kanilang anak ngunit, hindi nila ito ginusto dala lamang ito ng malapit na sitwasyong hindi natin hawak sa ating mga palad.

Maraming nang sakripisyo ang ating mga ina, ang ating mga ina ay hindi nagkulang sa pagmamahal sa kaniyang mga anak. Maaaring nagpapagsabihan nito ang kaniyang mga anak ngunit ito ay para lamang sa ikakabuti ng kaniyang mga anak. Sa pamamagitan nito ay napapakita nito kung gaano lamang pinoproteksyunan ng ina ang kaniyang anak. Kung tutuusin walang sukat kung naging isang "mabuting ina" o hindi dahil sapat na ang pagdadala ng ina sa kaniyang anak ng siyam na buwan at palakihin ang kaniyang anak para buuin ang aydentidad sa mundo. Lahat ng ina kayang isakripisyo para lang sa kanilang anak. Kaya niyang ibigay ang kulambo at siya ay malamukan para lamang para hindi makagat nang lamok ang kaniyang anak dahil siya ay nasasaktan dahil tanging hangad ng isang ina ay kasiyahan ng anak. Kaya walang karapatan ang sinuman tanungin kung saan kaya ng isang ina ikakripisyo ang kaniyang kasiyahan paralamang sa kaniyang mahal na anak.

Masakit isipin na maraming anak ang sinasagot ang kanilang ina at hindi pinapansin kung anong hirap ng ina. Maaaring ito ay nasa bahay o natatrabaho pero dala nila ang kaba at takot kapag wala sa kanilang tabi ang kanilang pamilya. Nakakalungkot rin isipin na kayang tiisin ng anak ang inang walang ibang ginawa kundi punan ng pagkukulang nito. Maaaring ang isang anak na tulad ko ay maraming nagawang kasalanan sa aking ina at hindi ko man kayang sabihin ang "patawad" sa harap nito, sana mapatawad niya ako sa aking inasal na di kaaya – aya. Ang ating ina, ang ating ilaw ng tahanan bigyan natin pansin at pag – unawa ang mga ina. Pagiintindi na napapagod rin sila at may pangarap para sa sarili na gusting matupad pero dahil sa obligasyon at responsibilidad ito ay naudlot. Bilang isang anak tayo ang magbibigay ng suporta at inspirasyon sa ating mga ina kung ano man ang nauudlot nilang pangarap sa sarili. Tayo ang naguudyok at magbubuo sa kanila para mahalin at unahin nila ang kanilang mga sarili. 

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon