Tulong sa Lulong

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Piccolo Dela Peña

Ang mga adiksyon ay nagdedevelop dahil sa kawalan ng solusyan para sa mga problemang pang-mental health. Nasanay tayo na sisihin ang neuro-kemikal na aspeto ng adiksyon tuwing may nakikita tayong nalululong sa kung anuman, ngunit malaking dahilan din dito ang masamang estado ng pamumuhay. Kailangan din nating tignan ang pang indibidwal na accountability bilang isang mahalagang sandata laban sa adiksyon.

Ang tao ay kakapit lamang sa substance (o iba pa) kung ang kanilang buhay ay puro problema at wala nang saya. Minsan maririnig natin ang tanong na "bakit hindi nalang nila solusyonan ang buhay nila para labanan ang adiksyon?" Ang nakakalungkot na katotohanan ay adiksyon ang solusyon nila sa kanilang mga problema. Upang makaranas ng kasiyahan at mawala ang sakit na nararamdaman sa buhay, sila'y kumakapit sa substance o aktibidad na nagsistimulate sa pleasurable areas ng kanilang utak. Sa ganitong paraan, makakaranas na muli sila ng magagandang bagay nang walang kailangan ayusin sa buhay nila. Pag nawalan na ng pagasa o kumpyansa ang tao na baguhin for the better ang kaniyang buhay, saka lang siya kakapit sa adiksyon.

Importanteng malaman natin ang side na ito. Kailangan nating patibayin ang sense ng responsibilidad ng mga kapwa natin, ipaintindi sa kanila na kaya pa nilang baguhin ang kanilang buhay at maka kita ng saya sa kabila ng problema. Mas malaki ang maitutulong ng mga counselors dito, ngunit bilang kaibigan o kapamilya, malaki parin ang pwede nating gawin upang maiwasang magkaroon ng adiksyon ang ating mga minamahal pati narin ang ating sarili. Malaki ang maitutulong ng pagiging mabait at maintindihin sa ating kapwa at pati narin ang pagpunta sa mga psychologists. Hindi nito mapipigilan ang adiksyon, ngunit makakatulong ito maiwasan ang pagdevelop ng adiksyon in the first place.

Sa makalahatan, ang adiksyon ay nadedevelop dahil sa kawalan ng pagasa na mabago pa ang buhay at isa sa mga pwede natin gawin bilang kapamilya o kaibigan ay ang intindihin ang ating kapwa, maging mabait sa kanila, at ipaintindi na kaya pa nilang baguhin ang kanilang buhay. At kung kailangan ay kumapit sila sa psychologists.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon