POVERTY PORN: MABUTI O MASAMA?

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Gabriela Laya

Sa mundo ng social media ay iba't ibang uri ng kaaliwan ang iyong makikita, Nar'yan ang ang mga video o posts tungkol sa mga pagkain na tinatawag nilang "Food Vlogs". Mayroon rin naming pagtatampok ng mga iba't ibang lugar o pook-pasyalan o mga lakwatsa na mas kilala natin sa tawag na "Travel Vlogs". Maraming manonood ang naaaliw sa mga ganitong uri ng 'Content' sa social Media kaya naman marami rin ang nagnanais na gumawa nito hindi lang dahil sa nakakalibang ito ngunit dahil na rin sa kaakibat na popularidad at salapi ang katumbas na ito at ang oportunidad na magkaroon ng marangyang pamumuhay at matamasa ang buhay na may tinatangang kasikatan.

Dahil pera't kasikatan ang motibasyon, marami ang sumusubok na gumawa nito, dala dala ang kanilang mga 'unique' at 'di pangkaraniwang mga ideya at konsepto na ipapakita sa "Online World", dahil dito marami ang mas pinipiling gumawa ng mga content na nasusunod sa uso ngunit nakakasama sa iba't ibang tao at makakapag-angat ng kanilang estado at kasikatan kahit na peke ang ipinapakita. Isa na d'yan ay ang "Poverty Porn"

Ang Poverty Porn ay isang uri ng content na kung saan ay gumagamit ang isang 'content creator' ng mga istorya't kalagayan ng mga nakakaawa at mga kaluno-lunos na pangyayari ng isang tao upang makahakot ng pansin, simpatya at awa galing sa mga manonood na tumutumbas sa dami ng views o engagement o pera at kasikatan na makukuha nila galing dito dahil mas relatable ito sa masang Pilipino kahit na hindi totoo ang intensyon nila sa pinapakita ng kanilang mga aksyon dahil nga't pera ang pinakalayunin nila. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang paggawa ng content tungkol sa pagbibigay tulong sa isang palaboy sa daan tulad ng pag-aabot ng pinansyal na tulong. Marahil ay malaking halaga na para sa kanila ang kahit kakaunting salapi na ibibigay ng isang content creator ay arya lamang ito sa dami ng perang kikitain ng content creator sa mga gantong video at dahil nga rito ay marami ang mas pinipiling gumawa ng ganitong uri ng content dahil nga mas mabilis umani ito ng views at pera kahit na hindi na bukal sa loob ang pinapakita mong pagtulong at ginagawa lamang ito kapag may nakatutok na camera. Masama ang ganitong uri ng content dahil natatapakan nito ang karapatan at dignidad ng bawat indibidwal na tinutulungan dahil kailangan nilang humarap sa camera bilang kaawa-awa ngunit wala silang ibang choice kundi lamunin ang kanilang pride at tanggapin na lamang ang inihahandog sa kanila dahil nga rin sa kalagayan nila kahit na kapalit ay ang kanilang dignidad at prinsipyo.

Talamak ang ganitong uri ng eksploytasyon sa kasulukuyan at marami-rami pa rin ang gumagawa nito, isa na rin na dahilan ay aang patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa mga ganitong uri ng palabas at hindi pa ganoong lubusang nakikilala nila ang mali sa industriyang ito, kesyo sila naman daw ay tumutulong, ngunit ang iba nga ay hindi, mas maigi na daw ito kaysa sa wala. Nakakalungkot isipin na 'di makita ng ating mga kababayan ang kamaliang ito, bunsod na rin siguro ng kahirapan kaya't nabubulag na lamang sila ng pera imbes na makita ang tunay na nangyayari sa likod ng salapi.

Ang mga ganitong uri ng content ay walang lugar sa Social Media ay hindi karapat-dapat na tinatangkilik ngunit dahil hindi pa gaanong kamulat ang mga tao sa reyalidad ng industriya at patuloy lamang na mabubuhay ang ganitong sistema na sa likod ng pagpapakita ng pagtulong at pagkawang-gawa sa online world ay ang pekeng intension at hangarin na makatulong ng bukal sa puso na nakatago sa pagpapakitang-tao at paghuhugas kamay sa harap ng camera habang salapi't kasikatan ang tunay na layunin at hangarin.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon