Trapikong Sakit sa Ulo at ang Mga Pinoy

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: ADIII

Ikaw din ba ay isa sa Pilipinong umalingawngaw na ng "Ayoko na sa Pilipinas" , "Bakit sa bansang Pilipinas ako ipinanganak?", o hindi kaya'y "Nakakapagod ipaglaban ang Pilipinas" dahil sa samut-saring isyung panlipunan na kinahaharap ng ating bansa? At kahit anong pagbibigay natin ng kaalaman sa lahat ay tila walang naririnig o kung narinig man labas naman ito sa kabilang tainga, kung kaya't mas lalong gumugulo at hindi nasosolusyunan ang mga problemang kinahaharap natin. Isa na rito ang trapiko at bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi natin masolusyunan ang trapiko.

Noon pa man ay problema na ang trapiko at tila napapakamot na lamang sa ulo ang mga driver at commuter dahil sa mabagalang pag-usad. Ayon sa Tomtom's 2023 Traffic index, ang Metro Manila ang pinakama-traffic sa buong mundo at ikatlo namang ma traffic na syudad sa Southeast Asia. Isa rin sa pagpapalala ng trapiko ay ang pagbakbak sa kalsada na kahit ayos pa naman, ito ang mga alinsangan nararanasan sa Cavite na lalong nagdudulot ng malalang trapiko.

Hindi naman tayo magkakaroon ng malalang trapiko kung lahat naman din tayo'y ay sumusunod sa patakaran. Kagaya na lamang na naireport ng Land Transportation Office (LTO) na humigit sa 24.7 milyon ang mga rehistradong sasakyan. Lalo lamang lumalala ang mga katrapikan dahil marami rin ang mga Pinoy ang matitigas ang ulo at kahit ilang beses man ito pangaralan ay ganoon pa rin ang sistema, hindi nagbabago. Huli, marami pa rin sa mga lansangan ang mga kaliwat-kanan na mga court o mga paninda na nagiging sanhi pa ng trapiko dahil puno ang lansangan ng tao at mga kagamitan na idinudulot ng hindi pag-agos ng mga sasakyan.

Sa kabuuan, tinatalakay ang mga nagbabagang isyung sa lipunan kagaya nitong trapiko sapagkat paulit-ulit man ito na problema na hindi natatapos para sa atin, hindi pa rin ito matatapos kung lahat ay walang isinasagawa. Dahil kung isa man tayong mamamayan na nakikinig at sumusunod sa patakaran kung marami pa rin ang hindi umaalintana sa batas at kasunuran ay hinding-hindi ito mapuputol. Paano natin makakamit ang pagluwag na masikip na daan kung tayo ay marunong lamang magreklamo pero wala rin sa gawa. Hindi magkakatugma ang lahat kung ang nasa itaas na pamahalaan at mga mamamayan ay hindi nagkakaisa.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon