KARAHASAN SA KANLURAN

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: eyestea 

Pamilyar ka ba sa isyu ng West Philippine Sea? Bakit nga ba ito gustong angkinin ng China? Ano nga ba ang kontribusyon nito at bakit nagiging dahilan ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa? Ayon sa Administrative Order No. 29 na inilabas noong 2012 sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulo Benigno Aquino III ang opisyal na pangalan nito, "maritime areas of the western side of the Philippine archipelago" bilang West Philippine Sea.

Bakit nga iba ito gustong angkinin ng China? Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na patuloy ang panggugulo ng China sa West Philippine Sea. Patuloy na namamataan ang mga Chinese vessels na hawak ng Chinese militia. Isa lamang ito sa mga maraming dahilan upang masabi na nais talagang angkinin ng China ang West Philippine Sea dahil ito ang kanilang paraan upang magkaroon sila ng kontrol sa lugar. Patuloy rin ang paggamit ng karahasan sa pagtataboy sa mga Pilipino na mangingisda.

Ano nga ba ang kontribusyon nito sa mga Pilipino? Ang West Philippine Sea ay mayabong sa yamang tubig, kabilang ang isa at iba pang mga produkto. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, noong 2020, may 324, 312 metric tons ng mga produktong pangisda ang kinuha mula sa West Philippine Sea na naglalabas ng 7% ng kabuuang produksyon ng pangingisda sa taong iyon. Ayon may Director Eduardo Gongona ng BFAR, tunay na nakikinabang ang libu-libong mangingisda mula sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas, lalo na ang mga mula sa rehiyon ng Ilocos, Gitnang Luzon, MIMAROPA, at ilang bahagi ng Pambansang Kapital na Rehiyon. Ayon din sa Biodiversity Management Bureau ng Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman (DENR- BMB), ang mga coral reef din sa West Philippine Sea ay bumubuo ng isang malaking bahagi ng kabuuang saklaw ng bahura ng bansa. Mahalaga ito dahil ang mga coral reef ay may malaking papel sa pagpapanatili ng buhay sa karagatan. Ito ay nagbibigay ng ekosistema kung saan nagbibigay buhay sa libu-libong uri at proteksyon sa lupa mulla sa mga epekto ng alon, bagyo, at baha. Ang West Philippine Sea ay isang malaking yaman para sa mga mangingisda na Pilipino. Ngunit dahil sa pang-aabuso ng China, sila ay

humaharap sa mas malaking hamon dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mga sasakyang pandagat ng China sa lugar. Ito rin ay nakakabahala dahil maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto at sa huli ay magbunga sa pagbagsak ng industriya ng pangingisda sa Pilipinas.

Sa kabuuan, mauunawaan natin na ang West Philippine Sea ay isa sa mga kayamanan ng ating bansa. Ito ay isa sa mga pinagkukunan natin ng mga produkto na siyang kabuhayan ng mga Pilipino at tumutulong para sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa. Ito ay mahalaga na mabigyang pansin at aksyon upang matigil na ang kaharasan ng China sa mga Pilipino.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon