CHAPTER TWO:

314 69 108
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas at di ko manlang namalayan na bukas na ang simula ng klase ko sa Verizon International Academy.

Wala namang magandang nangyari sa mga nagdaang araw dahil halos puro pananakit at galit lamang ang natanggap ko mula kay Mommy at hindi naman na bago sa akin iyon.

Ang buong bahay ay nahahati sa maraming silid at tila nahahati rin sa kanya-kanyang mundo ang mga nakatira rito.

Nasa kwarto lang ako buong maghapon dahil wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-aral, magsulat, at magbasa, paikot-ikot at paulit ulit lang.

Iyon lang din naman ang hilig at libang ko maliban sa mga koleksyon ko na nakatambak sa loob ng kwarto ko.

Handa na rin lahat ng kailangan ko para sa pagpasok kaya wala na akong dapat asikasuhin pa maliban nalang sa Student ID at uniform dahil sa faculty manggagaling ang mga iyon.

Napasulyap ako sa pinto ng kwarto ko at inisip kung sino ang kumatok. Marahan akong tumayo saka lumapit dito.

"Via." Narinig ko ang boses ni Valerie kaya pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Bakit?" Tumaas ang kilay ko. Hindi kami close, ang totoo ay wala ni isa sa mga kapatid ko ang itinuturing kong close sa akin.

Normal naman kaming nag-uusap usap bilang magkakasama sa iisang bahay pero ni minsan hindi ko naramdamang naging malapit ako sa kanila.

"Can I borrow some of your books from last year?" Ngumiti siya sa akin saka umupo sa gilid ng kama ko na para bang napakakomportable non.

"Bakit? Hindi mo ugaling manghiram." Totoo naman, para siyang may sapi ngayon.

Bihira kaming magkausap nang ganito dahil madalas ay may kanya-kanya kaming mundo.

At isa pa, alam kong mas gugustuhin niyang bumili ng bagong libro kaysa manghiram ng hindi kanya.

Ni minsan ay hindi ko pa narinig na may gusto siyang hiraming gamit mula sa kanino man dito sa bahay.

"You know me too well, hays. I just came here to let you know that we will become school mates!" Tila excited pang sambit nito.

"Nagtranfer ka? At bakit naman?" Kunot-noong tanong ko.

Galing din siyang Damian High and sa pagkakaalam ko ay rank one rin siya sa year nila at masyado siyang good example sa mga kaklase niya dahil wala siyang ni isang bad record sa guidance.

Kaya bakit siya magtatransfer?

"Why not? Gusto ko rin dun sa school mo. Pangalan pa lang parang cool na. Verizon International Academy." Nilagyan niya pa ng tono ang pananalita niya na para bang puno ng mahika ang school na iyon.

Sabagay, muntik ko nang makalimutan na halos lahat ng gusto ng mga kapatid ko ay nasusunod. Tss.

"Cool? Gusto mo ng cool?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Uh-huh." Ngingiti-ngiting tugon naman niya.

"Sa labas cool doon." Saka ay hinila ko siya patayo at marahang itinulak palabas ng kwarto ko, mabilis namang bumusangot ang kanyang mukha dahil sa ginawa ko.

"I know darating ang oras na kakailanganin mo ako, Via. Don't be too harsh on me, Sis."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya saka bumalik sa pagbabasa ng libro.

Ano bang meron sa paaralang iyon at gustong gusto nila?

Maganda rin naman sa Zenith South School pero bakit sa Verizon pa nilang napiling itransfer kami?

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon