TWENTY-ONE:

122 27 9
                                    


VIA'S POV:

"Noona!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita kong tumatakbo si Valerian palapit sa'kin.

"Oh?" Tanong ko sa kanya.

Hindi pa lunch break, nagpaalam akong magsi-CR pero ang totoo ay dumiretso ako ng Canteen para bumili ng pagkain kasi bigla akong nagutom.

Nakalimutan ko kasing kumain kagabe sa sobrang pagod. Tapos kaunti lang ang kinain kong breakfast kanina.

"Can we eat lunch together later?" Parang tutang tanong niya at tila nagmamakaawa pa.

"Hindi ba't kayo ang magkasabay lagi ni Valerie?" Bihira kaming magkita kita sa loob ng school kasi nga magkakaiba naman kami ng Buildings at nasa unahan pa ang campus ng mga Junior High School.

"She's with her friends all the time and I don't like all of them. Just let me eat with you, jaebal?"

*TRANSLATION: Jaebal - Please*

"May kasama rin ako sa lunch."

"Then I'll check it if I will like them. Jaebal Noona, jaebal."

Napabuntong hininga nalang ako.

Masyado pang mura ang isip ni Valerian at hindi siya tulad ko na kakayaning mag-isa kumain ng pananghalian.

"Arasseo, now go back to your room." Sagot ko at lumiwanag naman ang mukha niya.

*TRANSLATION: Arasseo - Fine/Alright.*

"Yey! Gomawo, Noona!" Kumaway na siya para bumalik sa building nila. Nasa unahang banda pa iyon ng building namin.

*TRANSLATION: Gomawo - Thank you.*

Papaakyat na sana ako ng hagdan nang bigla ay may narinig akong maiingay at tila nag-aaway.

Hindi ko na sana papansinin ang kaso ay parang pamilyar sakin ang boses.

Dumiretso ako sa gilid na bahagi ng Building.

Sa unahan nito ay kanto na papunta sa campus ng Junior High School.

"She's my sister!"
Sigaw ng pamilyar na boses.

"Yes, pero anak siya sa laba---!! Aray! How dare you!!"
Naabutan kong hila hila ni Valerie ang buhok ng isang babaeng estudyante.

Agad na sana siyang susugurin pa ng dalawa pero pareho niya itong pinagtatadyakan sa tyan kaya natumba ang dalawa sa sahig "Bitawan mo ako! Bitch!" Nagpupumiglas ang unang estudyanteng babae pero mahigpit ang pagkakahawak ni Valerie sa buhok nito.

"One more word and I'll rip your mouth open!" Pagbabanta ni Valerie.

"Enough, bitawan mo na siya." Pagsuway ko sa kanya at napalingon naman silang dalawa sa akin.

"Oh, ang anak sa labas..." Matapos sabihin iyon ng estudyanteng babae ay agad na inilagay ni Valerie ang kanyang daliri sa bunganga nito saka ay hinila ang babae sa bibig!

"Ahhh!!! Hmmm!!! Ara----!!! Ahhhhh!!!!" Pagpupumiglas uli ng babae pero hindi pa rin ito binibitawan ni Valerie!

Anak ka ng!

Mabilis akong lumapit sa kanila at hinila si Valerie palayo sa babae tsaka pilit na pinabitaw ang kamay na nakakapit pa rin sa bunganga nito. "I told you that's enough!"

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon