TWELVE:

163 45 19
                                    


VIA'S POV:

"Ang dami naman nito?" Sambit ko matapos isara ang bibig dahil sa pagkamangha. Marami kasing pagkain ngayon sa mesa at hindi ko alam bakit ang daming niluto ni Blair ngayon eh dadalawa lang naman kami rito.

"We can bring them for lunch. Gusto ko sanang matry kumain sa canteen eh. Magbaon nalang tayo." Pagsuwestiyon niya at tumango naman ako. Ayos nang magbaon para makatipid ako.

Ilang araw palang kasi ako sa trabaho ko sa Vesta Bar at hindi pa ako sumasahod, sa susunod na buwan pa. Malapit naman na kaya kaunting tiis nalang. Tsaka marami pa rin akong groceries dito na iniwan ni Kuya.

"May susuotin ka na ba sa Acquaintance Ball?" Tanong niya habang kumakain kami.

"Wala pa eh." Binabalak ko ngang hindi na umattend. Next week na iyon. Hindi naman ako mahilig umattend sa mga ganyan eh. Ang totoo ay bihira rin akong umattend ng mga parties at balls noong nasa Damian High pa ako.

"Pwede tayo magshopping ng susuotin sa Westeria! Wanna come with me sa weekends?"
Excited niyang tanong. Nagtututor ako kay Caliber tuwing weekends ng 1:00pm-5:00pm at may shift naman ako ng 6:00pm-11:00pm sa Vesta. Mas lalo tuloy akong tinatamad umattend sa ball na yan.

"Pag-iisipan ko. Wala kasi akong bakanteng oras eh. Nagtututor ako sa kambal ni Jade tapos may shift pa ako sa Vesta Bar." Pagpapaliwanag ko sa kanya at parang sumimangot naman siya.

"Sayang naman. Sana magbago ang isip mo."

Matapos kumain ay pumunta na kami sa school. Sa akin pa rin sumasabay si Blair kasi ayaw niyang ipakuha ang kotse niya sa condo. Ayaw niya ring may nakakaalam kung nasaan siya ngayon bukod sa Mommy niya kaya naman ay pinabalik nalang nila yung driver niya sa Cebu.

Nang i-announce ang Acquaintance Ball ay inanunsyo rin nila ang Sportsfest. Ang totoo ay hindi ako interesado sa mga sports dahil mas gugustuhin ko pang umuwi sa bahay at magbasa o di kaya ay matulog nalang. Kaso ay ako ang napiling competitor sa Pistol Shooting at ang sabi ay malaki raw ang papremyo pag nanalo roon tapos may scholarship pa. Kailangan ko iyon para makapagpatuloy ng college.

Naunang pumanhik pataas ng building si Blair kasi ichecheck niya raw ang gamit na naiwan niya kahapon.

Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

(A/N: Check media for Via's ringtone (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥)

"Hello?" Sabi ko saka sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino iyon.

'Privet, premier.' Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa narinig!

*Translation: Hello, Premier.*

NO...WAY...

Napahinto ako sa paglalakad. Ang napakapamilyar na boses at lengwaheng iyon ang pinaka-ayaw kong marinig!

'Privet? Ty zdes' premier?' para akong binuhusan ng malamig na tubig nang muli iyon magsalita sa kabilang linya!

*Translation: Hello, Are you still there Premier?*

"D-da, y-ya zdes', M-magi." Nauutal ma'y naglakas loob akong sumagot.

*Translation: Yes, I am still here, Magi.*

'Khoroshiy. U vas novaya missiya.'

*Translation: Good, you have a new mission.*

Bagong mission? Pero wala ako sa Zone!

'Naydite sem'yu Mistera Z.'

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon