SIXTEEN:

130 33 10
                                    


VIA'S POV:

"Drizelle! Why did you do that!" Galit na tanong ni Dad kay Mommy. Sinundo ako ni Matteo kasi dumating na si Dad at ang sabi ay kailangan kong umuwi dahil pinapatawag niya ako.

At eto ang naabutan ko, ang pag-aaway nilang dalawa.

"Don't you dare make her come back here! Kailangan niyang magtanda at masyado siyang lapitin ng gulo!" Bakas din sa mukha ni Mom na ayaw niyang magpatalo. "Subukan mong pauwiin yan dito, araw-araw kong ipapakita sa kanya ang pagkamuhi ko!"

Wala bang bago? Tss...

"Enough! Kung gusto ni Via bumalik dito ay makakabalik siya! She's the one to decide!"
Sabi niya kay Mom saka ay hinarap ako "Via, do you want to come back here? Ang sabi ng Kuya mo ay nakatira ka lang sa maliit na apartment kasama ang kaibigan mo. Bakit di kayo sa Atellier? Maraming bakanteng unit doon."

Ang totoo ay malaking tinik ang nawala sa lalamunan ko matapos akong palayasin ni Mommy sa mansyon.

Pakiramdam ko ay pwede ko nang gawin ang mga gusto ko na hindi umuuwing masasampal, matitaser, o di kaya ay mapagsasabihan ng mga masasakit na salita.

Wala man sa kalahati ng kwarto ko ang kabuuan ng apartment na tinitirahan ko ay nasisiguro kong payapa ang pag-iisip ko habang doon namamalagi.

Hindi ko man nadala lahat ng koleksyon ko ng libro, o di kaya ay mga baril, at espada, ayos lang dahil pakiramdam ko naman ay nararanasan kong mamuhay nang normal kasama ang kaibigan ko.

Kung papipiliin lang ako, kung wala lang ang mga kapatid ko, kung hindi lang maayos ang trato sa akin ni Dad, kung hindi lang ako nabibilang sa organisasyon ay malamang matagal na akong naglayas at hindi na nagparamdam pa sa kanila.

Pero kahit papaano ay gusto ko rin silang mapasaya sa pamamagitan ng pagsunod ko sa kanila. Ang kaso lang ay kahit anong sunod ko, wala pa ring nakakakita sa halaga ko.

Pakiramdam ko ay isa lang akong sandatang binibigyan nila ng pansin ngayon dahil napapakinabangan pa pero kapag nangalawang na ay paniguradong ibabasura na.

"It's fine, Dad. Ayoko doon. Masaya na ako sa tinitirhan ko ngayon." Tsaka masayang kasama si Blair. Pakiramsam ko ay lagi siyang nandyan para sakin.

"Alright, kung iyan ang gusto mo." Mahinang sambit ni Dad.

Hindi niya pala nalaman ang tungkol sa pagkakalason ko. Ayoko ring banggitin pa iyon baka may magsimula pang gulo.

"Si Kuya?" Tanong ko at nilingon naman ako ni Dad.

"He's good. They're just planning something new. Nakuha niya na kasi ang dapat niyang makuha."
Sambit ni Dad.

"Pero bakit pa siya pinabalik?" Nagtatakang tanong ko. Pwede naman kasing ibang tao na ang tumuloy kung tagumpay ang naging misyon ni Kuya.

"It was better to discuss it in person at tsaka kilala mo ang Kuya mo. Ayaw non ng naagawan ng spotlight pagdating sa mga ganyan."

Oo nga pala. Gustong-gusto ni Kuya ang palaging siya ang nangunguna.

Kahit noong tinutulungan niya akong magtraining ay parati siyang nakabuntot sa akin para lang sermonan ako sa kung anong dapat kong gawin.

Madalas naman siyang makatulong pero kailangan tulungan mo siyang buhatin ang sarili niyang bangko.

Gusto niya lagi ang tumulong pero pag siya na ay ayaw na ayaw niyang pinapakialaman siya. Tss...

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon