ZED'S POV:
"Lagi nalang pumapasok sa gulo ang batang iyan!"
"Calm down, we're supposed to comfort him and stay by his side during times like this."
"Hindi mo kasi dinidisiplina ng maayos kaya nagkakaganyan!"
"It wasn't his fault kung bakit ganyan ang nangyari sa kanya. And please stop acting like a perfect father, pareho tayong may pagkukulang dito Zavian."
"Suki na 'yan ng VMC! Dito mo nalang kaya iyan patirahin sa ospital?"
Nagising ako dahil sa ingay ng dalawang taong nag-uusap na paniguradong sina Mommy at Daddy.
Ang sakit ng ulo ko, hindi ko rin gaanong maimulat ang mga mata ko kahit ano pang pilit ko.
Pakiramdam ko ay dumaan ako sa matinding pagkabugbog dahil bukod sa ulo ay masakit din ang iba pang parte ng katawan ko.
Unti-unti kong naimulat ang mga mata ko at marahang lumilingon sa kung sino man ang taong malapit sa higaan ko.
"Zed, baby!" Mabilis na lumapit si Mommy sa akin. "How are you feeling? Anong masakit sa'yo? Should we call the doctors?" Nilingon niya si Dad na siyang nasa likuran niya na. "Hon, call the doctors! Let them check your son! Quickly!" Pag-uutos ni Mommy na halos pumiyok pa sa tinis ng boses niya.
"Calm down, Merlia. May pupunta ring doktor dito maya-maya." Pagpapakalma ni Dad kay Mommy "How are you feeling? Ano ba talagang nangyari? The security said there were almost 20 men in the parking lot, at naabutan nalang kayong duguan doon."
Unti-unti kong inaalala ang nangyari.
Ang alam ko ay pauwi na kaming lahat, hinihintay ko lang noon na makaalis sina Via at Blair at saka na sana ako uuwi, pero may mga lalaking nakaitim na suit ang humarang sa'min.
Karamihan pa sa mga iyon ay may mga dalang kahoy at mga bakal na tubo.
"Stop interrogating him, Hon. Mamaya na 'yan. Kailangan niyang magpahinga."
Pagsuway ni Mom at sumunod naman si Daddy sa kanya."This needs to be resolved."
Sambit ni Dad at binigyan ako ng matalim na tingin."We don't know them."
Tugon ko sa kanila at pareho naman silang lumapit sa akin para makinig ng sasabihin ko.
"I was waiting for Via and Blair na makaalis sa parking lot dahil pauwi na kami but there were men wearing black suits who suddenly attacked us.""Via and Blair?" Tanong ni Dad.
"Yes, the girl I like and her friend." Seryosong sagot ko at biglang sumama ang mukha ni Dad dahil sa sinabi ko.
"You're in a relationship again?! Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Bahagya pang tumaas ang boses niya.
"How should I suppose to tell you kung lagi kayong busy?"
"I knew about it, Hon. Nabanggit niya na sa akin ang tungkol sa babaeng nagugustuhan niya." Pagpapakalma ni Mommy kay Dad ngunit di ko alam kung effective ba.
"And you didn't even bother to tell me?" Halata pa rin ang inis sa boses niya. "I was too pre-occupied with business, nawala sa isip ko. I'm sorry." Tugon ni Mommy at bumuntong hininga lang si Dad.
"Who is it?" Pagbaling niya sa akin.
"It's Via. Vianna Monteclair."
I responded at bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Dad.
BINABASA MO ANG
Clinging to Death
General FictionTwo unfortunate souls seeking for their lost strings of life coincidentally become classmates. One's thinking how unfair life is, while the other is just quite oblivious about it. Both of them are clinging to death, one is by fate, and the other is...