ZED'S POV:Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Via.
Nasa normal na naman ang ekspresyon ng kanyang mukha.
That bored expression, yung parang walang pakialam sa mundo.
Ang ganda pa rin eh...
Napangiti nalang ako saka patakbong lumapit sa kanya.
"Good morning!" Nakangiting bati ko pero agad ding napawi iyon nang hindi manlang niya ako tapunan ng tingin.
May nagawa ba akong mali?
Ang mas masaklap pa ay nilagpasan niya lang ako na parang isang ihip ng hangin!
"What's wrong?"
Agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso."Wala."
Meron. Tch.
"May nagawa ba akong mali?"
Tanong ko pa habang heto at hawak pa rin ang kaliwang braso niya."Wala naman." Walang gana niyang tugon.
"Meron."
"Ano?"
"H-hindi ko alam. Pakiramdam ko meron eh." Kinakabahan na ako.
Hindi ko alam pero kahit na pakiramdam ko ay wala naman akong nagawang mali, mayroon pa ring kung anong sakit ang namumuo sa dibdib ko.
"Masama ata pakiramdam mo."
"Are you mad at me? What did I do wrong? Please, sabihin mo naman oh." Pagpigil ko uli nang akmang tatalikuran na niya ako.
"Wala nga. Kulit naman nito."
Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin.Ano bang nagawa ko?
"Eh bakit ka ganyan?"
"Anong ganyan?" Bigla ay pinagkrus niya ang kanyang mga braso.
"Yan. Parang iniiwasan mo ako. You look like you don't care at all." Saad ko habang diretsong nakatingin pa rin sa kanya.
"Because I don't."
Because I don't...
Because I don't...
Because I don't...
"NOOOOOOOOO!!!!!!!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga!"Bangungot! Isang napakasamang bangungot!!"
Pagkaupo'y tinignan ko ang pinto ng kwarto ko dahil may kumatok dito.
"Zed, iho, bangon na riyan at baka malate ka pa sa eskwela."
Rinig kong sambit ni Yaya mula sa labas."Susunod ako, Ya!"
Tugon ko.Pumasok na ako agad sa banyo para maligo.
"What a nightmare!"
Sambit ko sa sarili.I heard that some nightmares happen in real life, and hindi ko kakayanin kapag magkatotoo iyon.
Fuck...
Pagkababa'y naabutan ko si Ate at Khael na nag-aalmusal.
"It's too early and nakabusangot ka na agad."
Mataray na saad ni Ate nang makaupo ako sa tabi niya."Do you believe that nightmares can happen in real life?" I asked.
"Oo naman. Tignan mo, naging kapatid kita." Sabi niya saka walang habas na sinubo ang malaking slice ng carrot cake.
BINABASA MO ANG
Clinging to Death
General FictionTwo unfortunate souls seeking for their lost strings of life coincidentally become classmates. One's thinking how unfair life is, while the other is just quite oblivious about it. Both of them are clinging to death, one is by fate, and the other is...