FOURTEEN:

137 32 9
                                    


VIA'S POV:

Find Mr. Z's family...

Find Mr. Z's family...

Find Mr. Z's family...

Ilang araw ko nang iniisip ang misyong iyon at nagsimula na rin akong maghanap pero ang kingina...wala palang pamilya.

Mabuti nalang at nahagilap ko si Matteo. Siya ang kumalap ng mga impormasyong kailangan ko at doon ko napag-alamang walang asawa at anak ang Mr. Z na iyon pero ang sabi ng Magi ay kailangan kong hanapin at obserbahan ang pamilya non at kapag di ko napagtagumpayan ang misyong to ay paniguradong pagpipiyestahan ng mga uod sa lupa hindi lang ang bangkay ko kasi baka pati na rin ng mga kapatid ko.

Eh wala ngang pamilya ang kingina?!

"Via, look! Bagay to sayo." Bigla ay lumapit si Jade sa akin na may dalang mahabang gown na kulay asul, marami iyong makikintab na bato na nakadikit at tila alon ang disenyo. "What do you think?" Nakangiting tanong niya habang itinapat sa akin ang gown at tila ba iniimagine na suot ko ito.

Nandito kami ngayon sa isang boutique sa Westeria Mall dahil namimili na sila ng gown na susuotin sa ball sa darating na biyernes.

"I think mas bagay to sa kanya." Bigla ay sumulpot naman si Ally dala ang isang kulay itim ngunit makintab na gown. Marami rin iyong mamahaling bato ngunit di katulad noong asul ay mas maliit lang ang mga iyon.
Simple lang at sa tingin ko'y komportable naman siyang suotin.

"Itong itim nalang." Pagsuwestiyon ko. Ang totoo ay nababagot na ako dahil kanina pa kami palipat lipat ng boutique. Masakit na ang mga paa ko. Ni hindi ko nga alam kung paanong nagshashopping itong sina Jade at Ally pagkatapos ng mangyari sa kanila noong biyernes.

Nadakip ang anim na dumukot sa kanila noong gabi ding iyon pero hindi pa nadadakip ang mastermind dahil ayaw pa raw kumanta ng mga ugok.

Nakita ko naman si Blair na abala sa pagpili ng gown mula sa estanteng puno ng kulay puti, rosas, at kremang mga damit. Kahit pa marami na itong dalang paper bag na pinaiwan muna sa baggage counter ay hindi pa rin magkanda ugaga sa pagpili ng mga damit, pare-pareho lang ang tatlong to, mga walang kapaguran sa pagshashopping.

Nang matapos silang bumili ay kumain na muna kami bago umuwi dahil may pasok pa kami bukas. Linggo ngayon pero nagpaalam muna akong hindi ako papasok sa Vesta dahil na nga sa pagpupumilit nitong tatlo na ibili ako ng damit.

Mayroon silang tig-iisang biniling gown para sa akin at di ko mabilang na mga dress at blouse. Dalawang itim na gown at isang kulay lasaw na rosas. Ako na raw ang bahalang pumili kung ano ang pinakakompotable para sa akin na isuot sa Acquaintance Ball.

Lunes na naman bukas...

Tambak ang mga quiz, assignments, at activities namin dahil pare-pareho kaming athletes at saka simula raw bukas ay buong maghapon na kaming magtitraining.

Bale sa umaga nalang kami may pasok at sa hapon ay wala na kundi puro training at practice nalang.

Ang ibinigay na regulasyon para sa mga athlete ay maaari silang magpasa ng kanilang mga actitivities, quizzes at assignments kahit isang linggo matapos ang deadline at katanggap-katanggap pa rin ito. Walang puntos na mababawas at kailangan pa rin iyong makatarungang markahan ng mga teacher ayon sa gawa ng estudyante kaya naman ay pabor na rin sa akin iyon dahil naitatapos ko naman lahat ng gagawin pag nakauwi na ako sa apartment.

Madalas ay sabay kami ni Blair mag-aral at nagpapaturo siya sa akin. Doon ko lang napansing matalino naman siya kaso ay marahil dahil sa traumang naranasan niya sa Step Dad niya ay may mga nagbago na rin sa takbo ng isip niya at ang sabi pa nga niya sa akin ay madalas din daw siyang top student dati sa school niya noong hindi pa nangyari yon sa kanya.

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon