ZED'S POV:"How's your studies?" Tanong ni Lolo habang nasa dinner table kami.
Nandito si Mommy dahil umuwi rin si Lolo galing Japan.
Masyado silang busy dahil na nga rin sa issue sa business namin na mukhang naging okay naman na.
"I'm doing well, Lolo."
Sagot ko.Ang totoo ay lagi akong kinakabahan sa tuwing narito siya at pakiramdam ko lahat ng sahig na nilalakaran ko ay napakanipis lang at kaunting maling galaw ay mabibiyak ito tas lalamunin ako ng lupa.
"You'll be in college soon, alam mo na ba ang kailangan mong kuning kurso?" Matiim niya akong tinignan.
Kailangan?
"I-I'm still undecided, Lolo." Mahinang sambit ko.
"Well, you need to make up your mind. Stop playing around and be mindful of your future."
"Yes, Lolo."
Ang akala ko ay matatapos na siya roon pero nagkamali ako."Look at your sister, alam niya na kaagad ang gusto niya grade school palang, and even Khael, he already knows what he wants, pero ikaw..." bahagya siyang huminto at saka pinasadahan ako ng tingin "Hindi ka na bata, stop being immature and decide as quickly as you can." Tumango nalang ako saka ay napayuko.
"Stop putting pressure on him, Dad. I know Zed can decide before college naman, right baby?" Pagsingit ni Mommy.
"Ayan, lagi mo kasing binibaby eh! Namimihasa tuloy." Asik ni Dad saka ay tumikhim
"Why? Our children are still my babies. I can't see anything wrong with that. Basta importante sa akin is that I will support what they want." Seryosong ani ni Mommy "Besides, walang nagagawa ang pagpipressure, there are chances na mas lalo silang hindi mamotivate."
"Eh paano kung wala sa kanila ang may gustong mag asikaso ng business natin?" Si Lolo.
Alam ko namang napakahalaga ng business para sa kanila dahil bukod sa ito ang pinagkukunan namin ng pansustento sa lahat ng gastusin, siyempre ay pinaghirapan din nila iyon.
But business could not just trigger my interest. Ewan ko ba.
"Let's just wait and see. I know time will come and they will be willing to handle the business." Ani ni Dad.
"We need assurance. I don't want our efforts to go to waste." Sambit ni Lolo "One more thing, nabalitaan ko ang pagkabugbog ninyo sa isang bar. What on earth were you thinking? Kung ang oras mo sa paglalakwatsa ay nilalaan mo nalang sana sa pag-aaral eh di sana natuwa pa ako!"
"I'm sorry, Lolo. Hindi na mauulit 'yon."
"Come'on Dad, they're still young. Let them enjoy youth. Zavian and I are still here to assist you regarding business." Si Mommy.
Hindi na siya sinagot pa ni Lolo at saka na tumayo para umalis na parang walang narinig.
Ang gantong mga usapan talaga ang nakakapagpawalang gana sa akin manatili sa bahay.
Hindi manlang naalala ni Lolo iyong nangyari sa akin noong Acquaintance ball pero naalala niya ang pagkabugbog namin ni Xenon sa Vesta Bar. Tch!
Ang hirap nang naiipit ka sa gantong sitwasyon. Lalo na kung ikaw ang middle child.
BINABASA MO ANG
Clinging to Death
General FictionTwo unfortunate souls seeking for their lost strings of life coincidentally become classmates. One's thinking how unfair life is, while the other is just quite oblivious about it. Both of them are clinging to death, one is by fate, and the other is...