CHAPTER THREE:

260 65 72
                                    


"Anong--- hoy bakit mo iniinom yan?!" Nagitla ako nang makitang ang Zed na iyon ay iniinuman ang milkshake ko!

Pagkahinto niyang uminom ay diretso siyang tumingin sa akin.

Halos walang isang dipa ang pagitan naming dalawa.

Nakasandal ako sa upuan ko at siya naman ay nakapatong ang siko ng kaliwang kamay sa mesa habang nakatitig siya sa akin nang walang pag-aalinlangan. Tila nang-aasar pa nga ito.

Ang tibay ng kingina.

"You have a good taste huh. Favorite ko ito eh." nakangising sabi niya na tumingin pa sa choco hazelnut milkshake ko saka sumandal sa upuan niya nang hindi manlang inaalis ang paningin sa'kin.

Napangisi nalang ako.

"Wala kang pambili? Sige sa'yo na yan. Kawawa ka naman." Napansin kong medyo sumama ang mukha niya sa sinabi ko.

Anong akala mo magwawala ako rito dahil sa ginawa mo?
Asa ka.

Magsasalita pa sana siya ngunit hindi na ito natuloy.

"What are you guys doing? This is so not giving ha." Bigla ay sumulpot si Jade kasama sina Ally at Blair at tatlo pang mga lalaki na may dala-dalang mga tray ng pagkain.

Ang mga lalaking iyon ay ang mga kaibigan ni Zed, mga mukhang maaangas na ungas.

Hindi na ako nagsalita at pinasadahan nalang sila ng tingin isa-isa.

May dalawang lalaking nakatayo sa harap ng mesa namin at iyong isa naman ay inayos na iyong pagkain nila sa kabilang mesa na hindi kalayuan sa amin.

"Bro what's up? Hindi ko alam na walang budget ngayon ang nag-iisang Melchizedek Vesper Narvezon at nakikiinom nalang sa drinks ng iba, sa transferee pa ha? You should've told me to lend you some money, dre!" Natatawang sabi noong isang lalaking kasama nila, matangkad ito at kulay purple ang buhok na naka undercut.

Melchizedek Vesper Narvezon?

"Baka ay interesado siyang kilalanin itong transferee na bumato sa kanya ng bola? Naalala ko pa mukha mo kanina, dre! Epic eh hahaha!" Tawa ng isa pang matangkad na mestiso at may ear piercings sa kaliwang tenga.

"Shut up!" Inis na sagot naman ni Zed saka umalis sa tabi ko at naupo roon sa kabilang table, sumama naman sa kanya iyong dalawa.

Bakit ba nandito ang mga kumag na yan? Ang iingay.

"Lagi rin kasi silang kumakain dito." Sabi ni Ally habang nakatingin sa akin at tila ba nahulaan kung anong iniisip ko.

"Yeah, don't mind them. They're the most annoying pasikat sa school ever! Since Junior High ay kilala na namin sila ni Ally." Pagdugtong naman ni Jade.

Hindi naman ako interesado. Tss.

Kumain nalang kami at hindi ko na inintindi ang ingay ng mga lalaking iyon.

Masyado silang madadaldal ngunit dahil hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila ay wala rin naman akong naintindihang ni isa sa mga sinasabi nila.

"Anyway, bakit nga ba kayo nagbatuhan ng bola?" bigla ay pagputol ni Ally sa katahimikan namin habang kumakain.

"Wala 'yon." Nakakatamad magkwento eh tsaka di naman ganoon kaimportante.

Sumimangot naman si Ally pero hindi ito natigil sa pag-usyoso.

"Weh? Eh mukhang napuruhan si Zed eh, hanggang ngayon mukhang namamaga pa ilong niya." Sabi niya na medyo natatawa pa saka lumingon doon sa mga lalaki at sakto namang paglingon ko ay nakatingin na sila sa amin.

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon