XENON'S POV:"Pasa, dre!" Sigaw ko kay Zed na siyang may hawak ng bola. Nang marinig niya yun ay lumingon naman siya sakin pero hindi pinasa ng gago ang bola!
Nagtatantrums pa siguro to dahil sa sinabi ko tungkol sa ex niyang si langit.
Nagtitraining kami ngayon ng basketball, hindi ko alam ang trip ni Coach kasi wala pa namang schedule ng Sportsfest pero ang advance niya na mag-isip! Three times a week niya kami gustong magpractice.
Naishoot naman ni Zed ang bola. Saka ay nag-abang ulit ako ng time para mapasahan. Grabe to magtampo eh, buwakaw sa bola pagdating sakin. Para akong naging invisible sa paningin niya dahil buong practice namin parang isang beses niya lang akong pasahan ng bola. Hahahaha!
*Prrrrrrrrrrrt!!!*
Napalingon naman kami kay Coach dahil sa pagpito nito. "That's all for today! Wrap up, team!" Nagsitakbuhan agad kami papunta sa gilid.
"Narvezon, anong problema mo at tinatakbo mo ang bola? Hindi ito rugby!" Pagsisermon ni Coach kay Zed.
"Sorry Coach." Sabi ni Zed saka lumingon sa akin at pasimple akong bumelat sa kanya kaya mas lalo siyang nainis! Hahaha!
"May LQ ata kayo ni Villardi eh. Ayusin niyo yan. Alam kong wala pang sched ang Sportsfest pero wag niyo na sana paabutin pa roon ang tampuhan niyo."
"Yes Coach! Masusunod po. Susuyuin ko rin yan mamaya." Pang aasar ko at nagtawanan naman sila maliban kay Zed na siyang sinamaan lang ako ng tingin.
Ang arte nito!
Dumiretso agad kami sa shower room para maligo at magbihis ng uniform. Saka ay sabay sabay nang naglakad paakyat ng Building A.
"Ano ba yan? Hanggang ngayon umaarte ka pa rin dyan, Zed?" Natatawang sabi ni Caliber habang naglalakad kami at panay naman ang tilian ng mga babaeng nadadaanan namin.
Iba talaga ang gwapo, daig pa artista eh! Hahaha!
"Good morning, girls!" Sabi ko sabay kindat sa mga babaeng nasa gilid ng hallway.
"Kyaaaaah!!! Naggood morning siya sa akin!"
"Asa ka pa! Sa akin kaya si Xenon nakatingin!"
"Wag nga kayong assuming dyan!"
Nakita ko pa kung paano silang magkumpulan sa tabi.
"Tch. Tigilan niyo nga ako." Inis na sambit ni Zed habang naglalakad pa rin kami. "Gusto mo talagang suyuin pa kita?" Pang-aasar ko naman sa kanya
"Shut up!" Favorite line niya ba yan? Hahahaha!
"Sorry na, dre! Ikaw kasi eh, para naman tayong hindi sabay maligo noon." Pagkasabi ko noon ay mas lalong nagtilian ang mga babae sa dinaraanan namin. "Chill girls! Bata pa kami non, tsaka babae ang type ko no." Pagdedepensa ko.
Totoo naman! Hahahaha. Kindergarten palang ay magkaibigan na kami ni Zed. Ang Daddy niya kasi at Daddy ko ay business partners at college friends din kaya naman magkakilala na talaga kami noon pa. Si Caliber at Dmitri naman ay naging kaibigan namin noong Junior High dito sa Verizon.
Alam ko namang ayaw ni Zed na binabanggit pa ang pangalan ng ex niyang si Heaven. Gaya ko kasi ay pinagpalit din siya sa iba.
Tch. Ano ba tong sinasabi ko? May naaalala lang tuloy ako.
"Yung mga transferees ba yan sa Stem-A?" Napalingon naman ako sa likuran namin dahil don sa nagsalita.
Wow... Maganda pala siya?
BINABASA MO ANG
Clinging to Death
General FictionTwo unfortunate souls seeking for their lost strings of life coincidentally become classmates. One's thinking how unfair life is, while the other is just quite oblivious about it. Both of them are clinging to death, one is by fate, and the other is...