ZED'S POV:
"Wala nga akong date!"
Kanina pa! Kanina pa kulit ng kulit si Xenon tungkol sa date ko bukas eh wala nga!"Bakit nga wala!" Sabi ni Xenon na parang ginaya pa ang tono ko kaya tinignan ko siya ng masama "Joke lang, ang boring mo naman. Wala ka talagang gustong ayain?" Dagdag pa nito.
Palibhasa ay di siya nawawalan ng date sa kahit anong party.
"Pwede naman kasing pumunta ng walang date di ba?" Inis na sambit ko.
Tsaka wala akong gustong idate! Nagugulat naman ako sa sariling naisip kasi biglang sumagi sa isip ko si Via.
Tama ka na. Ilang araw ka nang ganyan, Zed.
Simula kasi noong tinulungan niya kami ni Xenon ay madalas naiisip ko siya. Lahat ng galaw niya doon ay tandang-tanda ko pa kahit ipakwento pa nila ng ilang beses ay kaya ko iyon idetalye.
Ganito siguro kasi talaga katalas ang memorya ko. Tch.
"Teka nga. Eh hindi lang naman ako ang walang date ah." Sabi ko saka nilingon ang dalawa, sina Caliber at Dmitri na parehong busy sa paglalaro ng cellphone nila. "Hoy mga ungas, may date ba kayo?" Pagtawag ko sa kanila at pareho naman silang lumingon.
"Ako? Wala, pakialam ko sa date na yan." Sabi ni Caliber at saka tinignan ko si Dmitri na parang may sasabihin. "Wala rin akong date." Sagot ni Dmitri at rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Xenon.
"Hindi talaga ako belong sa barkadang to." Iiling-iling pang sambit nito. "Ako lang talaga ang pogi dito eh, ako lang may date. Tsk, tsk, tsk." Dagdag pa niya.
"Sige, mag-imagine ka lang." Sabi ko pa at sabay-sabay na kaming nagpunta sa parking lot.
Naaninag ko naman ang apat na babaeng nakatayo roon. Andon pa pala sila? Kanina kasi ay tinulungan ko si Via nang makita kong sinasabunutan ni Sophia.
Nagtaka pa nga ako kung bakit hindi siya lumalaban eh alam ko namang isang sipa o suntok lang mahihimatay na si Sophia sa kanya.
Pero wala siyang ginawa, nagpasabunot lang siya ng buhok, tsk!
Papalapit na kami sa kanila at nabigla ako nang magtama ang paningin naming dalawa kaya naman agad akong umiwas ng tingin.
"Hey." Nagugulat kong tinignan si Dmitri nang bigla itong maunang maglakad papunta kina Via.
Anong problema non?
Nagtataka ko siyang tinignan kasi lumapit siya kay Jade.
"Can you be my date?" Seryosong sambit ni Dmitri habang kaharap si Jade kaya halos lumuwa ang mata ko sa gulat! Nilingon ko naman ang dalawang katabi ko at di rin maipinta sa gulat ang mga mukha nila!
What is happening?!
"Are you serious?" Maarteng tanong ni Jade kay Dmitri. Di ko tuloy alam ang gagawin, kung aalis ba or hihintaying matapos ang usapan ng dalawa kaya nagpalinga linga ako para tignan ang mga itsura ng mga kasama ni Jade at di nga ako nagkamali dahil bakas din sa mga mukha nila ang pagkagulat.
"Yeah and I don't take no as an answer." Pucha dre! Di ko alam kung anong gagawin kaya naman ay kinagat ko tuloy sa braso si Xenon!
"Aray---" dumaing naman agad ito kaya tinakpan ko ang bibig niya para di kami makaistorbo sa moment ng kaibigan namin.
Nakita ko naman kung paanong humakbang si Caliber para sana lumapit pero pinigilan ko siya.
"Okay, I'll be your date tomorrow." Pagkasabi non ni Jade ay wala sa sariling inuga-uga ko si Xenon! Di ko alam pero natutuwa ako sa mga nangyari! Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Clinging to Death
General FictionTwo unfortunate souls seeking for their lost strings of life coincidentally become classmates. One's thinking how unfair life is, while the other is just quite oblivious about it. Both of them are clinging to death, one is by fate, and the other is...