SEVENTEEN:

138 35 9
                                    


ZED'S POV:

Hindi ako mapakali!

Nakuha ko nga ang gusto kong masilayan siya ngayong gabi, bonus pa dahil nakatabi ko siya pero heto ako parang tangang iiwas-iwas na lingunin siya!

Nakikipag-usap siya ngayon kina Blair at Ally. Si Jade naman ay inaya ni Dmitri na kumuha ng desserts.

Si Caliber ay dinukot ng isang babaeng gustong makipagsayaw at sina Xenon naman ay ewan ko kung saan na naman nagpunta.

"CR lang ako." Sabi ni Ally "Sama ako." At sumunod naman si Blair.

HOYYYYYY!!!

Ba't niyo naman kami iniwan dito!

Ginusto ko to di ba? Dapat panindigan ko.

"Hoy." Kinalabit niya ako!

"Ano ba? Lagi nalang hoy ang tawag mo sa akin!"

"Eh anong gusto mo, baby?"

TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG!

"A-ano?! Are you crazy?!"

"Or falling in love... is it real or just another crush?~~"
Pakantang sagot niya na tila ginaya pa kung paano akong kumanta kanina!

Hindi ako nakasagot!

Nagugulat ko siyang tinignan at mas nabigla pa ako dahil diretso niya lang akong tinignan sa mata

NANG NAKANGITI!!

FUCK! FUCK! FUCK!!!!

BAKIT BA ANG GANDA GANDA NIYA?!

"P-pinagtitripan mo ba ako?!"
Asar na tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Naaaliw lang ako sa'yo." Napalunok naman ako sa sinabi niya! "Ang ganda pala ng boses mo 'no?"

Bigla namang nawala ang kaba sa dibdib ko at parang hinaplos niya pa nga ito.

N-nagandahan siya sa boses ko?

Nilingon ko uli siya at tinitigang mabuti.

"Y-you look so beautiful..." Wala sa sariling usal ko at ngumiti siya sakin!

"Salamat. Ang gwapo mo rin."

DAMN!

GUSTO KONG TUMALON TALON DITO NGAYON KASO MAPAPAHIYA AKO!

Bakit ibang-iba ang pakiramdam nang siya ang nagsabi?

Pero kapag ibang babae... kahit araw-araw ko yang naririnig... pakiramdam ko pa rin ay iyon ang unang beses na may nagsabing gwapo ako.

"Attention everyone, please go back to your seats." Bigla ay nagsalita ang MC sa stage kaya naman ay doon natuon ang atensyon namin. "We have important guests for tonight." Dugtong pa nito saka inaya si Dad na magpunta sa mini platform ng stage para magsalita.

"Please take your seats my dear students. Let me introduce to you our special guests for tonight. They might have little to no exposure in the business world but one thing is for sure, they can buy Verizon International Academy thrice its price and in cash." Bahagyang nahinto si Dad at tila manghang mangha at hindi makapaniwala sa sarili niya sinasambit. Napukaw tuloy ang atensyon naming lahat nang sabihin niya iyon.

Tila lahat ay namangha sa sinabi ni Dad at karamihan sa aming nakikinig ay naeexcite na makilala ang mga bisitang ito.

Bihira kasi sa mayayaman ang ayaw ipagkalat na mayaman sila.

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon