BLAIR'S POV:
I'm scared, hindi ko na alam ang gagawin ko!
Pinalibutan kami bigla ng mga lalaking hindi namin kilala, at hawak hawak pa kami ni Zed habang si Via ay lumalaban sa iba pang lalaki!
Jusmiyo! Lord please help us.
"A-aray!" Nilingon ko si Zed. Napaupo ito sa sahig at dumadaing sa sakit. Ni hindi manlang ito makapumiglas sa mga nakahawak sa kanya kagaya ko.
Natatakot ako kaya naman hindi na ako nanlalaban pa, mas mabuti nang magstay akong nakaganito kaysa naman saktan nila ako.
"Kingina." Rinig kong usal ni Via kaya naman napalingon ako sa gawi niya, at ganoon nalang ang gulat ko nang patakbo niyang sinugod ang lalaki sa likod ni Zed na siyang may hawak na tubo!
Ang dilim ng awra ni Via, hindi ito ang typical expression na nakikita ko sa mukha niya araw-araw.
Kung madalas ay seryoso siya at mukhang laging bored, ngayon pakiramdam ko ay mas sumeryoso siya ng sampung beses, at ang pagseseryosong iyon ay may halong katakot-takot na galit.
Nakita ko kung paanong hahampasin na sana si Via ng lalaki, ngunit mabilis siyang nakaiwas at agad na sinipa ang lalaki sa dibdib dahilan para tumilapon ito.
Marahang kinuha ni Via ang bakal na tubong tumilapon sa di kalayuan at naglakad papunta sa nakatumbang lalaki.
Nakatayo lang si Via sa harapan ng lalaki pero ramdam kong kahit anong oras ay gagamitin niya ang tubong hawak niya.
Naramdaman kong may mga patakbong yabag papunta kay Via kaya nilingon ko ang direksyon papunta sa labas ng parking lot, at doon nakita ang iba pang lalaking pasugod na rito.
"Sino ba kayo!" Sigaw ko. "I'm begging you, please pakawalan niyo na kami! Wala akong naaalalang utang!" Pagmamakaawa ko pero parang wala silang narinig!
Nakita ko nalang kung paanong sunod-sunod na sumugod ang iba pang lalaki kay Via.
Si Zed! Kawawa naman napaupo na siya sa sahig habawang hawak pa rin ng dalawang lalaki, at hindi ko sigurado kung sa kanya ang dugong nakita ko!
"Via!" Sigaw ko nang makitang may mas maraming lalaking dumating, nasa sampu ata ang mga iyon.
My God! Ano bang nangyayari!
"Please pakawalan niyo na kami!" Nagmamakaawa ako. "A-aray!" Ang sakit ng pagkakasampal ng isang lalaki sa'kin!
"Ang ingay mo!" Sigaw niya pa!
"Saktan niyo pa ang ni-isa sa kanila, sisiguraduhin kong lahat kayo mauubusan ng hininga." Tumaas lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi ni Via!
"Mag-isa ka lang, sigurado ka bang kaya mo kami?" Nakangising tugon ng isa sa mga lalaking may hawak na sigarilyo.
Karamihan ng nandito ay may mga hawak na kahoy, tubo, at mga baseball bat at mga nakasuot ng itim na suit, leather jacket at ang iba ay nakaitim na tshirt.
What are they? Gangsters?
Eh bakit nila kami ginaganito?
Wala akong kilalang gangsters!
Ano bang kailangan nila sa amin?
"Tignan natin." Napatingin ako uli kay Via nang sagutin niya rin ang tanong ng lalaki habang nakangisi.
Nasa parking lot kami, puno man ng CCTV ang part ng school na ito ay medyo nasa unahan pa ang pwesto ng security personnels, at sa lawak ng parking lot ay di ko alam kung rinig nila ang ingay at gulo mula rito.
BINABASA MO ANG
Clinging to Death
General FictionTwo unfortunate souls seeking for their lost strings of life coincidentally become classmates. One's thinking how unfair life is, while the other is just quite oblivious about it. Both of them are clinging to death, one is by fate, and the other is...