CHAPTER FOUR:

238 60 54
                                    


VIA'S POV

"Why are you here?" Inis na tanong ko kay Kuya.

Siya ang nandito ngayon para sunduin ako. Nauna nang umuwi sina Ally, Jade, at Blair kaya ako nalang ang natira dito sa parking lot.

Si Matteo dapat ang susundo sa akin ngunit hindi ko alam bakit si Kuya ang nandito ngayon.

"Napadaan lang ako, get in." Walang ganang sagot niya.

"Wala sa bokabularyo mo ang mapadaan lang, Kuya. Stop messing with me." Sabi ko sabay sakay sa kotse niya.

Hindi na siya sumagot pa.
Nagtaka ako nang makita ko ang maraming papeles na nag nagkalat sa bakanteng upuan sa likod.

Gusto ko sanang tanungin kung nasaan si Matteo ngunit mukhang di niya rin naman ako masasagot kaya wag nalang, tsk.

Si Matteo ang assistant na ini-assign sa akin ni Dad and siya rin ang driver ko paminsan-minsan kapag tinatamad akong gumamit ng motor kagaya ngayong unang araw ng pasukan.

"Have you seen Valerie? I thought schoolmates kayo?" Pagbasag ni Kuya sa katahimikan nang makarating na kami sa parking lot ng bahay.

Pagkalabas ko ng kotse ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Kailangan ko ba siyang makita porket nasa iisang paaralan lang kami?" Inis na tanong ko sa kanya.

Hindi kami pareho ng building dahil mas matanda ako sa kanya kaya alam kong hindi naman kami madalas magkikita sa school.

"Yeah right, bakit hindi ka nalang sumabay sa kanya papunta ng school? Busy si Matteo dahil may inutos si Dad. Hindi ka niya mapagsisilbihan." Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng bahay.

Sakto namang pagkapasok namin sa pinto ay sinalubong agad ko ni Mom...

Ng sampal.

"Mom! What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Kuya saka lumapit sa amin.

"I told you to avoid being in trouble! Unang araw mo palang sa eskwelahang iyon pumasok ka na agad sa gulo!" Galit na sambit ni Mom sa akin habang nakaturo pa ang kamay niya sa mukha ko

"Trouble? What trouble is it, Via?" Tanong ni Kuya sa akin.

Nakayuko lang ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin, sigurado rin naman kasi akong kahit magsalita o magpaliwanag ako ay wala ring magbabago.

"Lumayas ka. It's time for you to be on your own. Get the hell out of here bago ako maubusan ng pasensya sayo." Si Mom.

"Okay." Iyon nalang ang nasabi ko saka ako nagsimulang maglakad papunta sa kwarto ko ngunit pinigilan ako ni Kuya sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"Anong okay?!" Sigaw ni Kuya saka bumaling kay Mom. "Mom! Ano ba, pag nalaman ito ni Dad, alam mong hindi pwedeng umalis si Via dito. Her life will be in danger!" Paghuhurumintado ni Kuya ngunit tinignan lang siya ni Mommy.

Lumapit sa akin si Mom at hinawakan ako sa kaliwang braso ng mahigpit.

"Ayoko nang makita ka sa pamamahay na ito. Naiintindihan mo? Pack your things and get out! Siguraduhin mong wala ka na rito before I come back tomorrow evening. Puro kahihiyan nalang ang dala mo sa pamilyang ito!"

"Mom pwede ba! Kapatid ko yan, anak mo yan! Hindi niya kasalanan ang nangyari sayo!" Si Kuya

"At hindi ko rin kasalanan iyon! Wag kang umastang alam mo ang pinagdaanan ko!"

"Look Mom, your feelings are definitely valid, but your actions are not! If you really want her to leave, then she will stay at my condo." Kalmado ngunit seryosong sabi ni Kuya kay Mommy.

Clinging to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon