Third Person‘s POV
Sa isa sa mga silid sa isang magarang palasyo ay may apat na tao ang nasa loob ang isa ay tagasilbi, ang dalawa ay may magagarang kasuotan habang sa kanilang mga ulo ay nakapatong ang mamahaling korona na napalilibutan ng mga makikinang na bato at ang isa naman ay nakaratay sa isang malawak at malaking kama na tila ba ‘y natutulog.
Rinig sa apat na sulok nang silid na iyon ang pag-tangis nang babaeng may koronang suot sa kan’yang ulo habang ang lalaking katabi nito ‘y pinapakalma siya.
Nasa gano‘ng lagay sila ng hindi nila napansin ang pag-galaw ng isa sa mga daliri ng taong nakaratay sa kama bago unti-unti nitong marahang idinidilat ang mga mata dahil sa kakaibang ingay na kan’yang naririnig.
Agad namang kumunot ang noo niya ng bumungad sa kan’ya ang pink na kisame na lalo niyang pinagtaka at inilibot ang paningin sa buong paligid nang dumapo ang paningin niya sa tatlong taong ngayon lamang niya nakita.
Unti-unti naman niyang iniangat ang kanang kamay upang dalhin sa ulo nito ng makaramdam siya ng kirot mula doon ng mapahinto siya ng may makapa siya mula roon na agad niyang ikinabangon dahilan upang mabigla rin ang tatlong kasama nito sa silid kanina pa.
“A-Anak!” Gulat na saad nang babaeng kanina pa umiiyak.
Mabilis pa sa alas kuwatrong nilingon niya ang boses na ‘yon bago may pag-tatakang tumingin rito.
“Thanks God! Your awake—” Hindi na natapos pa ng babae ang sasabihin nito ng pinutol iyon ng taong kagigising lamang na bumangon sa kama.
“Who are you?” Kunot noong tanong nito na ikinabato ng tatlong taong kaharap niya ngayon.
“A-Anak, kami ‘to? Mga m-magula—” Muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ng babaeng kaharap niya.
“I have no parents. Hindi ko alam ang sinasabi n’yo.” Walang emosyon nitong sagot na naging dahilan upang umiyak muli ang babaeng kaharap nito.
“Hannah, tawagin mo ang doctor.” Biglaang utos ng lalaking inaalo ang babaeng katabi niya bago ibinaling ang tingin sa isa pang babae na agad ring nag-mamadaling lumabas sa silid.
Hindi rin nag-tagal ay agad ring muling bumukas ang double door na pinto ng iniluwa noon ang isang lalaking nasa middle-aged habang nakasuot nang puting coat at may salaming suot sa kan’yang mga mata kasunod ang inutusan ng lalaki na nag-ngangalang Hannah at sa likuran naman nito ay ang iba‘t-ibang tao na may magagarang kasuotan rin tulad sa dalawang taong kasama ng binatang nakaupo sa kan’yang kama ngayon na para bang nalilito na kung sino ang mga taong kaharap niya ngayon.
“A-Anong nang-yayari sa a-anak ko doc?” Ang nag-aalala tanong ng babae sa bagong dating na lalaki.
“Tatapanin ko na kayo. Base sa aking pag-susuri kanina ang kamahalan ay dumaranas ngayon ng amnesia o memory lost dahil sa nang-yari sa kan’ya—” Naputol ang sasabihin ng doctor nang biglaang sumabat ang lalaking hanggang ngayon ay nakaupo sa kama.
“What did you say?” Ani nito at may diin pa sa mga sinabi na siyang nilingon ng lahat sa kan’yang puwesto.
“Kamahalan—” Muling ibinuka ng doctor ang labi niya upang mag-salita ng putulin muli ng binata ang sasabihin nito.
Tumayo ito sa kama bago inisang hakbang ang pagitan nila ng nasabing doctor bago niya ito kunuwelyohan na ikinagulat nang lahat.
“Ginagago mo ba ako? Anong amnesia pinag-sasasabi mo? Doctor ka bang talaga?” Walang emosyon nitong tanong sa kaharap at mahihimigan ang galit sa boses nito.
Samantalang namutla naman ang kaharap dahil sa malamig nitong tingin habang ang mga kasama nila sa loob ay parang mga kandilang natulos dahil sa mga salitang lumabas sa bibig nito.
“Anak—” Mabilis na iniwaksi ng binata ang kamay ng babaeng humawak sa kan’yang braso bago pabalibag na binitawan ang kuwelyo ng doctor na hanggang ngayon ay namumutla parin.
Hinarap niya ang babaeng umawat sa kan’ya habang nakaalalay ang lalaking pinatawag ang doctor kanina.
“I don't have any parents. Kaya ‘wag mo akong tawanging anak mo!” Bulyaw nito na halatang nasaktan ang babae.
“Zyruz! Don't you dare to shout our mother!”
Napalingon siya sa isang binata ng makita ang masama nitong tingin sa kan’ya.
Nag-taka siya dahil tinawag siya sa panagalang hindi niya naman kilala.
“What‘s the problem of yours you motherfucker?! Who's Zy— whatever. It's not my name you bitch!” Sigaw rin nito sa binatang kaharap n’ya habang gulat na gulat naman ang isa dahil sa mga binitawan niyang salita lalo na ang iba.
“K-Kamahalan humina—” Awat nang doctor kahit nauutal ito ng putulin muli ng binata ang sasabihin niya.
“Dont call me that thing! You idiot!”
“Zyruz, hindi ka na nakakatuwa.” May diing sabi ng isa pang binata sa kan’ya na masama ang tingin kaya agad niya itong tinapunan rin ng masamang tingin bago lumapit sa puwesto ng lalaki.
“I'm a joking? Hindi naman ako nag-papatawa.” Huminto ito saglit bago siya tiningnan, ulo hanggang paa bago muling nag-patuloy sa pag-sasalita. “I don't know you, all of you.” May diin nitong sabi bago hinawi ang kaharap na muntik nang matumba bago pabalibag na binuksan ang pinto ng mabigla siya at makita ang lugar na para bang nasa isa siyang move ng Disney World.
Hinarap niyang muli ang mga taong hindi n’ya kilala bago nag-salita. “Where the hell I'm I?!”
“A-Anak, please kumalma ka muna,” pag-papakalma sa kan’ya ng babae na halatang nag-aalala sa kinikilos niya habang ang iba ay hindi mag-sink-in kung ano nga ba ang nang-yayari sa kan’ya.
Agad siyang napahawak sa kan’yang ulo ng kumirot ito dahilan upang lumabo ang paningin niya kasabay noon ang pag-dilim nang lahat.
“Anak!”
“Zyrus, anak!”
“Zyrus!!”
Na alerto naman ang lahat nang bumagsak ito sa sahig bago nila dinaluhan ang binatang nawalan ng malay.
Binuhat naman ng isa sa mga binata ang walang malay taong binata at maingat na inihiga sa kama bago sinuri ng doctor ang nasabing binata.
Nang matapos masuri ay lumabas ito sa silid at nadatnan nito ang pamilya ng binata sa labas bago niya pinaliwanag ang mga nang-yayari kanina na labis na nag-pahagulgol sa babae.
Samantalang nag-katinginan ang mga kaedad nitong mga kabataan dahil roon habang ang iba ay pag-tataka at pag-dududa.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasyPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...