Zhaid POV
Ngayon ang araw ng labas ko sa hospital na ‘to and I'm here at the backseat nang kotse ni Kuya Damien habang yung dalawa ay busy sa likod upang ayusin ang mga gamit na dinala nila sa hospital.
Ilang oras ko na rin pinag-mamasdan ang kuwintas na hawak ko at iniisip kung ano bang puwedeng gawin dito.
Isangla ko na lang kaya? O ‘di kaya ibenta ko na lang?
“Clack!”
Mabilis pa sa alas-kuwatro kong ibinulsa ang kuwintas na hawak ko kanina pa ng mapatingin ako sa unahan at doon ko nakitang kakapasok lamang ng dalawa sa kotse.
Si Kuya Damien ang naka-puwesto sa driver seat at mukhang siya ang mag-mamaneho habang si Elijah naman ay naka-puwesto sa passenger seat nitong sasakyan.
Agad naman akong sinulyapan ni kuya sa reviewmirror bago nag-salita. “Are you ready to go home?”
Nilingon naman ako ni Elijah ng nakangiti.
Ngumiti naman ako sa kanila bago tumango at pag-katapos no‘n ay agad rin niyang binuhay ang makina ng sasakyan pag-katapos ay agad na niya iyong pinatakbo.
Sumulyap na lamang ako sa labas nang bintana habang pinag-mamasdan ang mga matatayog na mga gusali dito sa Manila.
Doon ko lang na pansin na may mga bagong tayo rin na mga building rito.
Gano‘n na ba ako katagal na walang malay na tao?
Kamusta na kaya sila? Okay lang kaya sila ngayon?
“Zhaid,”
“Zhaid, wake up.”
Napakunot noo ako ng marinig ko ‘yon bago ko kinusot ang mga mata ko and I saw Kuya Damien habang nakangiti ito sa akin.
Doon ko lang napag-tantong nakatulog pala ako sa biyahe bago ako sumilip sa bintana at tama nga ito na nandirito na nga kami pag-katapos ay agad rin akong bumaba.
Sa pag-baba ko ‘y tiningala ko ang mansion na nasa harap ko bago napangiti ng maliit dahil sa mga alaalang nag-flashback sa akin.
“Zhaid!”
Nabalik ako sa reyalidad bago ko nakita si Kuya Damien na nasa harap na ng main door at bitbit ang ibang gamit na dala namin kanina kaya mabilis akong lumapit rito.
Saaming pag-pasok ay agad kaming sinalubong ng hindi mabilang na mga kasambahay ng mansion. Ang lahat ay nakapila ng maayos sa mag-kabilang gilid bago sabay-sabay na yumuko at nag-salita. “Welcome back Young Master Zhaid!”
May lumapit na tatlong kasambahay dalawang dalaga at isang matandang babae kay kuya upang salubungin kami at kunin ng dalawa ang mga gamit na bitbit nito.
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuoan ng mansion at wala parin itong pinag-bago gano‘n parin ito ng mang-yari ang aksedente ng gabing ‘yon.
Hindi ko na lang sila pinansin at pumanhik na lamang sa second floor nitong mansion ng makarating ay agad kong hinanap ang kuwarto ko.
Pa bagsak kong inihiga ang aking katawan sa king size bed ko bago ako tumitig sa kisame ng may maalala kaya agad kong kinapa sa busla ng suot kong pants ang bagay na yun.
Nang makuha ko na ‘to ay agad kong inangat sa ere at pinakatitigan ang necklace na hawak-hawak ko.
Mabilis naman akong bumangon sa kama bago tumayo at lumapit sa drawer na nasa gilid lamang ng aking kama pag-katapos ay binuksan iyon at inilagay roon ang kuwintas bago isara.
Napabuntong hininga muna ako bago tumayo at lumabas sa silid.
Sa pag-labas ni Zhaid sa kan’yang silid ay agad namang lumiwanag na kulay violet ang nasabing kuwintas, saglit lamang iyon bago mawala.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasiPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...