Chapter 20.

18 1 0
                                    

Zhaid POV

Maaga akong nagising at agad ko ring ginawa ang morning routine ko ng mabilis bago lumabas sa aking kuwarto.

Nang makababa sa ground floor nitong mansion ay agad akong dumiretso sa dining area nitong bahay dahil ramdam ko na ang gutom.

Pag-pasok ko ‘y na patigil ako dahil puro maids lang ang nandirito na ipinag-taka ko ng lumapit ang isa sa kanila.

“Young Master, gising na po pala kayo. Ihahanda na po namin ang inyong almusal—” pinutol ko ang sasabihin nito.

“Where’s my brother?”

“A-Ahmm, maaga pong pumasok si Señorito Damien kasama po si Sir Elijah.” Sagot nito sa tanong ko bago tumalikod at kunin ang pag-kain ko.

Mabilis naman nilang inilatag ang pag-kain na kakainin ko sa umagang ito habang ang iba ay nakatayo lamang sa mag-kabilang gilid ng hapag-kainan.

Tamad ko namang ginalaw ang pag-kain ko pero ‘di ba dapat sanay na ako? Ganito naman ang routine ko eh pero siguro nasanay ako lately na may kasabay kumain lalo na nung— fuck! Don't mention it self. Hindi sila totoo, tama.

Agad rin akong tumayo sa pag-kakaupo dito sa dining area ng hindi ko pa nauubos ang pag-kain ko bago lumabas roon.

Dumiretso agad ako sa living area nitong bahay upang manuod at pampawala ng ka-boringan.

Kanina pa ako palipat-lipat nang channel sa T.V pero wala naman akong makitang magandang panoorin yung iba ay puro balita at ang iba naman ay hindi ko bet ang palabas.

Sa inis ko ‘y agad kong pinatay ang T.V bago pa bagsak na inihiga ang aking katawan sa couch na inuupuan ko at tinitigan ang kisame.

Lumipas ang ilang oras nang agad akong umupo bago kunin ang camel coat ko na kulay grey at dumiretso sa main door upang lumabas.

Dumiretso agad ako sa garahe ng bahay upang kunin ang sport touring motorcycle bike na kulay black ko bago iyon sinakyan ay agad ring pinaharurot ng buksan ang gate ng mansion.

Mabilis akong nakarating sa company na hinahawakan ko at sure akong nandirito sila.

Pag-baba ko ‘y wala akong sinayang na oras upang mag-tungo sa front door na agad rin akong pinag-buksan ng guard na halatang nagulat pa sa pag-dating ko.

“G-Good morning po Sir Zhaid and welcome back po.”

Ngumiti lang ako rito na ikinatanga naman nito bago ko siya iniwan.

Ang ibang employees ko ay nabigla rin lalo na ang nasa front desk.

“G-Good morning po Sir!” Ani nila bago mabilis na mag-baba ng tingin.

Haysstt! Hindi ko sila masisisi kung bakit takot sila sa akin.

“Na saan si Kuya?” Tanong ko agad.

“A-Ahmm... n-nasa office n’yo po.” Ang nauutal na sagot naman ng isa habang nasa baba ang tingin.

“Thanks.” Ani ko bago sila iwan at mag-tungo sa elevator na nandirito sa ground floor.

Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatunghay ang dalawang babaeng nasa front desk ng mag-pasalamat sa kanila ang binata bagay na hindi naman nito ginagawa noon.

Nang bumukas ang elevator ay agad rin akong pumasok bago pinindot ang floor kung na saan ang office ko.

“Ting!”

Agad rin naman tumunog ang bell ng elevator bago bumukas hudyat na nakarating na ako bago ako lumabas.

May mga employees akong nakita sa hallway na nag-lalakad at ng makita ako para silang namutla at nagsi-yuko at agad rin akong binati.

The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon