Zyruz (Zhaid) POV
Maaga akong pumasok ngayon ngunit hindi ko kasama sina Princess Xyleth at Prince Shin ngayon dahil may meeting raw ang mga ito sa kanilang sinalihang club kaya ang ending ako lang ang mag-isa ngayon.
Nandirito ako ngayon sa hardin ng school nakahiga sa ilalim ng isa sa mga puno dahil busy daw ang mga teacher ngayon kaya walang klase ang lahat.
Tsk! Edi, sana sinabi nila para nasa doorm lang ako at nakahiga ngayon o kaya kumakain?
Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko ang mga napag-usapan namin ni Zyruz nitong mga nakaraang araw.
Dahan-dahan akong bumangon bago isinandal ang likod sa katawan ng punong pinag-tatambayan ko at pinag-mamasdan ang asul na langit.
“BOOM!!”
Ang kaninang tahimik na paligid at payapang tanawin ay agad na nayanig upang mapatayo ako sa aking kinauupuan.
Tanaw mula rito sa puwesto ko ang makapal na usok na ikinakunot noo ko.
Ano ‘yon?
Wala akong sinayang na oras at mabilis na tumayo at lumabas sa hardin ng school nang may makasalubong akong estudyanteng tumatakbo na siya namang hinarang ko agad.
“Miss, wait!” Pag-sulpot ko bigla na mukhang kinagulat naman nito pero agad ring nakabawi bago nahihiyang tumingin sa akin.
“Y-Yes Prince Zyruz?”
“Anong nang-yari doon?” Tanong ko bago itinuro ang makapal na usok na mukhang malayo sa lugar namin.
Doon ko nakita ang pag-iba ng ekspresyon ng kan’yang mukha at napalitan iyon ng takot at pangamba.
“Ang lahat ng mga estudyante ay pinapapunta ngayon sa Gymnasium upang doon muna manatili habang ang mga may matataas na posisyon sa eskuwelahang ito ay nasa harap ngayon ng gate. S-Sinalakay na naman kase tayo ng mga Black Magic..” Paliwanag nito bago tumakbo na siyang tinanaw ko na lamang.
“BOOM!”
Muling yumanig ang buong paligid kaya mas minabuti kong i-balance ang sarili dahil baka ako ay matumba.
Doon ko nakita ang isa pang makapal na usok na mukhang sa ibang direksiyon naman tumama at kung titingnan ay dalawa na iyon.
Muli akong tumakbo upang pumunta sa gate ng school base sa sinabi ng nakausap kong estudyanteng babae kanina.
Nasa kalagitnaan ako ng hallway ng may mga nakakasalubong na akong mga kapwa ko estudyante na tumatakbo sa ibang direksiyon suot ang takot at pangamba sa kanilang mga mata.
May mga teacher rin akong nakikita na inaalalayan ang iba sa ligtas na lugar ng school.
“BOOM!!”
Nakarinig na naman ako ng isa pang pag-sabog kaya agad ko na ring binilisan ang pag-takbo.
Shit! Ano bang nang-yayari?
May nakakabungguan pa nga ako ngunit binalewala ko na lamang iyon ng may humawak sa akin na ikinatigil ko sa pag-takbo at nilingon iyon.
“Prince Zyruz, go to gymnasium ligtas roon pero ang daan na tinatahak mo ay hindi.” Isa itong gurong babae, I don't think so kung teacher namin siya sa isa sa mga subject ko.
“Tara na.” Hatak niya sa akin pero agad naman atang may nadapang estudyante na malapit saamin na agad niyang tinakbuhan upang tulungan kaya iyon ang dahilan upang kunin ko ang tiyempo na umalis.
“Prince Zyruz! Come back here!” Sigaw pa nito ng hindi ko na inabala pang lingunin ito.
Nang makarating sa gate ay agad akong napahawak sa aking tuhod dahil sa hingal sa pag-takbo ng iangat ko naman ang tingin na siyang ikinabato ko sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasyPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...