Third Person POV
Sa mundong puno ng mahika at mga kakaibang bagay kasama ng iba‘-ibang nilalang ay matatagpuan ang isang lupain kung saan nakatayo ang Ubreoverus Kingdom sa loob nito ‘y matatagpuan ang isang silid aklatan kung saan nasa loob ang buong royalties na busy sa kanilang ginagawang pag-sasaliksik sa iba‘t-ibang makakapal na mga libro na para bang may hinahanap.
Agad naman silang nilapitan ni Prince Dark na may bitbit ring dalawang libro. “Anong balita sa pag-sasaliksik n’yo? May balita na ba?” Ang sunod-sunod nitong tanong.
“Prince Dark, base sa nakalap naming impormasyon sa iba‘t-ibang libro ay kakaunti pa lang ang aming nakukuha.” Sagot ni Princess Floramae sa binata.
“Tama siya. Ayon din sa nabasa ko ‘y mahirap buksan ang lagusan ng dalawang mag-kaibang mundo.” It was Prince Shan.
“Ang sabi naman sa ibang librong nakalap namin kailangan may alam ang mag-bubukas noon o kaya paano mag-sara kung hindi malaking gulo ang dala nito para sa mundo natin at sa mundo ng mga mortal.” Singit naman ni Prince Florence sa usapan.
“Bakit kase kailangan pa natin ‘tong gawin? Gosh! Kung ayaw niyang bumalik, then let him!” Ang naiinis na wika ni Princess Zyreena bago isinara ang librong binabasa.
“Excuse me, Princess? Bakit? May nag-pumilit ba sa‘yong sumama ka dito? ‘Di ba wala naman? At isa pa kung wala ka naman magandang sasabihin can you please shut your fucking mouth of yours. Nakakairita kase.” Ang biglaang sabat naman ni Princess Xyleth dito at mukhang naaasar na rin.
Napatayo naman sa kinauupuan nito si Princess Zyreena habang masamang nakatingin sa kaharap na hindi rin naman nag-papatalo sa masasamang tingin na ipinupukol sa Prinsesa.
“So, sinasabi mo bang nag-iinarte ako?” Pagalit na tanong ni Princess Zyreena dito.
“O? Bakit hindi ba?” Ang pabalang na sagot naman ng isa.
Nag-puyos naman sa galit si Princess Zyreena bago walang pasabing itinaas nito ang kanang kamay upang i-tama ang palad nito sa pisngi ng kaharap ngunit mabilis naman itong nasalo ng isa at walang pasabing itinulak nito ang Prinsesang sasampalin sana siya na ngayon ay nakasalampak na sa sahig.
“You! How dare you to push me!” Ang galit nitong sigaw bago tumayo at sugurin ang isa.
Mabilis naman silang inawat ng iba nilang kasamang royalties bago pumagitna si Prince Dark sa dalawa na halatang nag-pipigil rin.
“What’s wrong with you two?! Hindi kayo nakakatulong! Nauubusan tayo ng oras dahil sa mga ginagawa n’yo! Kapatid ko yung sinasalba ko dito kung ayaw n'yong tumulong then malaki yung pinto puwede na kayong umalis!” Galit na wika ni Prince Dark na halatang ikinagulat nang iba sa kanila lalo na sina Prince Ralph at Prince Kyle.
Never kase nilang nakitang magalit ang panganay sa mag-kakapatid na Schweetz kadalasan lang na ipinapakita nito sa lahat ay ang pagiging tahimik at malamig kung makitungo.
“I-I'm.. r-really sorry P-Prince Dark.” Ang Nauutal na hinging paumanhin ni Princess Zyreena sa binata.
“I'm really sorry too Prince.” Ani ni Princess Xyleth bago yumuko at umayos ng tayo.
Walang pag-aalinlangan naman silang iniwan ng Prinsipe bago lumabas ng silid aklatan at naiwan naman ang buong royalties na nag-tinginan sa isa‘t-isa lalo na ang dalawang babae na nag-palitan pa ng masasamang tingin sa isa‘t-isa.
Samantalang sa isang lupain kung saan walang nabubuhay na mga halaman ay may isang kastilyong itim habang ang paligid ay pinalilibutan ng mga punong kahoy na puro sanga lamang habang may mga nakadapong itim na mga uwak rito.
Sa loob nang nasabing kastilyo ay matatagpuan ang isang bulwagan kung saan naroroon ang trono habang may nakaupong isang magandang babae.
Kung pag-mamasdan mo ito ‘y para bang wala itong dugo dahil sa kaputian na taglay ng kan’yang kutis ang damit naman nitong suot ay itim at pula ang kulay na sumasayad sa sahig ng kastilyo sa ulo naman nito ay nakalagay ang itim na korona sa gitna noon ay may isang pulang diyamante, mahahaba rin ang itim nitong mga kuko bago tumayo sa pag-kakaupo sa kan'yang kinauupuan.
Sa nakabukas na bintana ng kastilyo ay agad na pumasok ang isang itim na uwak bago dumapo sa hintuturong daliri ng nasabing babae.
“Hawk!” Huni nito na ikinangiti ng babae bago muling lumipad ang uwak sa palibot nang bulwagan.
“Konting oras na lang at muli tayong mag-papakilala sa kanilang lahat.” Ani ng babae bago humalakhak ng tawa na dumagundong sa apat na sulok ng nasabing bulwagan.
“Mahabang panahon ang aking hinintay kailangan pag-handaan.” Bago malapad na ngumiti.
Walang pag-aalinlangan niya namang hinarap ang isang higanting bolang kristal at sa loob naman nito ‘y may isang taong nakaputi ang kasuotan habang ang kanang paa nito ay nakagapos ng kadena.
Makikita rin sa buong katawan nito ang mga sugat at pasa halatang nanghihina na rin ang taong iyon.
Agad itong nilapitan ng babae bago katukin ang nasabing kristal na bilog na agad ikinatunghay ng taong nasa loob.
“Malapit na. Sa mga kamay na ‘to mamamatay ang taong sinasabi sa propesiya at tanging kaming mga Black Magic lamang ang maaaring manatili sa mundong ‘to.”
“T-Tama na.. hayaan mo na silang maging masaya!” Sigaw ng binatang nasa loob nang kristal na bilog hindi alintana ang pagod.
Ang nakangiting labi naman ng babae ay unti-unting na wala dahil doon bago mabilis na ikinumpas ang hintuturong daliri sa ere at itinuro sa direksiyon ng kristal.
Agad namang humiyaw sa sakit ang binatang nasa loob noon dahil sa itim na kuryenteng ipinalabas ng babae.
Itinigil naman niya iyon bago tumalikod sa binata. “Maging masaya? Hinding-hindi ko hahayaang maging masaya sila. Gusto kong makita kung paano sila humiyaw at lumuha sa sakit lalo na si Ashtherielle or should I say.. your Mom, Prince Zyruz?” Ani nito bago nilingon ang binata na halatang hirap na hirap na.
“O ‘di kaya I call you ‘the true Zhaid’? Anong prepared mo? Bakit hindi na lang kase kayo sumuko na kahit ang totoong Prinsipe na nasa mundo ng mga mortal ay ayaw na ring umuwi? Bakit kase ipinag-pipilitan n’yo ang taong ayaw maniwala na totoo kayo?” Ang natatawang saad ng babae na may kasama pang pag-iling.
“Ikaw! Ikaw ang dapat sisihin sa lahat, Martha! Kung hindi mo ipinag-palit ang aming mga kaluluwa sa mag-kaibang katawan at mundo noon, hindi mang-yayari ang lahat ng ‘to!” Sigaw ni Prince Zyruz sa kan’ya at halata sa boses nito ang galit.
Umalingaw-ngaw ang palakpak ni Martha at para bang humahanga sa kan'yang nakikita.
“Queen,”
Napalingon naman silang dalawa ng may pumasok na naka-hoodie habang ang balabal nito ‘y sumasayad sa sahig.
“Ano at naparito ka aking alipin?” Ang seryosong tanong ni Martha dito.
“Malapit na pong masilayan ang bilog at pulang buwan sa silangang bahagi sa mga darating na araw.”
Ang seryosong mukha ng babae ay agad sumilay ang nakakakilabot na ngiti sa kan’yang labi.
“Kung gano‘n, magsipag-handa ang lahat at sa oras na mag-pakita na ang buwan sa langit hintayin ang aking utos!”
Yumuko na lang ang lalaking naka-hoodie upang mag-bigay galang at mag-laho sa harapan ni Martha.
Umalingaw-ngaw ang pag-tawa nito sa buong kastilyo na siya ring ikinalipad ng mga uwak sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasyPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...