Zhaid POV
Nandirito parin ako sa hospital habang nakasandal sa headboard ng kama at pinapanood sina Kuya Damien pati si Elijah na nag-aayos ng mga pag-kain na binili nila sa kanina sa Mall.
Nag-paalam kase ang mga ito sa akin na bibili muna raw sila sa Mall pero agad rin naman silang nakabalik.
Agad ko namang tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding dito sa loob ng silid ko and it was 10:00 AM in the morning.
Nang mag-sawa ang aking mga mata sa pag-sulyap sa labas nang bintana ay agad may nag-pop-up na tanong sa aking utak bago ko sinulyapan ang dalawang taong busy sa kanilang ginagawa.
“Kuya,” pag-tawag ko sa atensiyon ng kapatid ko na agad namang kinalingon ng mga ito.
“Ilang araw pala akong tulog?” Tanong ko ng wala akong nakuhang sagot kanina.
Nag-tinginan pa ang dalawa sa isa‘t-isa bago ako muling binalingan.
“Hindi lang ilang araw. I mean, its been 2 months kang walang malay tao—”
“What!?” Ang hindi makapaniwala kong sagot dito na ikinaputol ng sasabihin nito.
“Yes Zhaidy. Feeling ko nga nahiya ka pang gawing 3 months eh.” Sagot ni Elijah sa akin na ikinatingin ko naman sa kan’ya.
Nakatanggap naman siya ng nakakamatay na tingin mula sa kapatid ko na agad niyang ikina-piece sign dito.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni kuya na its been 2 months akong tulog?
What the fuck!
Samantalang ang alam ko lang ay 14 days palang ako sa mundong ‘yon? Paanong nang-yari ‘yon?
Hindi kaya ay mabilis ang oras dito kaysa roon?
“Bakit mo naman naitanong? May problema ba?” Tanong ni kuya sa akin na ikinatingin ko naman sa direksiyon niya.
“Ahmm, w-wala naman naitanong ko lang.”
“By the way, nakausap ko na ang doctor mo ang sabi niya maaari ka na daw umuwi tomorrow. May mga test pa raw kasi na kailangan gawin sa‘yo ngayong araw.” Biglaang sagot ni kuya na ikinatango ko na lang bilang sagot sa kan’ya.
Hapon na at tanaw mula rito ang kulay kahel na langit na magandang pag-masdan dahil hindi naman masakit sa mata iyon.
Tanging kami lang ni Kuya Damien ang nandirito dahil inutusan nito si Elijah na bumalik muna sa hideout para tingnan ang ibang mga tauhan namin.
Busy siyang nag-babalat ng orange para sa akin ng walang pakundangan akong nag-tanong sa kan’ya. “Kuya, naniniwala ka ba sa reincarnation?”
Nakita kong napatigil ito sa kan’yang ginagawa bago tumingin sa akin.
“What’s that weird question of yours?” Balik niyang tanong sa akin na nakakunot ang noo.
“Tsk! Sagutin mo na lang kase.”
“Okay. Fine.”
“Maybe,” sagot nito bago nag-kibit balikat at pinag-patuloy ang kaninang ginagawa.
“So? Hindi ka sure sa sagot mo?” Ang nag-tataka kong tanong dito.
Bumuntong hininga muna ito bago lumapit at ibigay ang platito na may lamang orange na kanina pa niya binabalatan kaya agad ko rin iyong tinanggap bago ito maupo sa gilid ng aking kama at hinarap ako.
Hinawakan nito ang kanang kamay ko bago nag-salita. “Zhaid, hindi dahil gano‘n ang sagot ko ay hindi na ako naniniwala, I mean, ako yung taong maniniwala lang kung naranasan ko o nakita ng dalawang mata ko.”
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasyPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...