Chapter 16.

24 2 0
                                    

Damien POV

I'm here in my office at busy sa pag-pirma ng sandamak-mak na papeles na naiwan ng kapatid ko ng mang-yari ang insidenteng iyon.

Abot-abot ang panalangin ko that time na ‘sana, sana ay mabuhay pa siya’ dahil hindi ko ata kakayanin na pati siya ay mawala rin.

Zhaid is the only one I have siya na lang ang pamilyang meron ako ngayon. Our parents died in plane crash and I know na it's not accident, sinadya ‘yon. Kaya gagawin ko lahat masiguro ko lang na buhay siya kahit pa mag-bayad ako ng malaki gagawin ko.

Agad akong sumaglit ng tingin sa orasan na nasa dingding kung saan ito nakasabit and it's 10:00 in the evening.

Ang tagal ko na rin pala dito at hindi ko man lang namalayan ang oras, haysstt!

Ibinaba ko agad ang hawak kong ballpen bago isinandal ang aking likod sa sandalan ng swivel chair na inuupuan ko ngayon bago ipinikit ang aking mga mata at saka ko lang naramdaman ang pagod sa buong araw.

“Blag!”

Wala sa oras na napadilat ako at agad nag-landing ang tingin ko sa double door na pinto ng office ko dahil sa biglaang pag-bukas ng kung sino.

Agad namang sumulyap si Elijah na siyang humahangos na lumapit sa akin na ipinag-taka ko.

Hinihingal na huminto siya sa harap ko na siyang pinagigitnaan ng mesang nasa harap ko bago walang lingon-lingon na itinuro ang bukas na pinto ng opisina ko kaya doon ako napatingin and to my surprise agad sumulpot ang isang taong kilala ko.

Ang abo nitong mga mata na walang ka-emo-emosyon at malamig kung tumingin, naka-turtel neck ito na itim at pinatungan ng camel coat na kulay grey sa likuran nito ay ang dalawa nitong tauhan na naka-sunod lamang sa kan’ya.

“Kanina ko pa siya pinipigilan pero ayaw niyang mag-papigil—” naputol ang sasabihin ni Elijah ng itinaas ko ang kaliwang kamay ko ng kaunti sa ere indikasyon ng pag-hinto bago ko ito binalingan ng tingin.

“Its okay. You may go. At saka pakidala na lang rin ang mga ito sa hideout natin.” Ani ko sa kan’ya ng seryoso.

Halatang mag-po-protesta pa ito ngunit hindi na nito tinuloy bago padabog na kinuha ang ibang folders na tapos ko ng pirmahan bago niya masamang tiningnan ang lalaki ‘tsaka ito nag-marcha paalis.

Niyukuan pa siya ng dalawang men in black na nakatayo sa pinto bago tuluyang isinara iyon at tanging kaming apat na lamang ang natira sa loob nang opisina ko.

Napailing na lamang ako dahil sa turingan nilang dalawa para bang hindi mag-pinsan.

Nag-buntong hininga muna ako bago ko muling tingnan ang aking bisita na nasa akin parin ang tingin.

“Anong masamang hangin ang nag-dala sa’yo dito?” Tanong ko rito.

“May ginagawa ba ang mga tauhan mo para makita ang demonyong ‘yon?” Seryoso nitong tanong rin sa akin pabalik.

Ikinalma ko ang sarili sa itinanong nito bago ito sagutin. “Ginagawa ng mga tauhan ko ang trabaho nila at kung ang mga tauhan mo walang makita kahit anino ng gagong ‘yon gano‘n rin ang mga tauhan ko. Makakarating naman sa’yo kung may mahanap kami, don't worry, Ace.” Seryoso ko ring sagot rito.

Tsk, hindi talaga titigil ang isang ‘to hanggat hindi niya nakikita ang sira ulong ‘yon. Kahit sabihin ko naman sa kan’ya bala parin ng baril ko ang tatadtad sa katawan ng hayop na yun.

“Gusto ko lang makasiguro.” Ang maikli nitong sagot sa akin bago ako talikuran at nag-simulang mag-lakad papunta sa pinto ng opisina ko.

Napailing na lamang ako kahit alam kong hindi niya iyon nakita.

The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon