Chapter 23.

18 1 0
                                    

Damien POV

Muli kong tiningnan ang puwesto ng mga ito pero nabigla ako ng ang mapupungay na mata ni Elijah ang nakatingin sa akin pero nag-taka ako dahil kakaiba ang pagiging seryoso at ang lamig nito.

“Damien, uy!”

Mabilis naman akong napalingon ng hampasin ako sa balikat ni JM.

“What?” Nakataas kilay na tanong ko.

“ ‘Di ba lagi kayong mag-kasama? Baka naman puwede mo akong ipakilala sa kan’ya?” Ang nakanguso nitong sabi bago tumingin sa akin.

“Ahmm—”

“Hoy! ‘Wag ka ngang ngumuso mukha kang pato!” Si Luke iyon na ikinairap naman ni JM.

“Gosh! Nakatingin talaga siya dito. Feeling ko sa akin siya nakatingin.” Kinikilig nitong turan saamin.

Napabuntong hininga na lang ako bago muling nilingon ang puwesto nina Elijah pero feeling ko aatakihin ako sa puso kase nakatingin talaga siya sa akin— I mean sa puwesto namin?

“Parang hindi naman sa‘yo JM nakatingin? Kay... Damien?” Si Mike iyon na ikinagulat ko at mabilis na hinarap ito bago ko siya pinandilatan ng mata.

Gago ba siya!? Anong pinag-sasabi nitong lalaking ‘to?

“True, ano bang relasyon n’yong dalawa, Damien?” Napalingon naman ako sa puwesto ni Luke na seryosong nakatingin sa akin.

“What? Anong relasyon pinag-sasabi mo? It just Zhaid best friend at parang nakakabatang kapatid na rin ang turing ko kay Elijah. ‘Wag nga kayong mag-isip ng kung ano-ano diyan?”

“Easy! Napaka-defensive ah!” Saad ni Mike na natatawa pa.

“Talaga?! So, tutulungan mo na ako?” Ani ni JM bago ipulupot ang mga braso sa kaliwang braso ko na ikinalingon ko naman dito.

Muli kong nilingon ang table nina Zamiel pero agad akong nag-taka ng makita kong para bang nag-dilim ang mukha ni Elijah at halatang galit ito habang ang mga kasama nito ‘y busy sa pag-ku-kuwentuhan.

“Ahmm.. oo naman.” Sagot ko bago mabilis na umiwas at nilingon itong katabi ko na mukhang masayang-masaya pa.

Ngunit bakit feeling ko nasaktan din ako sa isinagot ko.

Hindi ko na alam kung nakailang lagok na ako ng alak dahil habang lumalalim ang gabi ay hindi ko na rin mabilang kung nakailang shot na ako samantalang kami na lang ni JM ang nasa table namin yung tatlo ayun nasa dance floor at may kasayaw na mga lalaki.

Kanina ko pa napapansin itong kasama ko na panay ngiti at pa-cute sa kung sino pero hindi ko na kailangan tingnan iyon dahil sure na akong kung sino iyon.

Nabigla ako ng tumayo ito at muntik pang ma-out of balance kaya naman ay nahawakan ko naman ito habang natatawa pa ito at hinarap ako.

“Watcha.. ern lern!” Ang lasing nitong sabi bago dumaan sa gilid ko na inalalayan ko na lang bago bitawan.

Sinundan ko na lang ng tingin ang kaibigan ko kung saan ito pupunta.

Inayos pa nito ang damit at walang ano-ano ‘y pumunta sa table nina Zamiel.

Nakita ko pa siyang kumaway dahilan upang lingunin siya ng buong Buenaventura gano‘n rin si Elijah na agad akong nakaramdam ng sakit.

Why?

Mabilis naman akong umiling bago ko muling tingnan ang kaibigan ko and to my surprise sa akin nakatingin si Elijah na para bang naiinis at hinanap ko naman si JM at doon ko nakita na nakalinggis ang isa habang may kung anong sinasabi sa binata samantalang ang mga kasama naman ng mga ito ayun nakangiti at mukhang binu-bully si Elijah.

The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon