Chapter 22.

16 1 0
                                    

Damien POV

Kakatapos ko lang maligo and I'm here in my walk-in closet at kanina pa ako pumipili ng susuotin kong damit dahil may pupuntahan akong birthday party or should I say na birthday ng isa sa mga pinsan ni Ace at Elijah.

Agad kong tiningnan ang orasan na nakasabit dito sa wall and its 7:25 PM in the evening at mag-sisimula iyon ng 8:00 PM.

“Shit!” Ani ko dahil kanina pa ako dito sa loob at naka-limang palit na ata ako pero feeling ko hindi nito makuha ang taste ko.

But at the end, I wear a white tuxedo at pinartneran ko na lang ng black slacks and an Oxford shoes bago ko inayos ang buhok ko at mabilisang nag-pabango bago lumabas ng walk-in closet ko.

Pag-labas ko ‘y napatalon ako sa gulat dahil nandirito si Zhaid at prenteng nakaupo sa gilid ng aking kama habang may bitbit nang pop-corn.

“Ang tagal mo naman ata—”

“What are you doing here?” Putol ko sa sasabihin nito bago niya ako tuluyang nilingon at pinag-mamasdan.

Ngunit nagulat ako ng humagalpak ito ng tawa na ipinag-taka ko naman.

“The fuck! Kuya, anong suot ‘yan?” Tanong pa nito habang hindi parin tumitigil sa pag-tawa napahiga na lang ito sa aking kama at hindi alintana ang pag-tapon ng pop-corn nito na agad ko naman siyang nilapitan para ialis roon at baka langgamin pa ako.

“Get up. Nadudumihan yung kama ko.” Seryoso kong sabi na ikinatigil naman nito pero nag-pipigil parin ng tawa.

Damien, calm down yourself. Kapatid mo ‘yan.

“Okay, okay. Kuya b-bakit kase gan’yan ang suot mo?” Ang natatawang tanong nito sa akin na ikinakunot noo ko naman bago pinag-mamasdan ang sarili.

Why? My problema ba sa suot ko?

“What? What's the matter?” Ang nag-tataka kong tanong bago siya sinulyapan.

Pilit parin niyang pinipigilan ang sariling matawa dahilan upang mapa-roll eye ako.

“Itawa mo ‘yan at baka kung saan pa lumabas.” Saad ko pag-katapos ay agad kong narinig ang pag-halakhak niya na ikina-cross arm ko sa harap nito.

Pinahiran pa niya ang mga butil ng luha sa mga mata nito dahil sa kakatawa bago ako harapin habang nakaupo parin ito sa aking kama.

“Kuya, saan ka ba pupunta?” Tanong nito.

“Birthday party.” Maikli kong sagot ng nakakunot ang noo.

“Yeah, I know it but binasa mo ba talaga ang invitation?” Tanong nitong muli.

“No. Then what's the big deal?” Pag-tatanong ko naman dito dahil ilang oras na lang ma-la-late na ‘ko pero I'm here talking with my brother.

“Kuya, hanga naman ako sa‘yo ‘no? Binigyan ka ng invitation pero hindi mo man lang binasa? Kuya, what if’s babarilin ka na lang doon?”

“Don’t worry I'll can handle it okay? Puwede na ba akong makaalis—”

“No. Mag-palit ka.” Pag-putol ni Zhaid sa akin na ikinakunot noo ko.

“What? For pet shake! Zhaid, I have to go dahil ma-la-late na ako—”

“No. Ayokong mapahiya ka do‘n.”

Nahilot ko na lang ang sintido ko dahil sa sinabi niya.

Self calm yourself please.

“But why?” Ang hindi ko makapaniwala tanong sa kan’ya.

“Kuya, sa isang luxury bar gaganapin yung party tapos iyan ang suot mo? Pormal attire talaga!? Kuya! Sumabay ka sa uso! Bar ‘yun! Tapos para kang a-attend ng meeting!”

The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon