Zyruz (Zhaid) POV
Maaga akong nagising dahil papasok na naman sa eskuwelahan agad ko ding ginawa ang morning routine ko bago nag-bihis ng uniform.
Pag-baba ko sa hagdan pansin kong tahimik ang buong paligid tanda na wala na ang buong royalties kaya agad na rin akong lumabas at mahaba-haba pa ang lalakarin ko.
Agad rin akong nakarating sa gate ng school at tulad ng dati saakin ang tingin ng lahat mga matang mapanghusga at pag-hanga.
“Krinnnggg!”
Tunog ng bell hudyat na mag-sisimula na ang klase ng bawat isa na siyang ikinatakbo ng iilang mga kapwa ko estudyante.
Nang makarating sa 3rd floor nitong building kung saan ang una kong subject sa umagang ito bago ko binuksan ang pinto dahilan upang mapahinto ang babaeng guro na nasa harap nitong klase.
Taas kilay itong tumingin sa akin at isa sa mga taong pinahiya ang katawang ito noon.
“You're late Mr. Schweetz.” Ang mataray nitong pag-bigkas habang naka-cross arm ang mga kamay.
“So? Ako lang ba sa lahat ng estudyante mo ang na-late sa klase mo?” Ang malamig kong ani na siyang ikinaawang ng labi nito.
Agad akong dumiretso sa aking upuan bago ko s’ya muling tiningnan. “Continue.”
Mabilis naman siyang tumalima bago nag-disscus ng lesson sa harap ng klase.
Lumipas ang ilang oras sa dami ng gurong pumasok saaming silid nang tumunog ang bell.
“Kriinnggg!”
Umalingaw-ngaw ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase ng lahat sa umagang ‘yon bago lumabas ang huling gurong lalaki na nag-tuturo kanina bago ako tumayo at lumabas rin.
Ilang buwan na rin at kabisado ko naman ang pasikot-sikot sa buong F.L.A.
Dinala ako ng aking mga paa sa likod ng isa sa mga building rito at doon ko nakita ang isang malaking puno habang nakausli ang mga ugat nito sa lupa na maaaring maupuan.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag-dampi ng hangin sa aking mukha at muli kong naalala ang isang masalimuot na alaala ng lugar na ‘to.
Ito ang tagpuan noon nina Zyruz at Prince Kyle sila ang palaging mag-kasama at hindi mapag-hiwalay ngunit nag-bago iyon ng aminin ng gamit kong katawan ang buong pag-katao n’ya.
Na he's not straight, he is a gay.
Kung hindi ba siya umamin wala rin kaya ako sa mundong ‘to? Kung hindi ba siya umamin hindi rin ba mang-yayari sa akin ang mga bagay na nang-yari sa akin sa totoo kong mundo?
Ano na kaya ang nang-yayari roon? Nag-sasaya na kaya ang ibang kalaban ko sa industriya ng business world dahil wala na ako? Naiisip ko palang iyon nangangati na ang kamay kong tadtarin sila ng bala ng baril ko.
“Napakalalim naman ng iniisip mo, Zhaid?”
Napaigtad ako sa gulat dahil sa may biglaang sumulpot sa gilid ko dahilan upang mahulog ako sa lupa.
Shit! Ang sakit, tangina…
Napahinto ako ng wala sa oras ng makilala ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.
“P-Prince Zyruz,”
Nakalutang s’ya sa hangin.
Matamis itong ngumiti sa akin bago ako pinantayan ng upo.
Mabilis akong umiwas ng tingin dahil hindi ako sanay na kaharap ko ang totoong Zyruz ngayon.
Agad akong tumayo bago magpagpag ng uniform ko.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasyPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...