Damien POV
I'm here in Zhaid company, ako parin kase ang nag-ha-handel hanggat nandirito ako sa Philippines.
Agad kong isinara ang laptop ko dahil hindi talaga ako makapag-concentrate sa aking ginagawa lalo na ‘t nag-pa-flashbacks parin sa akin ang nang-yari nung gabing ‘yon.
Wala sa oras kong naihilamos ang dalawang palad ko sa aking mukha dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang m-may nang-yari.. saamin!
“Clack!”
Napatingin naman agad ako ng may mag-bukas nang pinto ng office at iniluwa noon si Elijah.
Matamis itong ngumiti sa akin bago nag-salita. “Dammy— Hey!”
Nasalo naman nito ang ballpen na inihagis ko sa direksiyon niya habang masama ko siyang tiningnan.
May gana pa siyang mag-pakita at ngumiti ngayon sa akin!?
“What did I do?” Ang nag-tataka niyang tanong habang hawak parin ang ballpen na ibinato ko kanina.
“Bakit nandirito ka?”
“I'm your secretary. At... dito ako nag-ta-trabaho.” Sagot nito sa tanong ko.
“Hi kuya!” Biglaang sulpot ni Zhaid sa likuran ni Elijah bago ko nakita ang pag-tataka sa mukha nito.
“Kuya, bakit naka-turtel neck ka? Ang init-init kaya sa labas.” Pag-tatanong nito sa akin.
Mabilis ko namang tiningnan ang puwesto ni Elijah na may pilyong ngiti sa labi bago ko siya sinamaan ng tingin.
Nilingon ko naman agad ang kapatid ko bago ito sagutin. “Ahmm.. Zhaid, ano.. trip kase ni kuya na mag-suot nito so, kaya ganito ang out-fit ko ngayon” Bago ko nginitian ang kapatid ko.
Tatango-tango naman ito bago nag-kibit balikat at agad dumiretso sa couch na nandirito sa loob nang opisina.
“Dammy,”
Mabilis kong nilingon si Elijah bago ito samaan ng tingin at mabilis bago saglit na nilingon ang kapatid ko kung narinig ba nito ngunit busy ito sa pag-tingin sa kan’yang cellphone kaya mabilis ko ulit nilingon ang taong nasa kaliwang bahagi ko.
“Ano?” Ang naiinis kong tanong.
Ngumuso ito saglit bago ako matamis na nginitian. “I have something to give you, here.”
Doon ko nakita ang isang pirasong pulang rosas bago ko siya takang tiningnan.
“Ano ‘yan?” Ang nakakunot noo kong tanong dito.
“Flower? Rose?”
“Gago, alam kong rose ‘yan. Ang ibig kong sabihin para saan? At saka hindi pa naman ako patay para bigyan mo niyan.”
“Nakalimutan mo agad?” Ang malungkot nitong wika sa akin.
I rolled my eyes dahil umiiral na naman ang pagiging childish nang isang ito.
Kung hindi lang talaga malaking gulo ang pag-patay sa isang ‘to ay kanina ko pa ito pinaligpit sa mga tauhan ko.
“Akala ko ba pumayag ka na?” Ang malungkot at parang maiiyak nitong tanong sa akin.
Napapikit na lang ako ng mariin dahil doon.
“Fine. Isang linggo lang pag-katapos titigilan mo na ako, maliwanag?”
Itinaas nito ang kanang kamay niya na para bang nanunumpa. “Pangako. Pero sana walang taguan ng feelings kung may nararamdaman ka na, tell me, handa akong saluhin ka.” Senserong saad nito sa akin na may kasama pang pag-ngiti.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasyPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...