Malalim na ang gabi habang may limang itim na magagarang kotse sa isang malinis na kaldana na animo ‘y nag-papaligsahan sa isang karera.
Sa loob nang isang kotse na siyang nangunguna sa pag-takbo kasunod nito sa likod n ang apat na itim ring kotse na hinahabol habang pinapaulanan ito ng mga bala ng baril.
“Bullshit! Hindi pa ba sila napapagod?” Inis na wika ng binatang nangunguna sa pag-mamaneho na siya palang hinahabol nang apat na kotse.
Ngunit nabigla ito ng matanaw sa dulo ng kalsada ang isang nakaharang na kotse habang sa unahan nito ay may nakatayong lalaki at ang isang kamay ay nakaangat sa ere habang may nakatutok na baril mula sa direksiyon niya.
Nag-tangis ang bagang nito bago walang pag-aalinlangang inapakan ang preno ng kotseng kan’yang sinasakyan at pag-katapos ay agad ring bumaba ng sasakyan.
Itinutok rin nito ang baril na hawak sa lalaking may nakakainis na ngisi sa kan’yang labi samantalang siya ay tanging walang emosyong mukha lamang ang ibinigay sa kaharap.
“Paano ba ‘yan? Mukhang dito ka na mamamatay, Zhaid Rio Santillan?” Ani ng kaharap bago tumawa.
Doon niya na laman ang ibig nitong sabihin ng huminto ang apat na itim na kotse sa likuran ng kan’yang sasakyan pero kahit gano‘n wala paring pangangamba na rumihistro sa kan’yang mukha.
Agad niyang nakita na sinenyasan ng kaharap ang mga taong nasa likuran niya dahila upang mapatakbo siya sa isang eskenita habang umalingaw-ngaw ang putok nang baril sa buong paligid.
Hindi rin niya magawang tumawag ng back-up dahil hindi niya alam kung may mga buhay pa sa mga tauhan niya na iniwan niya kanina sa lumang warehouse kanina.
“Run as fast as you can, Zhaid!” Ani muli ng lalaking kaharap nito kanina bago tumawa.
Kung sakaling may makakarinig man lang dito ay baka iisipin na nababaliw na ito.
Nakakuha siya ng tiyempo upang mag-tago dahil ramdam niya ang kirot sa likuran niya na mukhang tinamaan kanina.
“Fuck,”
Samantalang sa isang maganda at kakaibang mundo kung saan ang mga kasuotan na nahahawig sa mga Disney World ay makikita kung saan nakatayo ang isang paaralan para sa mga mahaharlikang tao.
Sa isang building roon ay pinag-kakaguluhan at may isinisigaw ang lahat.
Isang binata ang nakadungaw mula sa rooftop nang building na iyon habang ang mga luha ay walang tigil sa pag-tulo at rinig mula roon ang sigaw ng mga kapwa estudyanteng katulad niya.
“Tumalon ka na bakla!”
“Umaarte na naman siya?”
“Gan’yan nga! Tumalon ka! You're useless gay, bitch!!”
“Tatalon na yan! Tatalon na yan!!”
Ilan lamang iyan sa mga sigaw ng iba sa mismong ibaba ng building habang nakatingala sa kan’ya.
Isang malakas na pag-bukas nang pinto mula sa rooftop ang nag-palingon sa kan’ya habang iniluwa noon ang mga taong kilala niya na may inis at hindi maipinta ang pag-mumukhang ng dumapo ang tingin ng mga mata nila sa puwesto niya.
“Ano na naman ba itong ka-dramahan mo Zyruz?!” Inis na tono ng isang lalaki na may puting buhok habang ang noo nito ay nakakunot noo.
“ ‘D-Di ba eto naman ang gusto n’yo? Ang mawala ako!” Sigaw nito habang patuloy sa pag-tulo ang mga luha nito.
“As if naman gagawin mo. Your so dramatic you gay!” Bulyaw naman sa kan’ya ng babae habang nakataas ang kilay nito at may nakaukit na ngisi sa mga labi.
“Kung gusto mong tumalon then go! Akala mo makukuha mo attention namin? Hell no!” Saad naman ng isa pang binata sa kan’ya.
Masakit man pero wala eh. Nag-bago na nga sila.
Saglit niyang sinulyapan ang likuran bago walang pasabing tumalon na ikinagulat nang lahat.
“Zhaid! Lumabas ka na diyan sa pinag-tataguan mo bago pakita mahanap dahil sisiguraduhin kong uubusin ko ang bala ng baril ko at ibabaon sa katawan mo!” Rinig ko ang boses niya na mukhang malapit lang sa pinag-tataguan kong kumpol ng basura.
“Gago! Uunahin kitang hayop ka!” Sigaw ko pabalik bago walang pasabing lumabas kung saan ako nag-tatago bago paputukan siya ng sunod-sunod na ginawa rin niya pabalik.
Dumaing ako ng may tatlong bala ang tumama sa aking katawan dahilan upang mapahiga ako sa malamig na semento at hindi alintana ang likidong lasang kalawang na lumalabas sa aking bibig.
Nakita ko ang pigura nitong lumapit habang sapo ang balikat na mukhang tinamaan ng aking bala habang nakangisi ito at sabay na itinutok ang baril na hawak niya sa akin.
“Paano ba ‘yan? Mag-paalam ka na ngayong gabi.” Sabi nito bago kinalabit ang gatilyo ng baril na siyang umalingaw-ngaw sa buong paligid.
Unti-unti kong naramdaman na wala ng maramdaman ang katawan ko kasabay noon ang pag-bigat nang aking pag-hinga at panlalabo ng paningin ko.
Shit! Dito na ba ako mamamatay?
Hell no!
Ayoko. Please, ‘wag muna.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Mafia Reincarnate as a Powerless Gay Prince (BL) [On-going]
FantasíaPaano kung mabigyan ka ng isa pang pag-kakataon upang mabuhay sa ibang panahon para i-tama ang pag-kakamali ng ibang tao? Nakahanda ka ba sa anomang puwedeng mang-yari? Zhaid Rio Santillan ay kilala bilang isang mapanganib sa mundo ng Mafia world. A...