Y/n POV
Makalipas ang Sampu Taon.
Kaya pala iniwan niya ako kase hindi na pala siya babalik... Kaya pala nilalayuan niya ako kase gusto niya masanay ako na hindi araw-araw ay anjan siya palagi sakin na may mangungilit sakin palagi. Simula nung iniwan niya ako sa ere ay yun na pala ang huli naming pag uusap at pagkikita, hindi man lang ako nakapag paalam o yumakap sa kanya ng mahigpit.
FLASHBACK:
Pumasok ako sa klase ng walang gana o sigla dahil nasaktan talaga ako ng sobra kahapon kaya buong gabi ako umiyak hanggang sa nakatulog ako kaya ngayon medyo maga yung mata ko pero okay lang yun kase bata pa ako at wala naman ka kwenta yung rason ko. Pagpasok ko sa silid ay nagulat ako ng hindi ko nakita si guo sa loob pero hindi ko yun pinahalata baka kase late lang pero kung late talaga siya ay first time niya yun kase lagi siya maaga pumapasok. Tumabi na ako sa best friend ko na nakatingin sakin at Ina aral ang pagmumukha ko.
"Anong nangyari sis?" Tanong ng aking kaibigan ng umupo na ako sa tabi niya.
"Wala, napagalitan lang" sabi ko ng mahina dahil wala talaga ako sigla makipag usap sa kanya o kahit kanino man.
"Ahh ganun ba, ano kamusta yung pag uusap niyo ni huang ping?" Tanong nito pero tumingin lang ako sa kanya dahil pinipigilan ko umiyak.
"Oh! Bakit naiiyak ka? May nasabi ba ako masama?" Dagdag pa nito ng nakita niya ako may luha na namumuo sa mata ko.
"Wala..wala" sabi ko sabay umiwas ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa paligid.
Sakto din pumasok na yung guro namin kaya umayos na kami ng upo at handa na makinig sa kanya.
"Pasensya na kung na late ako may inayos lang ako kase isa sa mga kaklase niyo ay nag drop out" sabi ng aming guro habang inaayos ang kanyang mga gamit sa kanyang lamesa.
Nakita ko marami nagulat sa amin habang ako ay nanahimik lang dahil wala naman ako pake sa iba.. kay guo lang. Siya pa din ang laman ng isip at puso ko kaya tumingin na lang ako sa may bintana dahil doon ako naka upo.
"Sino po ma'am?" Tanong ng Isa ko kaklase.
"Si huang ping" sabi ng aming guro sa harapan.
Agad ako napalingon sa aming guro ng marinig ko ang sinabi niya.. umalis na si guo? Bakit hindi niya sinabi sakin? Agad ako tumayo kaya lahat ng attention ay napunta sa akin.
"Umalis na ma'am?!" Tanong ko sa aking guro.
"Anong oras umalis?!" Dagdag ko pa.
"Hindi ko alam pero siguro pa alis na yun dahil pumunta sila ng principal office,bakit miss y/-" Sabi ng aming guro.
Hindi ko na pinatapos ang aking guro magsalita dahil agad ako tumakbo pa labas habang naririnig ko ang tawag ng aking guro sa loob pero tuloy pa din ako sa pagtakbo. Tumakbo ako pa labas ng school at doon ko nakita si guo nakahawak sa Isang lalaki at malapit na sila makalabas ng paaralan.
"Sandali!! Guo!!" Sigaw ko para makuha ko man lang ang pansin nito.
Tumakbo ako ng mabilis para man lang makapag paalam sa kanya kahit ngayon lang, Buti na lang ay narinig ako ni guo kaya napalingon siya sa likod at nakita ako tumatakbo pati ang kasama niya lalaki na tatay niya ata ay napalingon din sa direksyon ko. Nasa sasakyan na sila.
"Sandali po!" Dagdag ko ng nakita ko nasa sasakyan na sila.
Nakita ko ulit ang mga matatamis na ngiti ni guo pero may halo na ito pait dahil sa pagpatak ng kanyang luha. Malapit na ako sa gate pero bigla ako nadapa kaya napaluhod ako sa lupa pero tumingin ako sa kanila ulit at nakita ko naka bukas na ang pinto ng sasakyan nila para maka pasok na si guo sa loob. Hinawakan siya ng kanyang tatay sa kanyang braso kaya napatingin Sila dalawa at tumango ang lalaki kaya tumango na din si guo pero bago ito pumasok ay tumingin siya ulit sa akin at kumaway bago ito pumasok sa loob kaya agad ako tumayo at tumakbo ulit para lang mahabol siya pero nakapasok na ang kanyang tatay sa loob at sakto nasa gate na ako kaya nahawakan ko ang sasakyan nila at pinaghahampas gamit ang aking palad.
YOU ARE READING
Mayor Alice Guo one Shot(GXG)
RomanceKathang isip lang po ito pero pag isa ka sa mga seryoso at mga basher ng Asawa ko WAG KANA MAG BASA. Pero pag isa ka sa mga delulu pag dating sa Asawa natin na si Alice BASAHIN MO TO ONE SHOT PARA NAMAN MATUWA AKO SAYO:) Yun lang enjoy!!