Childhood 0.3

323 20 2
                                    

Umalis si y/n ng walang paalam sa kanyang matalik na kaibigan na si guo dahil hindi niya kaya makita ang kanyang kaibigan umiiyak o nagmama ka awa kaya nag iwan na lang siya ng liham para kay alice kung bakit siya umalis.

"Para sa aking minamahal na kaibigan na si guo, paalam aking kaibigan pasensya kana kung umalis ako ng walang pa alam sadyang ayoko lang makita kita umiiyak kase nasasaktan ako kaya mag iiwan na lang ako ng liham sa iyo para malaman mo hindi kita iiwan ng walang paalam. Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita, salamat sa maganda memorya ginawa nating dalawa na aking babaonin papunta sa ibang bansa. Ingatan mo sana ang aking kuwintas na alala ng aking pagmamahal saiyo, patawad kung bakit biglaan ang aking alis bagkos ako ay nagulat din dahil napagod desisyon na pala ng aking itay na sa USA na lang daw ako mag aaral at maninirahan para sa aking kinabukasan na sana ma intindihan mo, mahal na mahal kita guo"

Ang liham ni y/n na naging sanhi ng pagka lungkot ni guo at pagkadismaya pero nag sumikap siya sa kanyang buhay para may maipagmalaki si guo na ngayong si alice na kay y/n sa kanyang pabalik. Kahit lumipat na si alice ng tirahan ay lagi pa din siya pumupunta sa Quezon city para dalawin ang bahay ni y/n at nagbabakasakali umuwi ito. Tuwing occasion ay dumadaan si alice sa bahay nila y/n dala ang mga laruan at si cash para kahit paano ay makapiling pa din niya si y/n. Habang si y/n naman ay nagsusulat ng mga liham para kay guo dahil yun lamang ang kanyang kaya magawa dahil nasa iba lugar siya nakatira ngayon at wala na siya naririnig na balita kay guo pero patuloy pa din niya inaalala si guo tuwing occasion kaya puno ng regalo ang kanyang kwarto na para kay guo lahat para pagka uwi niya ay hindi siya magtatampo, dati na nilang gawain ang mag regalo tuwing birthday,pasko,new year at iba pa.

Makalipas ang sampo taon.

Hindi na masyado nakakadalaw si alice sa bahay nila y/n dahil naging mayor siya ng bamban tarlac at business woman pero lagi pa din inaalala ni alice ang kanilang pinagsamahan kaya may isang kwarto sa kanilang bahay na puno ng mamahaling regalo para kay y/n at mga liham na matagal na niya ginagawa tuwing masaya, malungkot or may occasion dahil si y/n lang ang taong minahal niya ng sobra at ganoon din si y/n sa kanya. Hanggang sa dumating na ang panahon na babalik na si y/n sa pilipinas pero isa na siya doctora pero nanatili muna sila sa bamban tarlac dahil 8th Kanlahi Festival at kahit labag sa kalooban ni y/n ay sumunod pa din siya dahil matanda na ang kanyang mga magulang kaya kahit gusto niya bumalik sa Quezon ay sumunod na lang siya sa kanyang mga magulang.

Na invited si alice sa gabi yun pero wala siya alam na pupunta din pala si y/n sa festival ng tarlaceño. Isang gabi na malamig at madilim na kalangitan ang naka balot sa itaas at nararamdaman ng mga tao ngayon. Maraming tao ang nakalibot ngayong gabi kaya hindi ma iwasan hindi nila mapansin dalawa na malapit na Pala sila sa isat-isa. Walang alam si y/n kung sino si alice guo na kauna-unahang babae mayor ng tarlac dahil hindi pa niya ito naririnig o nakikita kase si guo huang ping lang ang laman ng kanyang isip at puso kaya wala siya panahon para kilalanin si alice.

Nanatili naka buntot si y/n sa kanyang mga magulang habang si alice naman ay nasa gilid kasama ang kanyang mga kaibigan at nakiki saya sa kanila. Nagsimula na ang masayang gabi na kanina pa hinihintay ng lahat ang mga show sa stage kaya napuno ng saya ang paligid maliban kay y/n at alice dahil iisa sila nag iisip na magkasama sila dalawa ngayong araw. Dumating na ang final show at yun ang fireworks na paborito nila dalawa pagmasdan tuwing new year na lagi ginagawa ng lahat na magpaputok ng maganda fireworks sa kalangitan na may kasabay na tugtog pero biglang may tumawag kay y/n kaya nag hanap siya ng pwesto kung saan maka iwas siya sa tao at ingay. Nakahanap din ng pwesto si y/n kaya umalis na muna Siya sa kanyang pwesto at naglakad papunta sa likod ng stage.

Daanan na muna ni y/n ang mga politiko na nag aabang ng fireworks at isa na doon si alice, naka abang lang si alice sa fireworks habang si y/n naman ay papunta na sa kanya at sakto pagkadaan ni y/n kay alice na nasa gilid din ay tumama ang braso ni y/n sa braso ni alice na naging dahilan ng pagkahulog ng cellphone ni y/n kaya agad bumababa si y/n para kunin ang kanyang cellphone at ganon din ang ginawa ni alice pero agad tumingila si y/n sa babae nasa harapan niya ngayon at sakto din tumingila si alice kaya sabay nagtugma ang kanilang mga mata at sakto din ang pagputok ng fireworks sa kalangitan sabay ng kanilang pag titinginan.

Gulat na gulat sila dalawa ng nagkita ulit sila dalawa dahil malaki ang kanilang pinagbago. Maputi at gumanda lalo si alice samantalang si y/n naman ay tumangkad at pumuti lalo na kinaganda niya.

"Guo?"

"Y/n?"

Sabay nilang tanong habang naka titig ng malalim sa isat-isa at sabay din ang pag tayo nila dalawa pero ang kanilang mga mata ay naka stuck pa din sa isat-isa. Agad namang hinila ni alice si y/n palayo at sabay sila tumungo sa may mga kotse pero kita kita pa din ang mga naggagandahang fireworks sa langit. Wala masyado tao sa paligid kaya agad naman humarap si alice kay y/n at binigyan ito ng mahigpit na yakap sabay din ng tagos ng kanyang mga luha sa kanyang pisnge at ganon din ang ginawa ni y/n kay alice. Sabay sila pinutol ang pagyayakapan at tumingin ulit sa isat-isa.

"Hinintay kita ng matagal at hinanap ka kahit alam ko hindi kana babalik tulad ng ginawa sakin ni mama pero b-bumalik ka" sabi ni alice habang hinahaplos ang pisnge ni y/n.

"Hindi ko iyon gagawin kase nangako tayo sa isat-isa na walang iwanan. Bumalik ulit ako para sayo at simulan ang ating bago buhay na magkasama na ulit"Sabi ni y/n habang naka hawak din sa pisnge ni alice.

Nagtinginan sila dalawa hanggang sa unti-unti na sila lumalapit sa isat-isa, hanggang sa nagdikit ang kanilang mga labi at nilalasap ang oras at maramdaman ang kanilang mga labi sabay ang tuloy na tuloy na pagputok ng fireworks sa kalangitan. Nararamdaman nila na naghahalikan sila sa gitna ng ulap habang pinapakinggan ang mga fireworks at nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin. Sabay nila pinutol ang kanilang paghahalikan at hinayaan magdikit ang kanilang noo at ilong, naka lupot ang braso ni alice sa baywang ni y/n habang ang braso naman ni y/n ay naka lupot sa leeg ng mayora. Nakatingin sila dalawa at nakikita ang kanilang mga Bata mukha na parang bumalik ulit sa pagkabata.

"Mahal na mahal kita guo lagpas pa sa ating pagkakaibigan" bulong ni y/n

"Mahal na mahal din kita y/n more than a friends" bulong din ni alice.

Nag yakapan sila dalawa habang naka masid sa kalangitan na kanina madilim pero ngayon ay makulay na dahil sa makukulay na fireworks.

WAKAS.

--------------------------------------------------------

late upload mga Inday nakalimutan ni author ma publish😁

Mayor Alice Guo one Shot(GXG)Where stories live. Discover now