Hindi pa nagtatagal si y/n sa kanyang paaralan ay gusto na ito umalis dahil gaya ng kanyang mga kaklase ay nadamay na din siya. Lagi siya hinihingan ng pencil at papel, naiintindihan na din ni y/n ang mga kanyang mga kaklase pero hindi agad susuko si y/n dahil nakakasalalay ang kanyang kinabukasan sa paaralan na iyon kaya kahit lubog sa kanyang kalooban ay pumasok pa din siya dahil lunes na kaya kailangan na naman tiisin ni y/n si ping.
Pagkapasok ni y/n sa loob ay agad niya nakita si ping dahil nakatingin iyon sa kanya, bumuntong hininga na lang si y/n at naglalakad na palapit kay ping dahil si ping ang kanyang bago ka seatmate. Pagka upo ni y/n ay nararamdaman pa din niya nakatingin si ping sa kanya kaya naglakas na ito ng loob at tumingin kay ping.
"Wala ako lapis at papel kaya hum-" hindi na natapos ni y/n ang kanyang sasabihin ng bigla tumunog ang tyan ni ping.
Pinipigilan ni y/n na wag tumawa kase nakikita niya nahiya bigla si ping pero buti na lang si y/n lang ang nakarinig dahil maingay ang silid-aralan dahil sa kanyang mga kaklase maiingay na nag kwentuhan.
"Gutom ka?" Tanong ni y/n sa kanyang katabi na ngayong nahihiya na.
Dahan-dahan tumango ang kanyang katabi kaya lalo ngumiti si y/n at pinipigilan tumawa dahil sa nakikita niya ngayon.
"Edi bumili ka, mayaman ka naman diba" Sabi ni y/n na parang nangiinis.
Agad naman napatingin si ping sa kanyang katabi na nahihirapan na mag pigil ng tawa.
"Pano ako bibili kung wala sila barya" sabi ni ping sa kanyang katabi na pabulol pa.
"Bakit Ilan ba dala mo Pera?" Tanong ni y/n.
"1,000" sagot ni ping.
"1,000!?! Seryoso kaba!?" Gulat na sagot ni y/n sa kanyang katabi.
Napakamot na lang ng ulo si y/n ng marinig ulit ang tunog na nanggagaling sa tiyan ng kanyang katabi na ngayong mukha gutom na talaga, huminga ng malalim si y/n bago kunin sa kanyang bag ang baon niya suman na gawa ng kanyang ama.
"Ito oh, ito na lang muna kainin mo.. masarap yan gawa namin ni itay" sabi ni y/n na mahinahon habang nakatingin si ping sa kanya na may gulat sa kanyang mukha.
Hindi gumalaw si ping at nanatili ito nagulat kay y/n dahil siya lang nag offer na bigyan siya ng pagkain, napansin naman ni y/n ang pagkatahimik ni ping kaya kinuha nito ang kamay ni ping at sobra ito malamig pero hindi ito pinansin ni
y/n dahil nilagay nito ang suman sa palad ni ping at sinarado ito. Namula ang pisnge ni ping ng maramdaman niya ang mainit na palad ni y/n."Tanggapin mo na, wag mo na akong bayaran kase wala ako panukli sa 1,000 mo. Basta sa susunod kahit 100 lang muna baon mo para may mabilhan ka sa labas at hindi ka ma mudos ng mga tao jan sa may labas" dagdag pa ni y/n.
Ngumiti na lang si y/n dahil hindi talaga sumasagot si ping kaya umiwas na lang siya ng tingin at kinuha yung libro niya sa kanyang bag at nagbasa na lang habang hinihintay ang kanilang guro. Pinagmamasdan lang ni ping si y/n dahil sa maamo nito mukha at malang anghel na ugali dahil sa kabila ng pangungurot niya at pagtataray kay y/n ay nagawa pa din siya tulungan nito.
"P-pano ito open?" Tanong ni ping ng mahina.
Agad nabaling ang attention ni y/n sa kanyang katabi, napatawa ng bahagya si y/n dahil siya lang ata tao walang alam pano mag bukas ng suman at sa pananalita nito dahil pa bulol ito.
"Wag mo ako tawanin" dagdag pa ni ping.
"Ayy pasenya na, akin na turuan kita" sabi ni y/n at kinuha yung suman kay ping.
"Wag na, turuan mo na lang ako" pagtatapang ni ping.
"Pano ka matuto niyan? Wala ako pake basta manood ka na lang" sagot naman ni y/n.
YOU ARE READING
Mayor Alice Guo one Shot(GXG)
RomanceKathang isip lang po ito pero pag isa ka sa mga seryoso at mga basher ng Asawa ko WAG KANA MAG BASA. Pero pag isa ka sa mga delulu pag dating sa Asawa natin na si Alice BASAHIN MO TO ONE SHOT PARA NAMAN MATUWA AKO SAYO:) Yun lang enjoy!!