Childhood.

448 20 13
                                    

Y/n POV

"Magandang Umaga Binibini Amelia" sabi namin lahat.

"Magandang Umaga din sainyo mga bata, maari na kayo maka upo" sabi ng amig guro.

Sinunod namin ang utos ng aming guro kaya umupo na kami lahat at handa na makinig sa kanya ituturo. Ako nga pala si y/n pitong taong gulang grade 1 student, makulit at mabait na bata ako kaya marami ako nagiging kaibigan bawat school year.

"Bago natin talakayin ang ating lesson ay may ipapakilala muna ako sainyo" Sabi ng aming guro sabay tingin sa pinto.

Tumingin kami lahat sa pinto at may nakita kami sa bata na pigtails ang tali, singkit ang mata nito pero takot ito parang ayaw niya pumasok sa silid dahil lahat kami ay nakatingin sa kanya at may nagbubulungan pero nanatili ako tahimik dahil naka tingin ito sa akin na parang kami lang ang tao sa paligid kaya pumunta ang aming guro sa kanya pwesto at tinulungan siya pumasok sa silid pero naka yuko na ito.

"Mga bata nais ko ipakilala sainyo si Guo huang ping ang bago niyo magiging kaklase at kaibigan ngayong school year" sabi ng aming guro habang hawak ang kamay ni guo.

"Ma'am Chinese po ba siya?" Sabi ng Isa ko lalaki na kaklase at narinig ko tumawa pa sila sa tanong ng aking kaklase.

"Class quite. Wala masama na mag aral sa ating paaralan kahit hindi man sila pilipino ay dapat iparamdam natin sa kanila na maligaya sila sa pagdating dito sa ating paaralan at bansa" saway ng aming guro.

Tumahimik naman ang lahat at nag sang ayon sa aming guro,tumingin ulit ako sa bata katabi ng aming guro at takot talaga siya kaya naawa ako sa kanya mukha kase ngayon lang siya naka kita ng ibang Bata.

"Guo pasensya kana ah, Sige pwede kana maka upo sa tabi ni y/n" sabi ng aming guro sabay turo sa aking tabi.

Tumango naman si guo at unti-unti naglakad papunta sa akin habang naka tingin siya sakin na parang ako lang ang nakikita niya sa silid kahit lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa kanya, pagkarating niya sa aking tabi ay nilagay niya muna ang kanyang bag sa upuan na tabi ng upuan ko. Nakatingin pa din ito sa akin pero nung umupo na ito ay umiwas na din ito at tumingin sa kanyang kamay sa kanyang hita. Umiwas na din ako ng tingin sa kanya ganon din ang aking mga kaklase.

"Y/n anak since ikaw naman ang presidente sa ating classroom ay maari mo ba libotin ang ating paaralan at ipakita ang mga silid na dapat malaman ni guo para alam na niya ang kanyang mga pupuntahan sa susunod dahil bago lamang siya dito" sabi ng aming guro.

"Masusunod po Binibini Amelia" Sabi ko ng may sigla sa aking tono dahil ito ang aking paborito gawain kapag may bago kami kaklase na nagiging kaibigan ko.

Ngumiti naman ang aming guro sa akin at nagsimula na mag turo pero napapansin ko tumititig sakin si guo pero tuwing tumitingin ako sa kanya ay umiiwas agad ito ng tingin at kunwari nakikinig sa aming guro kaya hindi ko ma iwasan mapangiti. Hanggang sa natapos na ang aming klase kaya nagsimula na kami maglibot ni guo sa paaralan.

"Ako nga pala si y/n pwede mo ako maging kaibigan kaya wag ka mahihiya mag sabi sa akin kase mabait naman ako" sambit ko habang naglalakad kami sa hallway pero hindi man lang ito sumagot bagkos ay tumingin na lang ito sa akin.

Tinuro ko lahat ng mga silid na aming nakikita habang kami ay naglalakad pero hindi ko siya narinig tumawa o magsalita na parang manika. Pero hindi ako nagsawa agad at nagtuloy-tuloy lang sa pagsasalita na may halo biro ng ka unti. Hanggang sa nauwi kami sa malaki puno sa may bakuran ng aming paaralan kaya umupo na muna kami sa tabi ng puno dahil may bench naman doon at napagod na kami kakalibot.

"Nag enjoy kaba? Pasensya kana kung masyado ako madaldal at maingay, ganto na talaga ako kaya pagpasenyahan muna" sabi ko sabay tawa pero nung tumingin ako sa kanya ay naka tingin lang talaga ito na walang pagpapahayag sa kanyang mukha kaya medyo natakot ako.

Mayor Alice Guo one Shot(GXG)Where stories live. Discover now