"Ate!!! bilisan mo dyan aalis na daw kayo ni mama!!"
Binigyan ko muna ng panghuling hagod ang sarili ko sa salamin bago ko sagutin ang kapatid ko.
"Pababa na ako!" sagot ko dito at kinuha na yung mga bag at iba ko pang gamit na dadalhin ko pabalik sa city. Ilang araw nalang kasi ay magsisimula na uli ang pasukan kaya naisipan namin ni mama na bumalik na bago pa magsimula ang klase.
"Mag-aaral kang mabuti dun ah" napalingon ako sa likuran ng marinig kong nagsalita si Lola.
"Opo la..." sagot ko at nilapag muna saglit ang mga bagahe. "Para sainyo kaya to ni mama kaya mas lalo pa akong magpupursigeng mag-aaral para makabawi ako sa paghihirap na ginawa nyo para samin ng kapatid ko".
Simula kasi nung maisilang kami ng kapatid ko ay naghiwalay na yung mga magulang namin.
Maaga ding nabuntis si mama kaya naisipan nitong maghanap ng trabaho para maitawid kaming magkakapatid.
"Cali tapos ka na ba dyan" tanong ni mama na agad ko namang ikinatango.
Binuhat ko na ang mga kagamitan ko na kanina lang ay nakalapag sa sahig at nagpaalam na kay Lola at sa kapatid ko.
Niyakap ko si Lola habang ito'y maluha-luhang nakayakap sakin.
"Maiiwan na naman kami dito, nakakapanibago na naman ang katahimikan" bakas sa boses nito na para bang ayaw nya kaming umalis.
"Wag po kayong mag-aalala babalik din naman po ako" mahinahon kong sagot sa kanya.
"Oo nga po ma tsaka tatawagan naman namin kayo palagi" dagdag ni mama na may bakas din ng kalungkutan ang mukha.
Tuluyan na kaming nakalabas ng bahay at nagpaalam na sa kanila dahil naghihintay na samin ang bus.
Binilinan ko din ang kapatid ko to watch over our grandma dahil madalas din itong magkasakit. Ayoko pa naman na magkasakit ito lalo na't malayo kami ni mama.
"Mama, tito alis na ho ako" pagpaalam ko sa kanila ng ako'y matapos na sa pagbibihis. Humalik muna ako sa mga pisngi nila at lumabas na ng bahay.
Ako nga pala si Eunice Calista Laurel, 20 years old, a second year Tourism Student.
Yes mga teh, second year na ako which is thankful talaga ako kay god dahil akala ko di ako papasa sa first year.
Pano ba naman eh ang hirap ng mga subjects namin, idagdag mo pa yung matmod na pinaayaw ko talaga sa lahat. Sobrang saya ko nga nung nakapagtapos ako ng grade 12 dahil yung strand na kinuha ko tigdadalawa ang math.
Nganong ga ABM mn sd kuno bii
Tapos pagdating sa college may math pa din.
Pumara na ako ng jeep patungo sa paaralang papasukan ko.
Lain sad kaayog car atung parahon sa?
At sa ilang minutong pagbabyahe ay sa wakas nakarating na ako. Di pa nga nagsisimula yung klase ay ramdam ko na ang pagod.
Pero dahil nga sa first day of class pa ngayon ay for sure wala pang mga professor na magsisimulang mag discuss.
Boang sila kung magklase dayon bisag first day of school pa
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad patawid sa school.
Iisipin ko pa lang na studyante na ako uli eh nakaka stress na kaya isinet aside ko muna dahil ayokong ma stress ng sobrang aga.
"Caliiiii!!!!!"
Kunot noo akong lumingon sa likuran ng marinig ko ang boses na yun na pagmamay-ari ni Yasmin.
"Tangina mo teh I miss you!!" may halong excitement sa boses nito at sinugod ako ng mahigpit na yakap.
"Ikalma mo nga yang bibig mo ang aga-aga nagmumura kana" sabi ko sa kanya pero inirapan lang ako at umakbay sakin.
"Namiss ko kasi ang best friend ko tsaka alam mo ba..." Huminto muna ito sa pagsasalita at humarap sakin. " May poging tumulong sakin kanina nung muntik na akong madulas ackkkk!!!".
Nganong wa man nadayon ug ka slide ning animal uy
Napatakip ako sa aking tenga at marahan itong binatukan dahil bigla nalang tumili.
Napaigtad tuloy si nanay na dumaan sa tapat namin.
Makaulaw pd ni sya ikakuyog uy boyset
"Halika nga dito" kinaladkad ko ito sa tapat ng school namin at pinandilatan ng mata.
"Bakit?...inexpress ko lang din naman yung nararamdaman ko ah" sagot nito habang naka pout ang mga labi.
"Alam ko tsaka pwede ba itikom mo nga yang nguso mo parang nguso ng baboy eh, kairita" pabiro ko sa kanya pero sa totoo lang sarap talaga nitong sapakin.
Nasa loob na kami ng classroom at pansin namin na may mga bagong mukha na naman na maging kaklase namin.
Tahimik lang akong nakaupo sa upuan habang si Yasmin na nakaupo sa tabi ko ay di mapakali, kanina pa kasi ito patingin-tingin si labas, tapos uupo, tapos tatayo uli.
Pugngi ko kay idapog na jd ko ni ba
Napabuntong hininga nalang ako at inilapat ang mga tingin sa labas.
Napagtanto ko na ang bilis lang ng panahon, parang kailan lang eh freshmen pa lang ako tapos ngayon haggard na.
Biglang tumahimik ang buong classroom dahilan para mapalingon ako at umayos na sa pagkakaupo ng makitang may pumasok na lalaki.
Base sa porma nito ay halatang sya ang guro namin sa first sub na meron kami this morning.
Tumikhim ito at inayos ang glasses na suot-suot nya tapos tumingin sa amin.
Lisod pd kung sa gawas sya molingi nga naa raman man mi sa sud.
Napakagat ako sa ibabang labi ng maramdaman kong kinurot ako ng katabi ko.
"Teh ampogi nya" pabulong itong napatili sa tabi ko, may pa inhale exhale pa itong nalalaman.
Binigyan ko naman ito ng marahang suntok sa tagiliran nya dahilan na muntikan na itong mahulog sa kinauupuan nya.
Napatingin naman sa amin ang ibang studyante pero nanatili lang akong kalmado habang pasimpleng tinapunan ng tingin ang katabi ko na ngayon ay nakatayo at humingi ng paumanhin.
"Demonyo ka talaga" pabulong nito sakin at pinigilan ko naman ang sarili kong matawa.
A/N: halo
YOU ARE READING
Always Been You Professor - (G×G)
RomanceEunice Calista Laurel, who took a risk of being in a situationship with Haerin Vania Rivera decided to cut her out of her life due to some reasons. But in an unexpected day, both of them met as a student and professor. What would be the adventure a...