Chapter 3

32 0 0
                                    

"Kumusta ang unang araw ng pasukan" tanong ng stepdad ko habang ngumunguya ito ng pagkain.

Kasalukuyan nga pala kaming naghahapunan ilang minuto ding nakatayo sina mama at tito sa labas, nag-aantay na buksan ko ang gate.

Pero nga dahil sa nakatulog ako kay di ko sila nagawang buksan.

Buti nalang may extra susi si mama at palagi nya itong dala-dala.

"Okay naman po medyo kabado nga lang kasi mukhang mga terror po yung magiging professors namin this sem eh" sagot ko bago ako sumubo ng kanin.

"Natural lang naman yan lalo na't nasa kolehiyo kana" dagdag naman nito at tumango nalang ako as a respond.

Nang matapos ng kaming kumain ay naglinis na ako ng mesa at naghugas na rin ng pinggan.

Pinagpahinga ko na si mama at tito dahil alam kong pagod din sila.

Pagkatapos kung asikasohin ang mga gawaing bahay ay umakyat na din ako sa itaas at naisipang mga search ng kung ano-ano na related sa subject namin.

Para kahit paano ay may idea na ako kung sakaling magsisimula ng mag discuss ang mga professors namin.

Kanina kasi ay panay introduce yourself lang ang nangyari.

Bahagya akong nakaupo sa harap ng PC ko ng biglang nag ring ang cellphone ko senyales na may tumatawag sakin.

Akma ko na sanang sasagutin pero bigla namang binaba yung tawag.

"Hmm baka na wrong dialed lang" sambit ko sa sarili ko at ibinaling na ang attention sa PC.




Bumaba na ako sa sasakyan at nagpaalam na kay tito at mama.

Since maaga naman daw silang pumunta sa consolacion (location ng pinagtatrabahoan nila) ay naisipan nilang isabay nalang ako patungo sa school.

Naglakad na ako patawid sa school ng may bigla akong nakabungguan.

"Hala sorry di ko sinasadya—Nathan?"

"Cali"

Calibangon....

Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at kaagad na sinugod ito ng yakap.

"Uy kumusta kana" kaagad kong tanong dito.

"Okay naman...eh ikaw ba kumusta pagiging TOURISM STUDENT" napatawa ako ng bahagya dahil  madiin ang pagkakabanggit nito sa salitang tourism student.

Nag rants kasi ako sa kanya last time na sobrang hirap talaga ng program na kinuha ko.

And if you're wondering kung ba't ko kilala si Nathan well it's because he's my childhood best friend.

Kasama ko sya sa lahat ng bagay at dati nga napagkamalan  pa kaming mag jowa pero no he's just my friend.

Di sd ko ganahan ug tagduha ang ulo

"Okay lang naman pero anong ginagawa mo dito" pagulat kong tanong dahil sa pagkakaalam koy malayo dito sa university na pinapasukan ko ang paaralang pinapasukan nya.

"Napadaan lang ako and actually galing ako sa mall" sagot nito at napatango naman ako.

Nang mapansin kong the lights already turned red ay nagpaalam na ako sa kanya.

Nakita ko naman sa may bandang unahan si Yasmin na ang mga matay nakatingin lamang may likuran ko.

"Teh kilala mo sya?" Kaagad nitong tanong sakin ng tuloyan na akong makalapit sa kanya.

"Huh?" Pagtatakang tanong ko at napalingon sa likuran ko, nakita ko namang sumakay na sa mini bus si Nathan na syang sinundan ng mga tingin ni Yasmin.

"You mean si Nathan?" Dagdag ko at tumango ito habang patuloy pa rin na sinunsundan ng mga mata nya ang mini bus until it disappears in our sight.

"Sya yung lalaking sinasabi ko sayo na tumulong sakin" tumalon-talon ito ng bahagya habang pinagpapalo ang braso ko.

"Huy ate ko tumigil ka nga" sinapak ko naman ang braso nito dahilan para mapatigil ito sa ginagawa nya.

"Aray ko naman" she blurted out at hinimas himas ang braso nya "Reto mo naman ako dun" she added at napahalakhak naman ako.

"Malas yun sa mga babae teh kaya kung ako sayo pumasok nalang tayo sa loob" sabi ko sa kanya at kinaladkad na sya papasok sa university.




Nasa kalagitnaan kami ngayon ng discussion ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon ang babaeng nasa 30+.

Tumayo kami at binati ito tsaka umupo uli para taposin ang pinapagawa samin.

Mora pd mig tala ana kung magbarog sige

Lumapit ito sa professor namin sa second sub at taimtim silang nag uusap.

"Alright class, finish what you are doing at ibigay nyo sa class mayor nyo ang answer sheets tapos ilagay nyo lang sa table ng office ko okay? May urgent meeting kasi kami".

Biglaan nitong sabi at kaagad na umalis na ikinatuwa naman ng iba naming kaklase.

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa lalo na't patapos na yung subject nya.

Bigla-bigla nalang kasi itong nagpapa quiz kahit hindi naman kasali sa discussion.

Minsan nga nagpapa report pa ito ng topic na hindi nya naidiscuss. Minsan naman nagkwekwento ito sa kung gaano na sya katagal sa industry ng pagtuturo.

Nya hatagan ramig 2.0 nga grado miang kumoton ah

Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat at ng matapos na ay isinandal ko ang aking likuran sa upuan.

Inilipat ko naman ang attention ko sa labas only to see a group of students na nagkukumpolan malapit sa gate.

Taimtim lang akong nakamasid sa mga ito hanggang sa may pumasok na BMW m4 sa school premises.

Napaawang naman ako sa dahil napakaganda talaga ng sasakyan at napakaangas pang tingnan dahil sa kulay nito.

Inisog ko ang aking upuan malapit sa bintana at nanlaki ang mga mata ko ng iniluwal mula rito ang babaeng nasa 5'9 ang height, nakasuot ito ng fitted na turtle neck tapos naka black coat.

Mas lalo pang bumagay sa suot nito ang black skirt nya na paired with black heels.

Waaahh mala mafia boss ang galawan

Kahit nasa malayo ako ay napakalinaw talaga sa aking mga mata kung gaano ito kaganda.

Narinig ko namang biglang bumukas ang pintuan ng classroom at pumasok ang student council president.

Pinapalabas kami nito at pinapunta sa auditorium to welcome the new hired professor.




















A/N: 🤔🤭
































Always Been You Professor - (G×G)Where stories live. Discover now