Andito na kami sa auditorium at kaagad na umupo sa second row para mas malinaw naming marinig ang sasabihin ng MC to welcome the new hired professor.
Habang nakaupo sa second row ay ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Di ko maintindihan kung bakit pero sa tuwing naiisip ko yung babae kanina bigla nalang lumalakas Ang kabog ng dibdib ko.
Ayko ingna na love at first sight ko??
Dumadami na din yung mga students sa loob, halos mga professors sa iba't ibang programs ay andito rin.
May mga students din na nagsisidatingan pa.
"Poging lalaki sana lord please" napalingon ako sa katabi ko na nakasalikop ang mga kamay habang nakatingin sa paligid nito.
Hangolag laki amp.
"Pinagsasabi mong lalaki" siniko ko ang tagiliran nito dahilan para mapalingon sakin.
"Yung professor kasi ang ibig kong sabihin" sagot nito at umayos ng upo.
"Akala ko ba loyal ka kay prof. Gutierrez" (prof namin sa first sub) nagtatakang tanong ko sa kanya kasi nung nakaraang gabi inistalk nya ito at panay send ng mga pictures nito sakin.
As if naman may paki ako
"Bakla teh...baklaaaa" pabulong nitong sabi sakin na syang ikinagulat ko tinampal ko ang balikat nito at hinila palapit sakin.
"Pinagsasabi mo dyan baka may makarinig sayo" pinandilatan ko ito ng mata at inirapan lang din ako.
Sabay kaming napalingon sa harap ng nagsimula nang magsalita ang MC.
"Good morning teachers especially to our dear students coming from different programs, thank you for coming in this short program to welcome our new professor Ms. Haerin Vania Rivera!"
Sabay na nagpalakpakan ang mga studyante at umakyat naman sa stage ang babaeng nakita ko kanina na bumaba sa mamahaling sasakyan.
Haerin Vania Rivera....a-ano daw?!!!
Napaawang ang bibig ko sa narinig habang sinusundan ng mga mata ko ang babaeng nakatayo na sa harapan namin ngayon.
Napakurap kurap ang mata ko dahil di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
V-van was it really you?
I swallowed the lump on my throat at mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko ngayon.
Alam kong never ko pang nakita ang mukha nya pero kahit isang taon na ang nakalipas ay di ko pa rin nakakalimutan ang pangalan nito.
Pero baka ka pangalan nya lang ang babaeng to kaya lang ba't ganito ako maka react??
"Huy Cali" napabalik ako sa aking ulirat ng tinapik ni Yasmin ang braso ko.
"Okay ka lang?" May bahid ng pag-aalala ang boses nito pero pilit ko itong nginitian at nagpaalam muna na mag-ccr lang ako saglit.
Nang makarating sa Cr ay naghilamos ako ng mukha pero yung kaba na nararamdaman ko ay hindi pa rin nawala.
Wala naman akong ginawang masama pero ba't parang daig ko pa ang nakapatay ng tao.
I pulled myself together at naghilamos uli tsaka ko pinatay ang faucet, lumabas na ako ng Cr ng biglang may humarang sakin.
Iniangat ko ang aking ulo at napasinghap ng makita ko kung sino ang humarang.
V-van.....
"Huy teh jusmeyo ka"
Napalingon ako sa paligid ko at namalayan kong nagsisialisan na ang mga tao.
Dun ko lang napagtanto na nakatulog pala ako.
Kabuang
"Ano wala ka pa ring planong tumayo dyan tayo nalang yung nandito oh" sambit ni Yasmin at napakamot ito sa ulo nya.
Kaagad naman akong tumayo at nagsimula ng maglakad palabas ng auditorium.
Haerin Vania:
Matapos akong I welcome sa paaralan na kung saan ako nakapagtapos ay dumiretso kami sa teacher's office to celebrate.
Binati naman ako ng mga students na nakakasalamuha ko as well as those teachers na ka batch ko dati.
"We didn't expect na dito mo napagdesisyonang magturo Ms. Van" wika ni Mr. Dominguez na principal na ngayon ng University.
I smiled in response as I sit on the couch ng bigla ko syang maalala kanina na nakatulog in the middle of the program.
Does she know about me?
Yan ang tanong na pumasok sa isipan ko the moment my eyes laid on her.
Sa limang buwan naming pag-uusap ay di ko sya nabigyan ng chance na makita ang mukha ko cause I actually have this rules of mine na hinding hindi ko talaga ipapakita ang mukha ko not until di magiging kami.
Di ko alam kung bakit pero ganyan na talaga ako ka secretive sa mukha ko.
I excused myself for a moment at lumabas ng teacher's office only to bump into someone.
"I'm sorry po"
Pagpapaumanhin ng babae at nagtama ang mga mata namin dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.
Cali
"I'm sorry po talaga prof di po namin sinasadya nagmamadali po kasi kami" sambit ng babae na ngayon ko lang napansin na kasama nya pala
"It's fine just don't run in the hallway" malamig kong turan sa kanila humingi uli ito ng tawad at saka umalis.
Napalunok ako habang sinusundan ko sila sa aking mga mata and if you're wondering kung pano ko sya nakilala well it's because of her sister.
Her sister used to send me a pictures of her as an update dahil simula nung pinutol nya ang kung anong meron kami sa di ko malaman laman na rason ay di na rin kami nagkausap pang muli.
Sya din ang rason kung bakit ko napagdesisyonang dito magturo dahil I really missed her so much.
I don't care if she doesn't know about me as long as nakikita ko sya everyday okay na yun.
Pero di ko pa rin talaga maiwasang mapatanong sa sarili ko kung bakit bigla bigla nya nalang naisipang ihinto yung nasimulan namin.
How stupid of me din dahil di ko sya nagawang pakiusapan na wag itigil, dahil na rin siguro sa I respect every decision she made kahit na ikakasakit ko pa.
YOU ARE READING
Always Been You Professor - (G×G)
RomanceEunice Calista Laurel, who took a risk of being in a situationship with Haerin Vania Rivera decided to cut her out of her life due to some reasons. But in an unexpected day, both of them met as a student and professor. What would be the adventure a...