Nang matapos na ang mga subjects namin sa umaga ay sa wakas nakahinga na rin ako ng maluwag.
Ilang oras din kasi akong kinakabahan dahil mukhang terror ang mga professors na meron kami this semester.
Tapos yung panghuling guro na pumasok kanina ay napakatahimik. Akala namin ay ka vibes namin eto dahilan sa sumasabay naman sya sa mga jokes namin.
Pero di namin inaasahan na masigawan nya yung isang kaklase namin, daldal kasi ng daldal kahit nasa harapan nya yung guro.
"Ano kakainin mo teh" tanong ni Yasmin ng makarating na kami sa cafeteria.
Naisipan naming dito nalang dumiretso since nagugutom na rin kasi kami.
We were actually planning to eat nalang sa Mang Inasal kaso gutom na talaga kami kay dito nalang.
Luhh si oa
"Kahit ano nalang" sagot ko sa kanya pero napakunot noo ako ng mapansin kong nakatitig lang ito sakin.
"Ano?" Tanong ko sa kanya habang naka cross ang mga braso nito. "May nakita ka bang kahit ano sa menu?" Maarteng turan nya sakin at napakamot ako sa ulo.
"Kung anong kakainin mo, ganun na rin sakin" sagot ko sa kanya at naupo na sa bakanteng upuan.
Lain pd ug molingkod kos nay galingkod na
"Kung kakain ba ako ng ta—" kaagad kong tinakpan ang bibig nito bago pa man sya makapagsalita.
"Bumili ka nalang dyan dahil andami pang nakapila" inirapan ko ito ng mata at bumalik na sa pagkakaupo.
Pagkatapos nyang bumili ay kaagad na kaming kumain.
Magdadasal pa nga sana eh kung di lang sumubo kaagad tung kaharap ko na ngayon ay malapit ng maubos ang kinakain.
Dakoag bang sad ani nya uy
Napailing nalang ako sa kawalan at nagpatuloy na sa pag kain.
"Huy teh" tinapik nito ang kamay ko dahilan para maiangat ko ang aking ulo.
"Hmm?" marahan kong tanong sa kanya at inilapag ang cellphone. "Kumusta na kaya yung dating ka situationship mo no?" nasamid ako sa di ko inaakalang tanong nya.
Inabutan nya naman ako kaagad ng tubig habang napaubo ng bahagya.
"Naneto anong klaseng tanong yan" nairita akong nakatingin sa kanya habang napaka seryoso ng mukha nitong nakatingin sakin.
"Sorry naman...pero ano kasi bigla lang yang sumagi sa isipan ko" sumandal ako sa upuan habang pinunasan ng tissue ang bibig ko.
Pero she's right, kumusta na kaya yung loko na yun mag-iisang taon na rin kasi simula nung nahinto yung pag-uusap namin.
Ni hindi nga namin nabigyan ng chance ang isa't isa na magka label dahil sa ako mismo ang pumutol sa kung ano ang meron kami.
Ldr kami nun pero umabot ng ilang buwan yung pag-uusap namin bago ko naisipan I cut off sya sa buhay ko.
Andami kasing nangyayari nun eh at di ko na alam kung anong uunahin ko.
Sa totoo lang, inlove na ako sa kanya nung mga araw na yun. Takot lang akong lagyan ng label ang meron kami dahil baka pag nalagyan ng label ay biglang mag-iba ang ihip ng hangin.
"Hoy!"
Napabalik ako sa aking ulirat ng biglang tinampal ni Yasmin ang noo ko.
"Nagre reminisce ka ba? Iniwan kitang nakatulala sa kawalan tas pagbalik ko ganyan ka pa din" sambit nito at ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko ng napansin kong malinis na pala ang mesa.
Ilang oras kaya akong nakatulala
Minuto ra siguro uy
Bagsak ang katawan kong napahiga sa kama habang nakatitig sa kisame.
Mag isa nga pala ako ngayon sa bahay mamayang 5 pa yun uuwi si mama kasama si tito (stepdad ko) mula sa pag-aasikaso ng business nilang dalawa na malayo dito sa pinagtirhan namin.
Nakalimutan ko na sana ang tungkol sa babaeng yun eh kung di lang inopen ni Yasmin ang topic tungkol sa kanya.
Habang bumyahe kasi kami pauwi ay tanging yun ang lamang ng pinag-uusapan namin.
Andami din kasing tanong ng bruha kaya ako naman todo sagot sa bawat tanong na tinatanong nya.
Alam kong it's been a year since nag stop kami pero di ko akalain na up until now ay may mga bagay pa rin na nakakapag paalala sakin tungkol sa kanya.
Medyo nanghihinayang din dahil magkikita na sana kami nung araw na babalik na ako dito sa city.
Kaso wala...pinutol ko yung connection namin eh.
Ni hindi ko man lang sya nakita sa personal di ko nga alam kung anong klaseng mukha ang meron sya.
Palagi kasi syang nakatalikod kapag nagsesend sya ng mga pictures nya.
Minsan naman ay tanging kamay or paa nya lang ang sinend nya yung mala lowkey vibes.
Kaya di ko talaga alam kung anong klaseng mukha ang meron sya pero alam ko na sobrang ganda nun at pogi din.
Kaya di ko na sya kinukulit na mag send ng mukha nya dahil enough na yung mga pictures na sinesend nya sakin.
Gwapo mn gd gyapon hdjiahzhakabjsvxk!!!
Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko ng maalala ko ang mga araw na yun.
Napahawak ako ng bahagya sa dibdib ko at napaisip na...
Di pa ba ako nakaka move on?
Akala ko ba tuloyan ko na syang nakalimutan?
Sa tuwing nagtatanong din kasi ang kapatid ko tungkol sa kanya ay di ko talaga maiwasan na di sya maalala.
Tanging kapatid ko lang at si Yasmin ang may alam na may ka situationship akong babae.
Even si mama, Lola at stepdad ko ay walang alam tungkol dito.
Ayoko rin na mag open up about me falling inlove with the same gender dahil ayokong maka rinig ng mga mapapangit na salita mula sa Lola ko.
Yes homophobic sya
Though alam ni mama at ng stepdad ko ang tungkol sa gender identity that I have ay di pa rin ako kampante.
Napabuntong hininga nalang ako at ipinikit muna ang aking mga mata hanggang sa tuloyan na akong makatulog.
YOU ARE READING
Always Been You Professor - (G×G)
RomantiekEunice Calista Laurel, who took a risk of being in a situationship with Haerin Vania Rivera decided to cut her out of her life due to some reasons. But in an unexpected day, both of them met as a student and professor. What would be the adventure a...