Kabanata 20

278 9 0
                                    

ALVIROZ MERLION POV

Halos isang oras na kaming naghihintay dito sa may plaza, pero hindi parin bumabalik si Catainy. Dahil nag-aalala na ako, napagdesesyonan ko na sundan na siya.

Hindi ko alam kung nasaan siya pero alam ko na makikita ko agad siya dahil alam kong hindi siya lalayo sa kung nasaan kami. Pero kanina pa ako palibot-libot dito, hindi ko parin siya makita.

"Nasaan na siya?" Tanong ni Akeya pagkabalik ko sa plaza.

"Hindi ko siya makita" Sabi ko.

"Huh? Imposeble naman. Halos isang oras na noong umalis siya" takang sabi ni Alzem.

"I'm worried. Baka ano na nangyari sakaniya" nag-aalalang sabi ko habang hinahaplos ang batok ko.

"Relax bro, baka madaming nakapila sa shop na binibilhan niya kaya natagalan siya. Let's just wait" Sabi ni Keizy.

"Hahanapin ko ulit siya" Sabi ko at akmang aalis na nang magsalita si Akeya.

"I'll help"

"Maghiwa-hiwalay tayo para madali natin siya makikita" Sabi ni Ezhan.

"Dito nalang ako maghihintay, baka bumalik siya dito" Sabi ni Alzem.

Tumango lang ako at umalis na ulit para hanapin si Catainy. Halos libutin na namin ang buong city, pero hindi parin namin siya mahanap. Nagkatagpo-tagpo na ulit kami nila Keizy, Ezhan at Akeya.

"I can't find her" Sabi ni Akeya.

"Same" Sabi ni Ezhan

"Balik na tayo sa plaza baka nakabalik na siya" Sabi ni Keizy.

Bumalik na kami doon pero ni anino ni Catainy, hindi namin nakita doon.

"Hindi pa siya bumabalik dito?" Tanong ni Keizy.

"Hindi pa"

"F*ck!" Inis na sabi ko at sinabunutan ang sariling buhok.

"Calm down bro"

"Humingi na tayo ng tulong" Sabi ni Akeya.

"Hhm."

Humakbang na kami paalis.

"Saan mo nakuha 'yan?"

"Doon lang"

"Anong doon lang? Ninakaw mo siguro 'yan 'no?"

"Hindi ah! Nahulog 'to kanina doon sa babaeng nahimatay."

Natigil ako sa paghakbang ko nang marinig ang sinabi ng bata.

"Hindi mo dapat kinuha. Pagnanakaw parin 'yan."

"E kaysa naman iba ang makakuha. Saka ang ganda kasi ng kuwentas na 'to. Ibibigay ko kay Aya."

"Teka bata" tawag ko doon sa bata. Kita ko naman ang biglang takot sa mukha niya at nagtago sa likod noong isang batang lalaki.  "Teka, wala akong gagawin sa inyo. Gusto ko lang itanong kung anong itsura nong babaeng sinasabi mong nahimatay."

"M-Maganda po siya, pero ang weird po ng itsura niya kasi may tenga siya ng pusa at may buntot din. Para pong pusa."

Natigilan ako sa sinagot ng bata.

"Jhay, demi-human ang tawag sakanila" Sabi ng isang bata.

"Alam mo ba kung nasaan na siya?"

"Hindi ko po alam e. Pero may tumulong naman po sakaniya na isang babae at isang lalaki. Hindi ko lang po alam kung saan nila dinala."

"Baka sa gamutan nila dinala si Zitania" Sabi ni Alzem.

"Uhm... Pero kuya, hindi po sa tinatakot ko kayo ha." Sabi nong bata na kinalingon ko ulit sakaniya.  "Nakita ko po na pinalo nong lalaki si ate sa batok gamit ang gilid ng palad kaya nawalan ng malay si ate. Mabilis niya pong ginawa 'yon pero nakita ko po ang ginawa niya."

Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon